B-6

711 20 0
                                    

Di ako nakatulog dahil sa tanong ni Klark sa akin. Buong gabi yun lang ang nasa isip ko at nakalimutan ko na ang mga nangyari bago iyon

Sabog akong tumayo at naghanda na para pumasok

"Do you think I should pursue marrying or should I pursue the one I already fell into?"

"Aba malay ko sayo di ko naman nararamdaman yan para ako mag judge"

Natawa nalang siya ng bahagya at inayos ang sarili

"Wala ka talagang kwentang kausap"

"Wala ka din kwentang kausap" banat ko naman sa kanya at tiningnan ang kawalan

"I guess I should pursue her, she made me fell again today" saad niya at iniwan na akong naguguluhan

Ako ba ang tinu- haysts cy gumising ka baka tinetest ka lang ng gunggong

"Woi Cy, aga aga sabog ka anyare sayo?" saad ni Yana na may dalang mga plato

"Wala wala napuyat lang ako kagabi kasi diba" tumango nalang siya at binigyan ako ng motibasyon bago pumasok ng eskwela

Nasumpungan ko naman si Klark na pababa na sa hagdan kaya naman kumaripas nako ng takbo sa gate at agad pumara ng tricycle

Sinigawan pa ako ni papa dahil wala akong bagong pera pero buti nalang may ipon ako kaya di na ako bumalik

Ang awkward kasi lalo na naaalala ko pa din mga kaharut- este mga pinagsasabi niya sa akin kagabi!

Agad ako kumaripas ng takbo sa upuan ko at nagkunwaring tulog

Nagtaka naman si Jane saken at hinipo kung may sakit ako

Nagdadaldal lang siya sa gilid ko kaya medyo nawawala ang kaba ko pero nagtaka ako ng tumahimik ang aking gilid kaya naman inangat ko ang aking ulo at nabunggo ko ang ulo ni Klark

Nagulat naman ako at tutungo na sana ulit ng hawakan niya ang pisngi ko at pilit pinapatitig sa kanya

"Hey, why are you avoiding me today? Nagtatampo ka pa din ba" nakangiting saad niya na nagpagulat di lang sakin kundi sa buong room

Umusbong ang mga bulungan at mga masasamang salita sakin ng mga kaklase namin lalo na ang mga alipores

Tinulak ko naman siya at inirapan

"Ang harot mo dun ka nga, aga aga"

"Sungit mo naman parang di ka concern sakin kagabi"

Lalo naman umingay ang mga bulungan at meron pa nang-aasar

Naramdaman ko naman namumula na ako kaya tinakpan ko na ang aking mukha at tumitig sa bintana

Humanda ka saken pag-uwi mamaya

"Hey guys stop it! Nahihiya na si Cy ayokong lalong magalit siya saken"

Dahil sa inis ko tinapakan ko ang paa niya at sakto naman dumating na si Sir kaya umayos na silang lahat

Sinamaan niya naman ako ng tingin at binantaan na gagawin din niya sakin ang ginawa ko sa kanya

Lumipas ang ilang oras at oras na ng break inaya naman na ako agad ni Jane pero agad siyang hinarangan ni Klark

"Sabay tayo mag lunch" saad niya sabay hatak sakin

Hinatak ko na din si Jane dahil ayoko maiwan kasama siya

Baka di ko mapigilan sarili ko sasapakin ko na ito dahil ginugulo niya puso ko este utak ko

Napalingon ang lahat pagdating namin ng cafeteria

Parang nakakita sila ng multo dahil sa gulat at pagkabigla ng makita kami ni Klark

Pumiglas naman ako at pumila sa ibang lane kasama si Jane pero nilipat niya si Jane at pumila sa likod ko

Pulang-pula na ang mukha ko sa inis na akala ng mga nakatingin ay kinikilig ako

Pota papakamatay nalang ako

Tahimik lang kaming kumakain ni Jane habang siya ay panay tingin sakin

Dahil sa inis ko ay di ko na napigilan sarili ko

"Ano bang gusto mo? Kanina ka pa!" nabigla naman ang lahat dahil napalakas ang boses ko pero wala na akong pake sa mga bulungan ng nasa cafeteria

Nabigla din siya at sumeryoso ulit ang mukha niya kagaya ng dating Klark na nakilala ko

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa mga kilos niya masasabi ko ng nahuhulog na ako sa kanya

Alam kong ambabaw pero hindi ko alam bakit anlakas ng tama niya saken

Oo inaamin ko na ngayon na gusto ko na siya. Naiinis ako na natutuwa dahil nagkagusto ako sa kanya kahit na pang demonyo ang ugali niya at madami siyang mood araw-araw. May isang bagay na naghalina sa aking atensyon at yung ang kung paano niya nakakayanan ang masalimuot niyang pamilya. Di lang pala ako ang may problema ukol sa pamilya kundi mga may kaya din kagaya niya na akala mo perpekto sa labas pero gulong-gulo sa loob

"I am just being nice to you bakit ba nagagalit ka?"

"Di ka naman kasi ganyan tsaka bakit ka ba nagiging mabait bigla! Nakakalito ka na"

Nagulat naman siya at napangiti ng bahagya

Magsasalita na sana siya ulit ngunit nag ring na ang bell kaya naman agad na akong tumayo at mabilis na naglakad pabalik sa room

Sumunod naman agad si Jane na takang-taka sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Klark

Di naman siya nagsalita dahil pansin niya ang mga nakakunot kong kilay habang nakikinig sa aming guro

Samantala napapansin ko na patingin tingin si Klark sa pwesto namin ngunit di ko siya binigyang pansin hanggang matapos ang klase namin

Bumalik na din ang expression niyang cold at walang pake sa paligid kaya naman nawala na din ang mga palaisipan ko na nagpapagulo lang sa aking isipan at damdamin

Alam kong maliit ang tyansa na magkagusto siya lalo na sa kagaya kong mahirap lang at katulong pa ng kanilang pamilya pero wag naman sana niyang paglaruan ang nararamdaman ko dahil tao lang din ako at nahulog pa sa maling tao

Wala ako sa sarili na nakauwi sa bahay

Nabigla naman ako ng nasa labas siya ng pinto nila at halatang hinihintay ako

Pota kala ko ba may training toh ngayon edi sana di ko dinecline ulit samgyup ni Jane letse!

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya ng mapansin niyang nakauwi na ako

Iiwas pa sana ako ngunit nalapitan niya na ako at nahawakan ang braso ko

Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit di siya natinag at dinala ako sa swing nila

Natahimik naman kami ng ilang segundo bago siya magsalita

"About earlier I'm sorry, nabigla yata kita dahil sa biglang pagbago ng pakikitungo ko sayo"

Di ko naman siya tiningnan at nanatili lang ang titig sa kawalan

"I just wanna know you more since you are always there when I'm struggling and alone"

Dahil sa sinabi niya napatingin ako sa kanya ng nagtataka at halo halo ng emosyon ang aking nararamdaman

"If it's okay to you Cyril? Be m-" natigil naman kami ng tawagin kami ni manang

"Nanjan ka na pala iha, kakain na tayo!" saad niya kaya naman nag-iwasan nalang kami ng tingin at pumasok na sa loob

Nagkaayos naman na si Ma'am Athena at Klark samantala di pa din nauwi si Sir kaya naman di pa din nareresolba ng buo ang naging away ng pamilya

Nang gabing iyon di nanaman ako nakatulog dahil sa sinabi ni Klark...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon