Natauhan naman ako nang tawagin ni manong ang pangalan ko
”Ano po iyon?” ngumiti naman siya at pinakilala sakin si Klark
”I already know her” he said and just give me a shivering gaze
“Ano nangyari kay Papa?!” sigaw nang babae sa labas ng pinto. Nakilala ko naman siya nanfg magtama ang mga paningin namin
Nagulat naman si Yana at tuluyang lumapit sa amin
“Hello Cy ikaw na pala yan” ngiting saad niya kaya naman ningitian ko din siya
Tatay niya pala si manong. Ngayon ko lang nalaman dahil di naman niya nakwento ito sa akin noon. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang nangyari at pinayuhan si manong tungkol sa kaniyang kondisyon
Umalis naman na muna ako dahil may nag-aantay sa akin na operasyon. Di ko naman nilingon si Klark dahil ayoko muna siyang makausap o makaharap kahit na ilang beses ko nang pinaghandaan ang ganitong mga di inaasahang pangyayari
“Omg so totoo nga nanjan si Klark” tili ni Jane sa gilid ko habang nakatambay kami ngayon sa opisina namin. Napakamot naman ako sa ulo at iritadong napatingin sa kawalan
“Maybe it’s time girl. Magkaroon na kayo ng closure a-“ pinutol ko naman siya sa mga ilusyon niya
“Di na mangyayari yun, tara na madami pa tayong pasyente” napasimangot naman siya at nagkibit balikat nalang saka sumunod sakin. Ngunit nagitla ako dahil nasa pinto si Yana at halatang nagulat din dahil sa paglabas namin
“Pwede ka ba makausap Cy” saad niya at tumungo. Nilapitan ko naman siya at inaya sa loob
Iniwan naman kami ni Jane para makapag-usap. Di mapakali si Yana habang ako naman ay nag-aantay sa kanyang sasabihin
”Sorry Cy pero ngayon lang ako naglakas loob” napakunot naman ang noo ko at tinitigan siya
”Kasi may dapat kang malaman pero bago iyon salamat pala sa pagligtas sa Papa ko’’ nahihiyang saad niya, ngumiti naman ako at tinapik siya
”Nako wala iyon trabaho ko naman iyon. Ano nga pala yung sasabihin mo” kuryosong saad ko
“Yung tungkol sa pagkamatay ni Ma’am Athena” nabuhayan naman ako nang loob dahil baka siya na ang sagot saking mga katanungan
“Ano meron sa pagkamatay ni Mrs. Gibson?’’ atat na saad ko at hinawakan ang parehong kamay niya. Huminga naman siya ng malalim saka nagsalita
“Ang totoo ay hindi pinatay ng Papa mo ang Mama mo” lakas-loob niyang saad
“Paano mo naman nasabi?” nakakunot na noong saad ko sa kanya
“Kasi may nakita akong taong nakaitim nung gabi bago si Ma’am mamatay, ginalaw niya yung kotse ni Ma’am. Akala ko maintenance lang kaya di ko siya pinakialaman pero nung nalaman ko na bumunggo sila baka ayun ang dahilan. Baka ginalaw niya yung makina para maaksidente sila Papa mo at sa kanya mabuntong ang sisi” nanlaki naman ang mata ko habang siya naman ay takot na takot sa aking harapan
“Bakit di mo agad sinabi yan noon” dismayadong saad ko habang nakatitig sa kanya
“Pasensya na Cy, may tumakot sa pamilya ko kaya umalis ako sa puder nila Sir Klark at nagtago dahil kapag nakita daw nila at nalaman na nagsumbong ako sa pulis papatayin niya daw kami lahat” nagulat naman ako sa sinabi niya
Kaya naman pala, may tao sa likod ng lahat ng ito. Napahinga naman ako ng malalim saka siya ulit tinanong
“Hanggang ngayon ba tinatakot pa din nila kayo” umiling naman siya agad at lumuhod sa harapan ko. Nagitla naman ako kaya tinayo ko siya
“Patawarin mo ko Cy, gusto kita tulungan pero pamilya ko din ang nakasalalay dito” tinayo ko siya ng maayos at hinawakan sa kanyang mga kamay
“Wala kang kasalanan prinotektahan mo lang ang pamilya mo” umiiyak pa din siya kaya naman pinatahan ko siya. Tumahan naman siya kaagad at umayos ng tayo
“Isa pa si Papa ang sinasabing kabit ni Sir Leandro noon’’ napatakip naman ako ng bibig dahil sa panibagong nalaman
Ibig sabihin sila ang sinasabi ni Sir Leandro na kabilang pamilya ni Ma’am Athena? Pero bakit di siya nagalit kay Yana kahit na isa ito sa mga katulong nila. Nakapagtataka pero pinapunta ko muna si Yana sa ward ng Papa niya dahil kukunin ko ang results ng test nito
Tulala ako habang pinagsasama-sama ang mga papel na kakaprint ko palang kasama ang X-ray scan ng kanyang ama
Napatigil naman ako nang marinig ang boses ni Klark sa loob kausap ang kapatid ni Yana
Ano ba yan bakit di pa din siya umuuwi nakakainis naman
Huminga muna ako ng malalim saka pumasok sa loob. Napatingin naman silang lahat sa akin kaya naman umismid ako saka nagsalita
Nakikinig naman sila Yana samantala titig na titig lang sakin si Klark na nagpapahumarando ng puso ko. Pinilit kong kumalma at sa wakas natapos na din ako magpaliwanag sa kanila
Nakahinga ako ng maluwag at pasimpleng tumitingin sa kanya. Umiiwas ako agad dahil nahuhuli niya akong tinitingnan siya. Damn ayoko na talaga
”Maraming salamat Cy, babawian nalang kita pagkalabas ni Tatay dito’’ tinanggihan ko naman ito pero sumang-ayon nalang din dahil mapilit talaga siya
“Maiwan ko po muna kayo” paalam ko pero agad ako napatigil nang hawakan ni Klark ang braso ko. Lumingon naman ako sa kanya at inalis ang kamay niya sa braso ko
“Can We talk?” mahinahong saad niya, huminga naman ako ng malalim at tumango
Hinarap ko naman siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya nagtaka ako sa kanya
“Private area sana” napahagikhik naman si Yana kaya tiningnan ko siya. Agad naman siyang nagtikom ng bibig at kinausap ang tatay niya
Tumango lang ako at lumabas, pinauna ko naman siya dahil ayoko siyang makasabay
Kanina pa malakas na tumatahip ang aking puso at natatakot ako na baka marinig niya ito
“How are you, it’s been a long time” panimula niya kaya naman sinagot ko siya agad
“Okay lang” maikling sagot ko. Narinig ko naman ang pagtikhim niya at nagsalita ulit
”I’m sorry fo-” natigil naman siya ng biglang sumulpot si Jane
”Cy! Kanina ka pa hinahanap n-Oh! Sorry nag-uusap pala ang mag-ex later nalang” saad niya at tumakbo. Napairap naman ako sa hangin na ikinangisi ni Klark
“Buti pa si Jane tumagal pero yung relasyon natin” napalingon naman ako sa kanya dahil di ko marinig ang sinasabi niya
“Ano sabi mo?” nakakunot na noong saad ko
Umiling naman siya at ngumiti sakin. Nilibot ko naman ang tingin ko sa kanya dahil madaming nagbago sa kanya pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ang singsing na regalo ko sa kanya noon...
BINABASA MO ANG
After You Dump Me (PDS#3)
RomanceCyril Gretchen Alcantara is a doctor that always saves many lives but she is not still satisfied because of her father who is wrongly accused in a case of murder and been in jail for years, meanwhile her mother got a serious illness that's why she p...