B-19

702 15 0
                                    

”Kamusta Ma masakit pa rin ba?” pag-aaalalang tanong ko kay Mama

Dinala na siya sa bahay gaya ng sabi ni Doc Fernandez at nagpapagaling na siya for good

”Di na nga Cy, ang kulit mo ayos lang ako” natatawang saad ni Mama, sakto naman pumasok si tita dala ang pagkain ni Mama 

”Ikaw naman Delia nag-aalala lang naman anak mo napaka-sungit mo agad” pang-eechos ni tita kay mama, tinarayan niya lang ito at kinuha ang pagkain niya 

”Ikaw naman Cy humayo ka na may pasok ka pa” pagbaling ni tita sakin kaya naman tumayo nako at nagpaalam na sa kanila 

Pagkadating ko sa hospital ay nagkakagulo ang lahat kaya naman agad ako dumalo dito at tumulong 

”Ano nangyari?” tanong ko sa nurse na nag-aassist

”May aksidente pong nangyari. Eto pong pasyente na ito ay nabagsakan po malapit sa puso niya ng bakal kaya po di tumitigil ang pagdudugo niya” tumango naman ako at tumulong sa pagtigil ng tumatagas na dugo ng pasyente

”Mag-appoint ka ng operation. Kailangan itong matahi agad” tumango naman ang isang nurse habang ang isa ay sinasabi sakin ang test ng pasyente

Agad naming tinakbo ito sa operating room at agad sinimulan ang operasyon

Ilang minuto ay natapos din kami. Agad akong lumabas dahil marami pang pasyente ang naghihintay sa labas

Buti nalang nakadalo agad si Jane sa mga ito kaya tinulungan ko siya

Nakita ko din sa balita na may nabagsak na parte ng mall na ginagawa ang gilid nito kaya may mga nadamay na mga namamasyal at pati ang mga construction workers

Napahinga naman ako ng malalim ng matapos lahat ang kaguluhan sa emergency area

Napaupo din sa tabi ko si Jane sabay abot sakin ng Gulp at Hotdog galing 7eleven 

”Nakakapagod pala maging doctor kala ko magchecheck-up lang ako ng mga pogi yun pala” di na niya natuloy ang sasabihin at huminga ulit ng malalim 

Napangisi nalang ako at kinain ang binigay niyang pagkain

Ganon din siya at nagcheers kami 

Ganon lagi ang madadatnan ko tuwing papasok ako sa hospital, kung di mga naaksidente

Mahabang pila ng operasyon naman ang kapalit kaya nawalan din kami ng oras na magkaroon ng sariling buhay pero di ko naman iniisip yun

Nag-iipon na ako muli para sa pag-iimbestiga ulit ng kaso ni Papa saka pagbabayad ko kay tita ng utang kahit na sabi niya idonate ko nalang daw ito sa mga charity at health centers 

Minsan pag may free time kami ni Jane ay sumasadya kaming sumama sa organization ng hospital na libreng pag-checkup sa mga liblib na lugar sa pinas

Nakakagaan ng loob dahil kahit konting tulong lang ito ay malaki ang pasasalamat nila sa amin 

Lumipas ang isang taon ay medyo nakaluwag-luwag na muli ako kaya naman naisipan ko nang maghire ng abogado at investigator

Tahimik lang silang nagmamasidmasid lalo na ang investigator na hinire ko dahil hindi daw madali ang kaso ni Papa lalo na at pareho silang dalawa lang ang nasa kotse na nakatuklas ng totoong nangyari 

Di ko naman siya minamadali dahil alam kong di madali ang trabahong ito kaya naman nangako siya na gagawin niya ang lahat upang mabigyang hustisya ang aking ama

Magaling na din si Mama dahil isang taon na din ang lumipas nang maoperahan siya

Masayang masaya sila Papa para sa kanya dahil nagagawa niya na muli ang mga kahiligan niya noon 

Nag-invest sila ni tita sa plantation sa Aurora at sa di inaasahang pangyayari ay lumago ito kaya naman si Mama na ang nagbayad ng utang namin kay tita

Di naman tumanggi si tita dahil mas matigas ang ulo ni mama sa kanya kaya naman naisipan nalang niya na  iinvest ang pera sa mga negosyo

Masaya naman ako dahil masaya sila sa kanilang ginagawa kaya hinayaan ko muna sila sa Aurora dahil madalas silang bumisita dun at mamalagi ng mga ilang linggo 

Ilang linggo na ako mag-isa sa bahay kaya lagi na ako nalalate tuwing maaga pasok ko

At kung minamalas ka nga naman nadagdagan pa ang pasyente ko dahil nahimatay si manong sa daan

"Anong nangyari sa kanya Cy?" tanong ni Jane habang sabay kaming natakbo sa emergency

"Bigla nalang siyang nahimatay di ko alam bakit" kabadong saad ko habang sinusugod sa emergency area si manong

"Tara na mamaya na tayo mag usap" tumango naman siya at natarant na din kagaya ko

Agad naman na namin ginawa ang dapat gawin at ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na din

Mahimbing pa din ang tulog niya kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay hinanap ko ang contacts niya at nakita ang number ng anak niya

Agad ko naman itong tinawagan at salamat sa diyos ay sumagot ito kaagad  

"Hello Papa" saad ng lalaking binata sa kabilang linya

"Hello Sir this is Dr. Cyril please visit your father who is in our hospital, sasabihin ko sayo mamaya bakit siya nandito"

"Ano po nangyari sige po maraming salamat doktora" nagpaalam na din ako at binaba na ang cellphone niya

Nagulat naman ako dahil gising na si manong

"Salamat dok at pasensya na naabala pa kita" nag-aaalalang saad niya

"Nako wala po iyon ginagawa ko lang po ang trabaho ko" ngumiti naman siya at napapikit ng muli

Binantayan ko naman siya ng ilang minuto saka dumating ang anak niya

Agad naman niyang niyakap si manong at kinamusta ang kalagayan nito

Papa ikaw ba kamusta ka na po jan?

"Dok salamat po sa pagdala sa papa ko dito utang na loob po namin sa inyo buhay ni Papa"

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko hijo tsaka wag muna kayo umalis aantayin pa natin yung results o-" naputol naman ako ng may biglang pumasok

"How is he doing Felix?" tanong niya sa lalaking anak ni manong

Unti-unti naman akong humarap sa lalaking bagong dating, ganon din naman siya at natigilan din sa pagsasalita

At tama nga ako ng aking hinala

Makalipas ang ilang taon ngayon ko lang muli nakita ang matagal ko ng pilit kinakalimutan mula sa nakaraan

Dahil sa pamilya niya nakulong ang Papa ko at lalong lumala ang sakit ng Mama ko

Puro paghihirap at sakit ang dinanas ko bago makamit ang natatamasa ko ngayon dahil sa sayo

Klark Merlinton......

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon