B-24

749 14 1
                                    

Naalimpungatan naman ako nang masinagan ng araw ang aking mata

Napabalikwas ako dahil wala akong saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa akin 

Napasabunot naman ako ng maalala ang mainit na gabi namin kagabi ni Klark 

Napatingin naman ako sa oras at muntikan nang madapa dahil late nako 

Napatigil naman ako nang pumasok si Klark na Half-naked. Mas nagflex ang muscles at built dahil maliwanag na di tulad kagabi na madilim 

Cy it’s early in the morning. Magdasal ka nga for the holy spirit

“Don’t worry napaalam na kita sa hospital niyo and part na sila ng investments namin so don’t worry” napatingin naman ako sa mukha niya dahil sa sinabi niya

“Wash for now, may binili nakong damit para magamit mo” saad niya at pinasadahan ako ng tingin. Napatakip naman ako sa aking dibdib dahil kita na ito 

“Don’t tempt me Cyril Gretchen. It’s freaking early in the morning” saad niya at iniwan na ako 

Agad naman akong naglakad sa banyo at naligo. Mabilis lang akong natapos kaya naman bumaba na ako para makaalis 

”Where are you going?” saad ni Klark at hinila ako sabay kulong sa kanyang mga bisig 

“Uuwi na” nakangiti kong saad pero umiling lang siya at dinala ako sa kusina 

”No your not, we have to do something” napakunot naman ang noo ko at tumingin sa mesa

Fried egg, bacon and rice ang nakahain ngayon with a glass of milk 

Inupo naman niya ako saka siya umupo sa tapat ko 

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko at nagsimula na ding kumain. Ngumisi lang siya at kumain na din 

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng building at wala pa din ako idea kung saan kami pupunta 

“Just come with me para matali na kita sakin immediately” natatawang saad habang papasakay palang ako sa sasakyan niya 

“San nga kasi tayo pupunta muna?” iritadong saad ko at tinaasan siya ng kilay

“Papakasalan mo ba ako kapag sinabi ko?” nakangiti niyang saad at tumitig sakin 

Nabigla naman ako at pinamulahan ng mukha. Natawa naman siya sa reaction ko 

”You’re really cute whenever your blushing” he said and kissed me. Lalong nag-init ang pisngi ko kaya sinapak ko ang braso niya 

”Paano kung ayaw kong magpakasal sayo?” nabigla naman siya at napapreno ng sasakyan

”What the heck Cy, you make bed with me then you’re not gonna marry me?” seryosong saad niya saken, napataas naman ako ng kilay at sinagot siya

“Di lang naman yun ang basehan para magpakasal” saad ko at napairap sa ere 

Nagitla naman ako nang lumapit siya at masama akong tiningnan 

”So you mean pwede ka din makipag ganon sa iba kasi di yun basehan ng kasal sayo?” galit na saad niya at matalim akong tinitigan 

Galit ba siya o nagseselos, damn you Klark Merlinton sarap asarin

Tumango naman ako na ikinagalit niya 

”Damn it, tell me who is the man I will kill it” iritadong saad niya na ikinatawa ko ng malakas

Napakunot naman ang noo niya at napairap 

“You’re playing with me?” tiningnan ko naman siya at tinawanan muli

“Mamaya ka talaga sakin” saad niyang muli at tiningnan ako ng matalim  

Di ko naman na siya kinulit kung saan kami pupunta dahil baka makasal pa ako di oras dahil sa kanya 

Tumigil kami sa harap ng isang korte. Nagtaka naman ako dahil sa mga kilos niya 

Sumunod ako sa kaniya nang pumasok siya sa isang opisina at iniluwa nito ang abogado na hinire ko kay Papa 

Tumango naman siya sakin saka nagsalita sa harapan namin ni Klark 

“Good Morning Ms. Alcantara nakaready na po ako para sa hearing ng Papa mo. Magpasalamat po kayo kay Mr. Gibson dahil tinulungan niya po kami para mas mapadali po ang lead sa kaso” saad niya at hinarap ang 300 pages na papel na nagpalula sakin 

Tiningnan ko naman ito pero hinawakan lang ni Klark ang kamay ko at umiling 

Tumikhim naman si Attorney at kinuha ulit ang papel. Nagpaliwanag pa siya ulit ng ibang detalye at sinabing next week na ang hearing ni Papa

Nagpasalamat naman ako ng marami sa kanya saka kami umalis sa korte 

Niyakap ko si Klark at pinasalamatan din siya. Inaya niya naman ako na sumakay na dahil may isa pa kaming pupuntahan daw 

Tahimik lang ako sa kotse niya habang siya naman ay nakatutok lang sa daan 

Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa sunod na pupuntahan namin 

Nagulat naman ako dahil nasa tapat kami ng bahay namin ngayon

”Anong gagawin natin dito” tanong ko sa kanya ngunit kindat lang ang sagot niya 

Natigilan akong muli nang makita ang kotse ni tita Letty sa garahe namin 

Tuluyan naman na kami nakapasok at nagpabigla kila Mama na nasa kusina at may niluluto 

Nakataas naman ang kilay ni Tita habang pinasasadahan ng tingin si Klark 

"Anak di ka umuwi kagabi?” tanong ni Mama at tumingin kay Klark 

Umiling naman ako at tumingin kay Klark. Walang bakas na takot o pagkabahala sa kanya kaya naman lalo akong kinakabahan 

”Maupo kayo kain tayo” aya ni Mama sa amin pero agad na tumaliwas si tita

“Anong ginagawa ng lalaking yan dito?” mataray na tanong ni tita habang nakatingin kay Klark

 "Nandito po ako para magpaliwanag at humingi ng pasensya sa lahat po ng nagawa ng Dad ko’’ paliwanag niya at lumuhod sa harapan ni tita at mama

Agad ko naman siyang dinalo pero sinaway ako ni tita at tinaasan ng kilay 

”Patawarin niyo po kami hindi po namin nakita agad ang totoo. Masyado po kaming binulag ng Dad namin kaya nagawa po namin lahat ng ito. Sana po bigyan niyo kami ng pagkakataon na mabago po namin ang kamaliang ito” nakataas pa din ang kilay ni tita pero si mama ay agad na pinatayo si Klark at pinaupo sa lamesa 

“Matagal ko nang napatawad ang pamilya mo hijo basta sa ngayon sana mapatunayan na walang sala ang asawa ko para naman magkasama na kami muli pamilya” mahinahong saad ni mama

Napaawang naman ng bibig si tita pero hindi nalang siya sumabat at kumain nalang 

"May isa pa po sana akong sasabihin” napalingon naman kami sa kanya at tumigil sa pagkain 

“Maaari ko po bang ligawan ulit si Cy?’’ napabuga naman ako ng iniinom kong tubig samantala natawa lang si Mama at tita 

"Ayun ay kung papayag ang anak ko” saad ni mama na napatango din si tita at tintigan siya 

Tumingin naman silang lahat sakin at inantay ang aking magiging sagot 

Napahinga naman ako ng malalim bago sumagot 

“Parang ang bilis naman tsaka di pa napapatunayan na walang sala si Papa kaya siguro hindi” nalungkot naman silang lahat sa sagot ko 

“Nako Klark wala ako magagawa kung iyan ang desisyon ni Gretchen” napatingin naman ako kay mama dahil sa pagtawag niya sakin 

“Pakipot lang yan” sabat naman ni tita at nagpatuloy na sa pagkain 

Teka nga, parang dati galit na galit sila kay Klark. Bakit parang baliktad na ngayon? 

‘’Wag po kayo mag-alala mag-aantay po ako kay Cy’’ saad niya at tumingin sakin 

Natapos ang araw na iyon ng saya at bagong pag-asa para sa amin ni Mama… 

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon