Lumipas ang isang linggo ay araw na ng hearing ni Papa.
Nilubayan na din ng mga nananakot sa pamilya ni Yana ang mga nananakal sa kanila dahil prinotektahan na sila ni Klark laban sa ama nila
Nandito ang lahat ngayon at nag-aantay sa magiging hatol kay Papa
Kapansin-pansin na tumanda na din ang itsura ni Papa dahil dekada na ang lumipas nang makulong siya
Tumingin naman siya sa banda namin at ngumiti. Ginaya ko din siya at nagthumbs-up
Nagsimula na din ang hearing at naging mainit ang labanan sa pagitan ni attorney at prosecutor
Tahimik lang kaming nakikinig habang nasa kabila naman si Klark at kuya Keifer
Di ko inaasahan na tatayong witness si Yana at dahil dun napagdesisyunan ng korte na not guilty si Papa
Napatayo kami pareho ni Mama at napaluha dahil sa naging hatol sa kanya
Niyakap namin si Papa na ngayon ay masayang masaya na kayakap si Mama
Lumapit na din samin sila Klark at kinausap si Papa
”Patawarin niyo po kami” tinapik lang ni Papa si Klark at saka niyakap na din
Naging emosyonal kaming lahat sa korte dahil sa naging resulta
”Mauna ka na sa bahay Cy, aayusin lang namin mga papeles ng Papa mo” saad ni mama at tinulak na ako kay Klark
Natawa nalang kami at naglakad na palabas ng hukuman. Sakto naman dumating si Jane na gulat na gulat dahil magkasama kami ni Klark
Naalala ko di ko pa pala naiikwento sa kanya kaya naman mukhang madami akong utang na dapat bayaran
”Anong kataksilan ito Cy” natatawang saad niya at lumapit sakin
Kwinento ko naman sa kanya ang nangyari sa hearing kaya naman niyakap niya ako at tuwang-tuwa. Sumama na din siya sa bahay para tumulong sa paghahanda
Hindi naman tumanggi si Klark na isama siya dahil binungangaan siya ni Jane
"Parang highschool days lang” saad ni Jane at tiningnan ako ng mapang-asar
Tinawanan ko nalang siya at bumaba na ng makarating na kami sa bahay
Kumilos kami agad dahil paparating na sila Mama galing prisinto
Saktong pagkatapos naming mag-ayos ni Jane ay siya ding pagdating nila Mama
Sinalubong naman namin sila at inalalayan papuntang hapag-kainan
Nabalita na din na di si Papa ang suspect kaya naman mas lalo kaming natuwa at napasarap ang kwentuhan sa hapag
Inanyayahan din namin ang pamilya nila Yana at Klark dahil malaki din ang tulong nila sa kaso
Nakwento naman sakin ni Klark na pinaghahanap na daw ng awtoridad ang kanyang ama pati si Monique dahil nagtatago na ito nang malamang naimbestigahan na namin ang katotohanan
Nagpasalamat naman ako sa kanya ng marami dahil di niya sinamantala ang pagiging kadugo niya sa kanyang ama para lang matakpan ang katotohanan
Nanghingi na din ng pasensya ang kanyang kuya sa amin at tinulungan sila mama sa negosyo sa Aurora. Malaki naman ang pasasalamat nila mama sa kanya na ikinagaan din ng loob ko
Natigilan naman kami ng biglang magring ang phone ni kuya Keifer
Sinagot niya naman ito at kinagulat namin sino ang tumawag
![](https://img.wattpad.com/cover/241836974-288-k368229.jpg)
BINABASA MO ANG
After You Dump Me (PDS#3)
RomansaCyril Gretchen Alcantara is a doctor that always saves many lives but she is not still satisfied because of her father who is wrongly accused in a case of murder and been in jail for years, meanwhile her mother got a serious illness that's why she p...