Nagising naman ako sa tabi ni Papa nang biglang pumasok ang mga pulis at pinusasan siya dito sa kaniyang ward
Hinawakan naman nila ako para di ko sila mapigilan
“Walang kasalanan ang Papa ko bitiwan mo siya” pagsusumamo ko habang pinupusasan nila si Papa
“Bitiwan niyo ang asawa ko!” pagsugod ni mama sa kanila ngunit agad nilang hinawakan si mama na ngayon ay umiiyak na
“Victor Alcantara you are arrested for vehicular manslaughter and homicide of the late Maria Athena Gibson. Sumama ka na po samin ng tahimik” nakawala naman ako sa pagkakahawak ng mga pulis at pinigilan sila
“Wala ba kayong awa. May bali sa buto ang tatay ko hindi niyo siya pwedeng isapilit” pagmamakaawa ko sa kanila
“Well then we will give him one week” natigilan naman ako ng magsalita si Klark sa may pinto kasama si Keifer
Wala kang makikitang ekspresyon sa kanyang mga mata at mukha. Parang dati lang nung una ko siyang nakita
”But for now prove to me that your father is innocent” nagtaka naman ako pero sumama ako sa kanila
Galit ang nararamdaman ko sa ngayon
Alam kong nasaktan siya lalo na at nawala ang kanyang ina pero di sapat iyon para kasuhan nila si Papa dahil lang sa siya ang kasama nito
Biktima din si papa pero desidido na silang lahat na isa siyang kriminal
Sa isang iglap nawala lahat sa kanya ang lahat ng ala-ala namin
Tahimik lang ako habang nakasunod sa kanila
Papakita ko sa kanila na walang kasalanan ang papa ko at biktima din siya sa nangyari
Pero nanatili lang akong tulala habang pinaliliwanag sakin ng mga pulis ang nakalap nila
Tila umurong lahat ng mga salita na gusto ko ipamukha sa kanila
Nakatitig lang ako sa kutsilyo na nasa harapan ko ngayon. Eto ang ebidensya nila pati ang sketch ng pangyayari
Tumayo ding witness si Klark dahil gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina
Nakita ko ang nakataas na kilay ni Klark at nakangisi nitong labi sa akin
Tila lahat ng galit ko biglang natunaw at gusto ko nalang maglaho sa harapan nila
”I told you. You can’t prove anything to me” nakatungo lang ako at di alam ang gagawin
Ayoko maniwala dahil di ganong tao ang Papa ko pero may bahagi sakin na nasasaktan dahil sa mga paratang nilang parang totoo
Umalis ako sa prisinto at naglakad-lakad ng wala sa sarili. Panay buhos sa aking mukha ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan
Sobrang sakit sana panaginip nalang ang lahat at isang bangungot lang ito na mananatili lang sa akin dahil lahat kami ay nasaktan
Di ko namalayan na nakarating na ako sa mansyon nila
Nagitla ako ng makita ang mga gamit namin sa labas na inaayos nila mama mula sa pinto ng mga Gibson
Tumakbo ako sa kanya at tinulungan siya. Malungkot ang lahat dahil sa nangyari
“Babalik na tayo sa Probinsya natin. May university naman dun anak, ako na bahala sa tuition fee mo at iba pang gastusin. Sa ngayon tulungan mo nako dito bago pa makabalik yung magkapatid’’ tumango naman ako at tinulungan na si Mama
Di ko napansin ang van sa may gate na susundo pala sa amin.
Tinulungan na din kami nila manang na mangiyak-iyak na habang tinitingnan kaming lumisan
“Alam mo na ba Ma ang nangyari kay Papa?” tumango naman siya sa tabi ko
Niyakap niya naman ako at sinabing magiging maayos din ang lahat
Dahil sa pagkagulat ko sa lahat nang nangyari di ko na naisip pa ang pasukan
Kaya malaki ang pasasalamat ko kay mama dahil nakakaya niya pa din ang lahat kahit na masakit ito para sa kanya
Si Mama na ang bahala pansamantala kay papa habang ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral sa probinsya
May kamag-anak kami sa Aurora kaya dun muna kami pansamantala maninirahan
Alam kong mahina din si mama lalo na at may sakit siya ngunit kailangan niya magpakatagtag dahil kay papa at dahil din sakin
Naisipan ko na mag abogado para ipaglaban si papa pero mas pinili ko na ang kursong pagiging doktor dahil isa na din si Papa sa dapat kong gamutin dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya
Di ako nawawalan ng lakas na balang araw malalaman din ng lahat ang totoo sadyang di pa sa ngayon ito mangyayari dahil kailangan ko muna ng matibay na ebidensya at abogadong lalaban para sa ama ko
Buti nalang may ipon kahit papaano si Papa kaya naman nabayaran na agad ni mama ang unang taon ko sa unibersidad
Dapat ipanggagamot namin ito kay Mama pero mas pinili niya ang kapakanan ko kaya naman di ko sila bibiguin na makakatapos ako ng pag-aaral
“Kamusta pamangkin, ang laki mo na’’ pagbati sakin ni Tita Letty. Sinagot ko naman siya at niyakap
‘’Sabi ko sayo kapatid, wag na kayo makipagsapalaran sa mga mayayaman. Alam mo naman nagagawa ng mga pera nila kaya nila kayo tirisin ng isahan’’ bumuntong hininga nalang si mama at nagpatulong na magligpit ng gamit
Nakatatanda si tita Letty kay mama isa siyang guro ng sekondariyang baitang pero di siya nag-asawa dahil siya ang nag-alaga kila lola hanggang sa namatay ito tatlong taon na ang lumipas
Pinili niya nalang maging isa dahil siya ang takbuhan ng pamilya tuwing may problema
Kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanya dahil may kamag-anak kaming matatakbuhan kahit papaano
Nahihiya na din kami sa kanya minsan pero nananatili ang kabaitan niya at pagmamahal sa kanyang kapatid
‘’Bukas ka na bumyahe pa maynila Delia. Yung sarili mo isipin mo din lalo na may sakit ka” saad ni tita Letty habang nasa hapag kami. Sa lunes na ang pasok ko at sabado na ngayon
Nag-aaalala ako sa kalagayan ni Papa pero ayos lang daw siya sabi ni mama
Nagpapagaling na siya gaya ng palugit ni Klark sa kanya
Naalala ko nanaman muli ang aming pinagsamahan kaya agad ako umiling
“Balita ko Cy naging nobyo mo ang anak ng amo niyo totoo ba?” napatingin naman ako kay tita at dahan-dahang tumango
Tumaas ang kilay niya at muling nagsalita
“Kaya yan ang aral na dapat mong matutunan. Di lahat ng mayaman seryoso lalo na sa mga simpleng kagaya natin. Gamitin mo ang utak mo Cy hindi lagi puso” sinaway naman siya ni mama ngunit sumang-ayon din ako sa kanya
Siguro nga masyado akong nahulog kay Klark, di ko manlang naisip na balang-araw kagaya nito pwede niya akong talikuran ng ganon kadali
Tulog na si mama sa tabi ko habang gising na gising pa din ang diwa ko
Sa dami ng iniisip ko di ko namalayan na madaling araw na pala
Makalipas ang mahabang oras na pag-iisip desidido nako na kalimutan siya at magsimula muli...
BINABASA MO ANG
After You Dump Me (PDS#3)
RomanceCyril Gretchen Alcantara is a doctor that always saves many lives but she is not still satisfied because of her father who is wrongly accused in a case of murder and been in jail for years, meanwhile her mother got a serious illness that's why she p...