B-1

1.2K 23 0
                                    

"Umalis na kayo dito! Ilang buwan na kayo lagi pangako ng pangako di naman kayo nagbabayad, layas!" sigaw ng may ari ng bahay na si Ate Bethy

Wala naman kaming nagawa ni Mama at hinakot na ang mga gamit namin

"Pagbalik ko dito dapat wala na kayo" banta ni Ate Bethy kaya naman ng tumalikod na siya at napairap nalang ako

Nasa trabaho naman si Papa kaya naman di namin siya kasama ngayon

Inutusan naman ako ni Mama na tawagan si Papa kaya naman hinanap ko ito sa contacts at agad tinawagan

"Oh anak napatawag ka inatake nanaman ba Mama mo?"

"Papa pinaalis na kami ni Ate Bethy, nandito kami ngayon ni Mama sa labas nag aayos ng gamit"

"Ano pinalayas na tayo, Hayaan na wala namang kwenta bahay niya"

"Ano nangyari Manong Dindo?"

"Ay ma'am may problema lang po"

"Papuntahin mo muna sa amin ang pamilya mo tutal pauwi na din naman tayo"

"Pero nakakahiya po ma'am sa i-"

"Wag na kayo mahiya dali na lalo may sakit pa pala ang asawa mo"

"Anak pumunta ka sa address na isesend ko mag ingat kayo"

"Sige po Papa mag ingat din po kayo salamat po ng marami Madam"

"Walang anuman Iha"

Pinatay ko naman na ang tawag at tinulungan na si Mama

"Ano sabi ng Papa mo?" tanong ni Mama at binitbit na ang ibang gamit

"Pumunta daw tayo sa address na itetext niya" sakto naman dumating na ang text kaya naman agad ko na itong binasa, pumara naman ng taxi si Mama at tinulungan na kami ni Manong magdala ng gamit

Nagtext naman muli si Papa na nandon na daw siya kaya naman nagreply ako na papunta na kami

Lumipas pa ang ilang minuto sa byahe ay nakarating na din kami

Manghang mangha naman ako dahil ang lalaki ng mga bahay dito at halatang yayamanin ang lahat

"Tara na Cyril tulungan mo na kami ng Mama mo" humarap naman na ako sa kanila at tumulong

Sinalubong naman kami ng mga bodyguard at kusa ng kinuha ang mga gamit namin

Tatanungin ko pa sana siya pero nagitla na ako ng lumabas ang magandang babae mula sa sosyal na bahay

"Welcome pasok po kayo" mabining saad nito samin at binigyan kami ng ngiti

"Ma'am nakakahiya na po talaga sa inyo dahil andami niyo ng naitulong sa amin"

"Nako wala iyon, tsaka pamilya na din ang turing ko sa inyo kaya naman wag na kayo mahiya"

Pumasok naman na kami at sumunod sa kanya sa salas

Paikot ikot naman ang aking paningin dahil napaka ganda ng furnitures at iba pang disenyo ng bahay

"Maganda ba Iha, nako di ko alam may nakaka appreciate pala ng design ko" saad niya, ngumiti naman ako at naupo na sa tabi nila Mama

"Opo, ang ganda ng designs"

"By the way anong pangalan mo Iha?"

"Cyril Gretchen po, Cyril nalang po o kaya Cy" pakilala ko at naglahad ng kamay, tinanggap naman niya ito ng may ngiti

"Maria Athena Gibson" pakilala din niya saken

"Ma'am ngayon lang po siguro kami dito tapos bukas po aalis na kami"

"No just stay here, And as I said you are all welcome here"

"Ma'am, tutulong nalang po kami ng anak ko sa mga kasambahay niyo kapalit ng pagpapatira niyo dito"

"Pero m-" pinutol naman ako agad ni Mama

"Sige na po para matahimik lang po kami at bilang pasasalamat na po sa pagpapatira niyo samin"

"Sige pero wag kayo magpapakapagod balita ko may sakit daw po kayo"

Ngumiti naman si Mama at si Maam Athena sa isa't isa

Nagitla naman kami ng magring ang phone niya kaya naman kinausap niya ito saglit at saka na bumalik sa amin

"Manang Fey paki dala naman po sila sa kwarto nila and show them the things you usually do but don't task them too many okay"

"Ay sige po ma'am, tara po dito"

Lumabas naman kami at mas lalo akong namangha dahil may isa pang bahay sa likod ng mansion

Parang kagaya lang din ito ng mga bahay ng mga normal na tao

"Dito po kayo sa second floor at dalawa po ang kwarto dito, sabi po ni ma'am sa dalaga po ang isa at sa inyo mag asawa naman ang isa"

"Salamat po pero saan po kayo nanunuluyan?" tanong ko sa kanya ngumiti naman siya at tinuro ang katabi kong kwarto

Sa baba din puro kwarto din at may maliit na kusina, malaki naman ang lamesa nila dahil 8 daw ang lahat ng katulong at kung isasama kami ay 10 na lahat

Nagpasalamat naman kami kay manang kaya iniwan niya kami saglit para mag ayos

Umalis na din si Papa dahil may lakad daw muli si Ma'am Athena

Lumipas pa ang isang oras at tapos na din ako sa pag aayos, naisaayos ko na din ang mga posters at iba pang merchandise ko ng got7 ng maayos

Maliit lang kasi ang bahay ni Ate Bethy kaya naman maliit lang din ang kwarto ko

Pero ngayon naididikit ko na silang lahat at maayos na naididisplay

"Anak tara na" katok ni Mama kaya naman tumayo na ako at inayos ang maleta sa ilalim saka binuksan ang pinto

Sumunod na kami kay manang at nagsimula ng makinig sa mga patakaran ng bahay

"Eto ang garden ni ma'am na matagal na niyang inaalagaan" turo niya sa mga bulaklak na sumasayaw dahil sa hangin

Nakakaginhawa ng pakiramdam at ang sarap matulog sa mga damo kaso may ginagawa pa kami kaya naman sa susunod nalang

"Dito tayo lagi dapat malinis dahil ayaw ni Ma'am na makalat ang kusina"

Tumango tango naman kami ni Mama at namangha sa lawak nito

"Sa salas naman, di gaanong nagagamit dahil halos lahat sila ay wala dito"

"Wala po ba sil-" natigil naman ako at bahagyang nagulat dahil sa sumigaw

"Ang pangit ng luto mo ayoko nito! You are fired" sigaw ng binatilyo sa isang katulong na balita ko ay bago lang

Naramdaman ko naman ang kulo ng dugo ko at masamang tumitig sa kanya

Napalingon naman siya samin at sinamaan din ako ng tingin

"Who are they manang?, argh! Nevermind, You!,cook it again and don't make me waste it again or else both of you will be fired" turo niya saken at agad ng umalis

Pinigilan naman ako ni Mama dahil susugurin ko na sana yung spoiled brat na yun

Nilapitan ko naman ang katulong na umiiyak na ngayon sa sahig

"Ayos ka lang ba, tumayo ka muna jan" alalay ko sa kanya

"Ayoko po mawalan ng trabaho, tulungan niyo po ako" pag mamakaawa niya sa akin

Tumango tango naman ako kaya niyakap niya ako ng mahigpit

Gaya ng utos ni Bakulaw, nagpatulong ako kila Manang na magluto ng bagong Chicken Curry......

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon