Lumipas ang isang linggo. Araw na ng pagkuha kay papa sa hospital ng mga pulis para mahatol siya sa korte
Kabado ako habang nag-aantay ng balita ni mama mula sa maynila. Sumama din si tita Letty dahil baka di kayanin ni mama ang ihahatol kay Papa.
Pangatlong klase ko na ngayon sa college at di ako makapag-focus sa discussion ng aming Prof.
Dahil sa pag-iisip kay papa at mama Buti nalang di ako natawag sa kahit anong recitation kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Nanatili ang komunikasyon namin ni Jane at pati siya di pa din maka move-on sa nangyari.
Nagpalit na ako ng sim card at cellphone dahil ayoko na makita ang nakaraan pa namin ni Klark
Lunch break namin ngayon at sakto tumawag na din si mama. Ibig-sabihin tapos na ang hatol kay Papa
Nangingig ang kamay ko nang sinagot ko ito
“Anak” malungkot na saad ni mama sa kabilang linya
“Ano nangyari Ma? Ayos lang ba si Papa’’ nag-aaalala kong saad habang inaantay ang kanyang sagot
“Oo ayos lang ang Papa mo kaso habang-buhay ang hatol sa kanya sa kulungan’’ saad ni Tita Letty sa kabilang linya
Naglugmok naman ako sa upuan ko habang nakatitig sa pagkain ko
“Uuwi na din kami jan agad Cy mamaya nalang ulit” natulala nalang ako pagkatapos iend ni tita ang call
Iniwan ko nalang ang pagkain ko at umuwi sa bahay
Wala akong kaibigan sa school dahil sa kaso ni Papa. Lahat sila hinuhusgahan ako na mukha akong pera at mamamatay tao ang papa ko
Masakit pero di na magbabago ang pananaw nila kung di mahahatulan si papa ng not guilty.
Nagising ako sa tawag ni mama. Di ko namalayan na ala-sais na pala ng gabi
Nakauwi na din sila at gaya ko malungkot si mama, bumangon ako at niyakap siya
Kailangan namin magpakatatag para mabuhay dahil malulungkot si Papa kung di ako magiging positibo sa sarili ko at ipaglalaban ang mga pangarap ko
Nagdasal muna kami bago kumain. Gaya ng nakasanayan lagi nila kinakamusta ang pag-aaral ko pati ang karanasan ko sa school
Nalulungkot si mama tuwing binabalita ko na wala pa din ako nagiging kaibigan kahit na isang linggo na ang nakalilipas mula nang pumasok ako
”Hayaan mo na Delia, mabubuhay naman yang anak mo kahit walang kaibigan” untad ni tita na lagi niyang sinasabi tuwing napupunta dito ang usapan sa hapag
Tuwing weekends sumasadya talaga ako sa manila para bisitahin si Papa kaya naman naiibsan paunti-unti ang pangungulila ko sa kanya
Tinatanong ko sa kanya ang totoong nangyari pero palaging nananatili ang kanyang sagot
”Nahatulan na ako Cy, ang importante alagaan mo ang mama mo at tapusin mo ang pag-aaral mo. Nagkikita naman tayo dito kaya wag ka nang mag-alala saken”
Gabi-gabi pa din akong naiiyak lalo na naaalala ko pa din siya at mga panahong masaya kaming lahat
Tinago ko na ang singsing na niregalo ko sa kanya, ayoko nang pang-hawakan ang nakaraan namin
Tapos na iyon sa pagkamatay palang ni tita talagang di na niya ako babalikan pa kahit kailan
Malamang tinapon niya na yung singsing kung saan walang makakakita nito kahit ako dahil tapos na ang lahat at kailanman mananatili ang sakit sa aming mga puso
Lumipas ang isang taon napabalita sa tv na ikinasal muli ang dad ni Klark sa artista at model na si Monique De Vil
Napakita din ang mukha nila kuya Keifer at Klark sa tv. Ang laki ng pinagbago niya kahit sa screen lang makikita mong mas nadepina ang kaniyang katawan at mukha at teka nga!
Umiling-iling ako sa iniisip ko at pinatay ang tv
Napatingin naman sakin si tita at tinasaan ako ng kilay
Binalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa aking libro
Bakasyon namin ngayon pero mas tinuon ko lang pansin ko sa pag-aaral dahil wala din naman akong kaibigan bukod kay Jane na nakakausap ko lang sa skype at messenger
Damn it. I’m still attracted to him, ang hirap magmove-on lalo na masyado akong dumepende sa kanya
Mahigit dalawang taon din naging kami kaya palagi kong minumura sarili ko na magmove-on na tuwing naaalala ko siya
Ang dami kong tanong pero di ko pwede sabihin dahil tapos na kami pero yung puso ko siya pa rin ang sinisigaw
Lumipas ang ilang taon unti-unti ko nang nakakalimutan ang lahat
Mas tinuon ko nalang ang pansin sa pag-aaral at naisipan ko din mag working student. Madalang na din ang pagbisita ko kay Papa dahil busy ako sa pag-aaral at pagtratrabaho
Ayoko nang lumala ang sakit ni mama lalo na 5yrs pa ang gugugulin ko bago maging ganap na doktor
Sa ilang taon kong pag-aaral madalas akong mabully dahil lagi ako pinupuri ng mga prof namin at madami din nanliligaw sakin
Pero lahat sila ay tinatanggihan ko dahil lalong dumadami lang kaaway ko
Maging totoo tayo dahil mahirap ng walang kakampi lalo na kung lahat sila ay pinagkakaisahan ka
Di ko nalang sila pinansin dahil madami na akong problema at di naman sila makakatulong sa pag-aaral ko
”May chika ako sayo teh nakakaloka” saad ni Jane sa screen habang nakatuon ang pansin ko sa Physics book
”Ano?” walang-gana kong saad sa kanya
”Graduate na si Klark and may girlfriend na siya” may kung ano sa akin ang nasaktan pero nanatili lang akong kalmado
”Edi good sa kanya” tinarayan naman ako ni Jane at tumawa
”Gaga ka di ka ba magagalit or what so ever?” paghihimutok niya
“Ano naman sakin kung may girlfriend na siya” ako naman ngayon ang nagtaray sa kanya
“Naka move-on ka na nga” saad niya at tumango-tango. Ningitian ko nalang siya at nagpaalam na. Napabuntong hininga nalang ako at tinapos ang pagrereview sa finals
Shit talaga yan si Jane. Damn it nakamove-on nako diba, ano naman sakin ngayon kung may bago na siya
It’s been years Cy punyeta gumising ka na. Siya unang nahulog sayo pero ikaw tong parang aso na umaasa pa din na babalikan ka niya matapos nang lahat ng nangyari sa pagitan ng pamilya mo
Naalala ko muli ang sinabi ni tita saken na dapat utak ang gamitin wag lagi puso dahil humihina tayo kung lagi natin paiiralin ang pagmamahal at affection towards someone
Umiling-iling nalang ako at niligpit na ang gamit para makatulog na at maaga pa ako bukas...
BINABASA MO ANG
After You Dump Me (PDS#3)
RomanceCyril Gretchen Alcantara is a doctor that always saves many lives but she is not still satisfied because of her father who is wrongly accused in a case of murder and been in jail for years, meanwhile her mother got a serious illness that's why she p...