B-27

657 14 0
                                    

Napangiti naman ako paggising ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi 

We are official now and I can’t wait to tell everyone about it 

Napabalikwas naman ako nang magring ang cellphone ko 

Napangiti naman ako nang makita ang pangalan ni Klark 

”Goodmorning Babe” paos na saad niya dahil halatang bagong gising palang siya 

Napangiti naman ako at binati din siya 

”Let’s get married” natatawang saad niya sa kabilang linya 

Namula naman ako at tumawa din 

”Are you kidding me kakasagot ko lang sayo kagabi” tumawa naman siya sa kabilang linya saka sumagot 

”I’m not joking here Cy, gustong gusto ko nang itali ka sakin” napairap naman ako sa sinabi niya

“Whatever you say, later nalang ulit ingat ka sa work mo” paalam ko at ganon din siya 

Binaba ko naman na ang tawag at nag-asikaso na para makapasok na sa trabaho 

“Ang blooming naman girl. Sinagot mo na ano?” mapang-asar na saad ni Jane at kinurot-kurot ako sa tagiliran 

Tumango naman ako na nagpangiti sa kanya ng malapad 

”Omg sa wakas may kaibigan na din akong ikakasal” pagcecelebrate niya kaya naman napatingin sa kanya ang ibang staff 

”Ikakasal ka na Dr. Cy?” tanong ng mga staff namin 

”Hi-” napatigil naman ako ng sumabat muli si Jane 

”Oo next month or two months, kaya maghanda kayo” saad niya na nagpaniwala sa mga nandito

Hinampas ko naman ang braso niya at nilayo sa hallway ng hospital 

“Gaga ka kakasagot ko palang ikakasal na agad” saad ko at inirapan siya 

”Gaga ka din halos sampong taon na nag-antay si Klark sayo ngayon ka pa mag-iinarte” saad niya at sinabunutan ako 

Napa-aray naman ako at sinabunutan din siya 

Natawa nalang kami sa isa’t-isa at nagpatuloy na muling magtrabaho 

Napaisip din ako kung sakaling pakasalan nga ako ni Klark papayag kaya ako at sila Mama 

Napatawa nalang ako sa aking mga naiisip at pinagpatuloy ang pagtingin sa aking pasyente 

Lumipas ang ilang oras ay natapos na din ang trabaho ko, nagitla naman ako dahil sa pagbusina ng isang kotse sa labas ng hospital 

”Hey babe come in” saad ni Klark sa loob ng kotse

Napangiti naman ako at agad nang sumakay, nagitla naman ako ng suotin niya ang seatbelt sakin at ninakawan ako ng halik 

Natulala naman ako at sinamaan lang siya ng tingin, tumawa lang siya at pinaandar na ang kotse

Natigilan naman ako dahil dumiretso siya sa bahay namin 

“We should tell them Cy” saad niya at tiningnan ako 

Saka ko lang naalala na hindi ko pa nasasabi ang ganap namin ni Klark 

Biglang umusbong ang kaba sa akin dahil sa sasabihin ko ngayon 

Tumigil naman ang kotse niya at bumaba na, sumunod naman ako at tiningnan siya

Hinawakan niya naman ang kamay ko at pumasok na sa loob 

Natigilan naman ang lahat dahil sa pagdating namin, natigilan din ako dahil nandito silang lahat 

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon