B-22

780 15 0
                                    

”Nang malaman ko na ang tatay ni Yana ang sinasabi ni Dad na kabit ni Mommy agad ko silang kinompronta at di ko inaasahan ang sagot niya’’ panimula niyang muli 

Nakatitig lang ako sa kamay niya ngayon na suot ang singsing na regalo ko noon

“Mayaman din sila pero pinagkasundo si Dad and Mom dahil nanganganib na ang company nila Dad. Pumayag si Mommy kahit na di niya makakasama ang mahal niya which is yung Dad ni Yana pero nagalit si Dad dahil di kaya ni Mommy na iwan si Tito kaya pinahirapan niya ito at nagtagumpay siya dahil naghirap sila” malungkot na saad niya 

“Nagmakaawa si Mommy na wag niyang sasaktan sila Tito kaya gumawa ng kondisyon si Dad. Kailangan nila magka-anak para patunayan ni Mommy na di na niya muling babalikan si Tito, kaya nabuo kami ni Kuya pero pasikreto pa ding binibisita ni Mommy sila” pagtigil niya at tumingin sa akin

“Nalaman namin ni Kuya na sa kanila pala binibigay ni Mommy ang mga perang iniinvest niya galing sa kompanya. Nalaman din namin na may sakit siya kaya tinutulungan ni Mommy sila sa financial problems nila. Kaya naisipan ni Yana na maging katulong namin para makabawi kahit kaunti sa lahat nang naitulong ni Mommy sa kanila’’ nagitla naman ako dahil ang perang iyon ay isa din sa ibinintang sa ama ko para makulong 

“Matagal bago malaman ni Dad yun kaya tumagal si Yana at pagbisita ni Mommy sa kanila pero dahil madaming source si Dad nalaman niya ito at iyon nga ang ginawa niya. Gusto niya maghiganti, di lang kay Mommy pati na din samin kaya niya pinakulong si Tito” nagitla ako sa huling sinabi niya 

Umusbong ang galit at hinanakit ko na matagal ko ng kinalimutan

”Nalaman ko ito nung nag-uusap sila ng bago niya sa library si Monique. Naghirap din kami mga ilang taon na nakalipas dahil nasangkot si Monique sa iba’t-ibang issue na laging si Dad ang umaako. Nagsikap kami ni Kuya na ibangon ulit ang kompanya dahil malulungkot si Mommy” galit na saad niya at lumuhod sa harapan ko

”Patawarin mo ko Cy, sayo ko sinisi lahat pati ang galit ko nabuhos ko sayo” naluluhang saad niya habang hawak ang mga kamay ko 

”Sana bigyan mo pa ako ng chance na maitama lahat ng nangyari” he said and stared at me with teary eyes. I hate seeing him miserable, it’s my weakness all this years, I’m still into him

“Tumayo ka na. Sa ngayon gawin nalang natin ang lahat ng makakaya natin para mabago ito” saad ko at tinulungan siyang tumayo. Nagitla naman ako nang yakapin niya ako 

Tinapik ko naman ang likod niya at pinatahan na saka tinanong paano niya nalaman ang lahat

“Lumapit sakin ng palihim si Yana at sinabi sa akin ang lahat. Kaya naisipan ko na puntahan ang tatay niya at yun nalaman ko ang lahat. Sana nga siya nalang naging kadugo ko, kinahihiya ko na ama ko ay isang mamamatay tao’’ galit na saad niya at puno ng pagsisi ang ekspresyon

“Are you busy later before dinner, can I treat you to my condo?”naghumarando naman ang puso ko sa kaniyang paanyaya

What the freak!? Sa condo niya Myghod this man papayag ba ako o hindi? 

“Titingnan ko pa kung may operation ako mamaya” kabadong saad ko sa kaniya unti-unti namang lumiwanag ang mukha niya at napangiti 

“Okay can I get your number. Yung phone number mo kasi dati di na macontact” nahihiyang saad niya

Napahinga naman ako ng malalim at binigay ang phone number ko. Darn it 

“Mauna na muna ako Klark maraming pasyente ang nag-aantay sakin” saad ko at nagsimula nang maglakad

Narinig ko pa ang paalam niya pero di ko na siya niligon. Napasabunot naman ako sa sarili ko dahil sa naging desisyon ko 

Teka nga bakit ba ako kinakabahan dinner lang naman yung sabi niya. Omg! Cy you’re green

Napailing-iling naman ako at pumunta na muli sa emergency room

Napatili naman ako nang gulatin ako ni Jane na maloko na ngayong nakatingin sakin 

“Ano nag-comeback na ba kayo?” nakangisi niyang saad at kinurot-kurot ang tagiliran ko 

“Bakit naman kami magcocomeback. Nag-usap lang comeback na agad?” nakakunot kong saad. Umirap naman siya at hinila nako sa mga pasyenteng nag-aantay na samin 

Lumipas ang ilang oras at alas-sais na ng hapon. Napapalakad lakad naman ako sa hallway at iniisip kung pupunta ba o hindi

“Pumunta ka nalang, wala namang mawawala Cy” saad ni Jane na kanina pa pala ako tinitingnan na pabalik-balik sa hallway 

Napabuntong-hininga nalang ako at tumango nalang sa kanya. Lumapad naman ang ngiti niya

”Yes, ayusan kita tara” iiling pa sana ako pero nahila niya na ako sa opisina namin 

Binuksan niya ang kanyang cabinet at nagitla ako dahil ang daming magagandang dress

Habang nagbibihis nang napiling dress ni Jane ay biglang nag notify ang aking phone

Tiningnan ko naman ito at muntikan pang mabato dahil nagtext si Klark 

Unknown number

Nandito na ako sa labas ng hospital. Just text if you’re coming…

Napahinga naman ako ng malalim saka nagreply 

Unknown number

Wait lang bababa na din ako…

Pinatay ko naman ang screen ng cellphone ko at tinapos na ang pag-aayos. Di na ako nagmakeup dahil di ko naman kailangan magpaganda kasi dinner lang naman 

Napabusangot naman si Jane dahil ayokong magmake-up. Tinakbuhan ko na siya dahil di niya ako titigilan

Natigilan naman ako nang makita sa tapat ng hospital si Klark na nakasandal sa kanyang kotse habang nakahalukip ang mga braso sa kanyang dibdib

Bakit ang hot niya tingnan. Darn it ang puso ko shit di matigil sa pagtibok ng mabilis

Napalingon naman siya at pinasadahan ako ng tingin. Umiling-iling naman siya at niyaya na akong sumakay sa kotse niya. Tinanguan ko lang siya at naglakad na palapit sa kotse niya 

Nagseatbelt naman ako kaagad at tumitig sa harapan habang siya naman ay pasakay palang

”I thought di ka papayag” panimula niya at sinimulan nang paandarin ang kotse niya

“Minsan lang naman tsaka gusto ko din makausap ka” saad ko at umayos ng upo sa tabi niya

Nakita ko naman na napangisi siya at umiling-iling habang nagmamaneho 

Di ko namalayan napatitig na ako sa kanya kaya naman inasar niya ako 

”Don’t stare at me like that Cy, baka di ko mapigilan ang sarili ko pupunta pa naman tayo sa condo ko” seryosong saad niya at tiningnan ako ng mapupungay na mata 

Damn you Klark... 

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon