B-13

646 19 0
                                    

Maaga akong bumangon dahil ang totoo ay di naman ako nakatulog kakaisip sa nangyari 

Nagulantang naman ako sa naririnig kong sigawan mula sa mansyon kaya naman agad akong tumakbo papunta doon 

”Mom wag mo ng habulin yung gagong yun!” sigaw ni Klark sa kanyang ina. Nanghihina namang naglalakad papalapit sa kotse si Tita Athena. Nanatili naman nakatayo si Papa sa labas ng kotse

“Ma’am hindi pa po kayo magaling” pag-aalalang saad ni Papa sa kanya ngunit di natinag si Tita Athena

Hinablot naman ni Klark ang kamay ni Tita ngunit huli na ang lahat dahil nalock niya na ang pinto ng kotse

Nakapasok na din si Papa dahil amo pa din niya si Ma’am Athena kung kaya’t wala na siyang nagawa kundi sumunod 

Pinigilan ko naman si Klark dahil magkakasugat siya kung kakapit siya sa kotse

Umandar na din ang kotse at lumabas mula sa gate ng kanilang mansyon 

Galit namang tumayo si Klark at napaluhod sa kanilang sahig

Inalalayan ko naman siya na tumayo at pakalmahin

Pero tumayo siyang muli at pumunta sa isa pa nilang kotse para habulin sila tita

Agad ko naman siyang sinundan at sinamahan

Mabuti nalang at di pa ganon nakakalayo sila Papa kaya naman agad namin silang nasundan 

Tahimik lang kami habang tinatahak ang papaliwanag palang na daan 

”Nagising kami dahil nag-aaway sila Mama at Tito sa baba. Gusto niya puntahan si Dad pero di pumayag si Tito dahil di pa mabuti ang lagay niya pero mapilit siya. Lumuhod siya sa harapan namin kaya nakalabas siya at inutos iyon sa Papa mo" pagbasag niya ng katahimikan namin 

Nanatili lang ang titig ko sa kanya. Magulo ang kanyang buhok at mukhang wala pa siyang sapat na tulog simula kagabi

Naaawa ako sa nararanasan niya ngayon. Kahit na labag sakin gusto ko din malaman ano ba talaga ang totoong kwento ng kanilang pamilya 

Natigilan naman kami ng biglang lumiko si Papa na ipinagtaka ko

Kinabahan ako lalo nang gumewang-gewang ang sasakyan nila at sa hindi ko inaaasahang pangyayari ay bumunggo sila sa poste

Natigilan kaming dalawa ni Klark at tanging paghikbi ko lang ang narinig ko 

Walang pumasok sa aking isipan kundi ang natuklasan ko

Di ko namalayan nakalabas na kami ni Klark sa kotse at tinititigan ang kotseng nakabunggo ngayon sa poste. Nakita ko ang duguang si Papa at Tita

Tumawag naman si Klark ng ambulansya at agad itong nakarating. Dumagsa ang tao sa nangyari

Agad kong dinial ang number ni mama na nagpagulat sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa emergency room habang nasa pinangyarihan ng aksidente naman dumiretso ang kuya ni Klark 

Tulala lang akong nakaupo sa waiting area habang inaantay ang resulta mula sa loob ng emergency room habang si Klark naman ay pabalik-balik ang paglalakad

Saktong dumating din sila mama at agad siyang nanghina nang makita ang mga dugo sa aming damit ni Klark 

‘‘Anong nangyari sa Papa mo Cyril’’ naiiyak na saad ni Mama sa akin. Napailing-iling naman ako habang inaalalayan si Mama na maupo

Nakatulala naman sa gilid namin si Yana

Napalingon naman kami ng dumating din si Kuya Keifer at galit ang kanyang ekspresyon

Agad naman siyang nilapitan ni Klark at nagtaka sa ekspresyon nito 

“You’re father is a criminal” saad niya at pinakita ang kutsilyong puno ng dugo. Nagulat naman kami sa kanyang bintang

“Di mamamatay tao ang asawa ko!” saad ni Mama kay Kuya Keifer na nakataas lang ngayon ang kilay sa amin 

“Di mo din sure, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang aksidente. Pag concious na siya maaari namin siya idetention at iinterrogate” walang emosyong saad nito 

“What the fuck are you talking about Kuya?” galit na din si Klark dahil sa mga bintang nila samin 

“You’ll see little bro” saad niya at nilayo ang kapatid niya samin. Nilingon pako ni Klark nang puno ng pagtataka samantala inilingan ko lang siya

”Matapos ng ilang taon na pagsisilbe ng papa mo sa kanila bigla nalang nilang aakusahan ang tatay mo ng ganon. Mga walanghiya!” untad ni mama at napaupo nalang sa upuan ng may malalim na iniisip 

Lumipas pa ang ilang oras ay lumabas na din ang doctor ni Papa

Di naman namin nakita ang Doctor na tumingin kay tita dahil sa di ko alam na kadahilanan

“Good news po misis. Fracture lang po ang tinamo ng asawa mo so I think icoconfine po natin siya nang ilang mga araw pa bago po siya magpagaling sa bahay niyo. Aantayin pa po natin ang ilang results ng test kaya wag po kayo masyadong mag-alala. Pwede na din po siyang puntahan sa kanyang ward.” Saad ng doctor sa amin nagpasalamat naman kami sa kanya saka pinuntahan si Papa

Pero bago kami tuluyang lisanin ng doctor ay nilapitan ko ito

“Doc, may itatanong lang po sana ako” lumingon naman siya at tumango 

“Ano po nangyari sa isa pa pong kasama sa aksidente?’’ nagtaka naman siya 

“Dead on arrival na siya miss di ka ba nasabihan ng mga kasama niyo kanina?” nabigla naman ako sa sinabi niya

Nagpaalam naman na siya kaya naiwan ako sa gitna ng hallway

Wala sa sariling hinanap ko ang ward ni Tita Athena at nakita ko ang pagwawala ni Klark sa loob habang tahimik lang na humihikbi ang kanyang Kuya 

Nabaling naman ang tingin niya saken

Dama ko ang galit at paghihinagpis sa kanyang mga mata

”How dare you come here! After all the things your father did to my Mother” pagsigaw niya sabay labas sap pinto ng ward ni Tita Athena. Napaluha naman ako sa sinabi niya

“Di magagawa ng Papa ko yun! Wala kang ebidensya” saad ko at sinampal siya

Nanatili lang nakatagilid ang mukha niya sakin 

”Well then prove it to me. Prove to me that you’re father is not the reason why my mom died” natulala ako at natuptop sa kinatatayuan ko

Wala akong masabi dahil biktima lang din ang ama ko. Sarado ang kanyang isip dahil sa nangyari 

Umalis nalang ako at di na siya nilingon

Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero pagbintangan ang ama ko ay parang sumisira sa kung anong pagitan ang meron sa amin ngayon

Bumalik ako sa ward ni papa na tulala at wala sa sarili

Mukhang dito na magwawakas ang lahat

Nanatili ang titig ko sa singsing na pinangakuan ko ng aming pagmamahal. Napaluha ako dahil sa maikling panahon lang pala mananatili ang lahat…

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon