B-4

747 18 0
                                    

Napabangon naman ako bigla ng maaalala na may pasok na pala!

Agad naman ako bumaba at nakita si mama na ready na ang almusal

Nasa deal naman na di ako mag-aasikaso sa umaga dahil may pasok bale ang problema ko lang ay si Bakulaw

Lumipas ang benteng minutos agad na ako pumasok sa mansion at sakto naman pagbaba ni Bakulaw

Gaya ng ibang mga mayayaman syempre dapat mukhang expensive

Nakita ko naman ang pagkairita niya ng makita ako dahil simple lang ang aking suot

Pake niya ba eh katulong lang naman ako tusukin ko mga mata niya

"You look like a nerd and ugly gangster"

"Di ko hinihingi opinion mo tara na"

Nairita naman siya lalo sa pamimilosopo ko

"Iha you look like a real student plus you are so pretty pa, tara na Klark hahatid ko na kayo ni Cy"

Ngumiti nalang ako ng pilit dahil sa sinabi ni ma'am, sumunod na kami sa kanya at di naman matigil ang pag ikot ng mga mata ng Bakulaw na toh

Goiz need help kailangan ko pa ba toh kaawaan o ihulog ko nalang sa bangin?

Tahimik naman kaming apat sa sasakyan hanggang sa naalala ni Papa ang baon ko

"Anak may baon ka na ba jang pera?"

Lingon na saad niya agad naman ako sumagot

"Wala pa po Papa" tumango naman siya at pinarada na ang sasakyan, namangha naman ako sa labas palang dahil ang laki ng school

Bumaba naman na kami at inayos ko ang aking sarili

"Oh anak pagkasyahin mo nalang tong 100" ngumiti naman ako dahil sapat na ito para sa akin

Nagitla naman ako ng bigyan ako ni Ma'am ng 100, tumanggi na ako ng paulit ulit ngunit sa huli tinanggap ko nalang din

"Ma'am kung may problema po kayo wag niyo po ipunin baka magbreakdown po kayo basta fighting!"

Napangiti naman kami pareho at nagpasalamat siya saken ng mga ngiti

Pumasok na kami and as usual nakasimangot si Bakulaw pero napapansin ko kanina pa siya tingin ng tingin kaya naman tatanungin ko na sana siya ng may biglang tumabig saking haliparot

"Excuse me nga napaka kapal naman ng face mo para tumabi sa Klark ko"

Napanganga naman ako at piniling hanapin nalang yung room ko pero ang tanga ko ulit kasi classmates nga pala kami ng mga bakulaw na ito

Nauna naman na ako pumasok at pinili ang dulong upuan, inayos ko naman na muna ang gamit ko at tumitig sa bintana

Puro mga estudyante na may kanya kanyang mundo ang naglalakad sa field, meron din naman nagyayakapan at nag kakamustahan

Bakit ba kasi napakasungit ko at loner

Natigilan naman ako ng may tumabi sa akin, gusto ko sana siya paalisin pero mukha kasi siyang mabait

"Hello ako nga pala si Jane Crystal Corpuz ikaw?" saad niya ng nakangiti at naglahad ng kamay

Ngumiti nalang din ako ng pilit at nakipagkamay sa kaniya

"Cyril Gretchen Alcantara" saad ko at bumitaw na din

"Bago ka lang ba dito sa campus ngayon lang kasi kita nakita"

Tumango naman ako bilang sagot, nag isip naman siya ulit ng itatanong ng pumasok na din si Klark at may kasama siyang pogi pero mukhang suplado din

Nakabuntot naman yung hito at mga alipores niya sa dalawa

Narinig ko naman ang munting hagikhik ng katabi ko

"Crush mo?" saad ko, nagitla naman siya at tumango ng dahan-dahan

Please lang wag yung bakulaw na yun kawawa ka lang bait mo pa naman

"Si Ashton crush ko ayoko kay Klark napakasama niyan si Ashton kasi pwede pa"

Wow so ganon din naman yun may pwede pa lang ang alternative

Nagitla naman na kaming lahat dahil dumating na ang teacher namin

Dahil 1st day nagpakilala na kami isa-isa at di ko namalayan break na namin ng unang period

Nakabuntot naman sa akin si Jane kaya wala na akong nagawa kundi magsabay kami

"Alam mo ba ikaw lang yung namansin saken commonly kasi puro mga brat nandito halimbawa nalang yung nabuntot kay Klark at Ashton"

"Bakit naman wala bang ibang mabait bukod sayo?"

Nalungkot naman siya bago nagsalita muli

"Wala eh ayaw kasi ng mga dito yung weak kasi damay damay kapag nabubully"

Kalokohan edi sapakin niyo di naman sila magaganda para maging exception

"Kawawa ka naman sige friends na tayo simula ngayon kaya wag ka na malungkot jan"

"Talaga!? Hala thank you Cy nako I love you na agad hihi"

Natawa nalang ako sa kanya, nag offer naman siya na ilibot ako sa school dahil di naman kami gutom

Napakadaldal niya dahil ang dami na niyang naikwento tungkol sa kanya

"Oo nga pala turuan mo ako paano makamove-on agad kasi balita ko may fiancé na daw si Ashton"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya pero di na yun nakakapagtaka lalo na mayaman sila

May tinuro naman siyang babae na sobrang ganda at sobrang hinhin kumilos

"Ayan fiancé niya pero balita ko ayaw daw ni Ashton sa kanya"

Ang arte naman nun tapos mas gusto nila haliparot utak gunggong talaga mga lalaki

"Kung ako fiancé niya pakasalan ko na yan, sabagay sa panahon kasi natin ngayon mas pinipili na mga maaarte kesa sa natural eh kaya ikaw mag move-on ka na maging fan ka nalang ng kpop"

"Fan ka rin ng kpop!?" gulat na saad niya saken

Di na namin natigilan na magkwentuhan tungkol sa iniidolo namin

Natuwa naman siya dahil naging madaldal na daw ako eh kasi ang hirap ko daw kausapin

May 10mins pa kaya naman bumili muna kami ng maiinom sa cafeteria

Unti nalang din naman ang mga estudyante dahil halos lahat nagbalikan na

Naupo naman kami sa table ng cafeteria at nagpahinga saglit

Nagitla naman ako ng bigyan ako ng burger ni Klark

Nagulat din si Jane at tumingin sa akin at kay Klark ng paulit ulit

"Bawi ko sayo for comforting my mom" saad niya at umalis na din

Malisyosa namang nakatingin sa akin si Jane samantala naguluhan naman ako sa kilos niya

"Ikaw ah sabi ko na nga ba may something sa inyo"

"Wala ang totoo personal maid niya ako pero quiet ka lang"

Napatakip naman siya ng bibig at nakipag pinky swear

"Pero malay mo naman diba parang diary ng panget lang peg niyo"

Sorry lord kung ilang beses ko siyang mamumura sa utak ko...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon