B-7

713 16 0
                                    

Para akong sinapak dahil sa itim ng eyebags ko. Biruin niyo dalawang araw na akong walang maayos na tulog

Nanatili nanaman sa isip ko ang naudlot na sasabihin ni Klark sa akin kaya naman di nanaman ako pinatulog ng aking isip at puso

"Happy Birthday sis!" nagulat naman ako sa pagbati ni Yana sa akin. Napatingin naman ako sa kalendaryo namin at nakitang kaarawan ko nga ngayon

Nagpasalamat naman ako sa kanya at sunod-sunod na silang nagsibati sa akin

"Happy Birthday Iha!" bati ni Ma'am Athena sa akin. Palabas na ako ngayon sa gate para pumasok at nadatnan ko naman si Klark na nakangiti ngayon sa akin

Umiwas naman ako ng tingin at nagpasalamat kay Ma'am

Binati din ako ni papa at binigyan ng regalo

Hindi ko muna ito binuksan at papara na sana ng tricycle nang hablutin ako ni Klark at hinatak na sa sasakyan

Di naman na ako nakapalag dahil gusto ko na din malaman ang naudlot niyang sasabihin

Kanina ko pa siya tinitingnan at nagbabasakaling sasabihin niya na ngunit naasar lang ako ni Papa

"Nak baka matunaw naman si Sir Klark sa iyo" napaiwas nalang ako ng tingin at nakinig nalang ng kanta habang naka earphone

Nakita ko naman ang munting tawa niya kaya naman lalo lang ako nainis

Pagkatigil ng kotse sa school agad ako bumaba dahil naiinis ako kay Papa

Naramdaman ko namang hinahabol ako ni Klark kaya lalo kong binilisan ang paglalakad

Buti nalang nakita ko si Jane kaya agad ko siyang hinatak at dinaldal para di ako gambalain ni Klark

Pagdating sa room agad naman nakarating ang aming teacher at nagsimula agad kaya naman nakalimutan ko na pansamantala si Klark dahil sa dami ng activity namin ngayon

Madami din bumati saken pero ang mga alipores syempre hindi

At as usual lagi nila akong iniirapan

Buti nalang magkaiba kami ng group ni Klark dahil maboboang na talaga ako kapag nakasama ko pa siya sa groupings namin

Mabait ang lider namin at pogi din kagaya nila Klark

Ako lagi ang tinatanong niya dahil ako ang napili nilang asst

Leader kaya naman nakapag focus din ako sa pagsasagawa ng aming group work

Lumipas ang ilang oras at natapos din ang klase namin

Napangiti naman kami sa isa't-isa ng lider namin saka naghiwalay na ng landas dahil tapos na namin ang group work at napagpasyahan na siya na ang magpapasa ng gawa namin

Nauntog naman ako sa matigas na bagay at gulat akong napa angat ng tingin dahil si Klark ito at masama ang tingin sa akin habang hawak niya ang kupon ng papel

"Are you done with your groupings?" saad niya pero nanatili ang masamang tingin

"Oo pinasa na ng lider namin yung work namin kaya magpasa na kayo"

"Did you have fun?" saad niya ulit at hinarangan ang daanan ko

"Yeah so please move, di mo ba nakikita dadaan ako" tinabig ko siya saka dumaan na

Gutom na ako kaya kahit ikaw pa si Jungkook pag gutom gutom talaga

Di na ako lumingon sa kanya dahil ramdam ko na ang inis niya na palagi ko ng nakakaencounter sa bahay

Kumaway naman si Jane saken kaya agad na ako umupo sa pwesto niya

Nagulat naman ako sa dami ng pagkain at may cake

Binati niya ako muli at niyakap nagpasalamat naman ako sa kanya at nagsimula na kami kumain

Napalingon naman ako ng mga lalaking nagtutulukan sa harapan namin at may dalang bulaklak ang isa sa kanila

"Uhm, a-ate C-cy gusto po k-ki-kita happy birthday po" saad ng binata saken sabay abot ng bulaklak

Nagkantyawan naman ang mga kaibigan niya ngunit nanahimik sila bigla ng humarang si Klark sa kanila at ngumiti

"Mga pre kumakain yung babae diba pwede naman mamaya na kayo mag confess"

Nagpaumanhin naman sila at nagsi alisan na

Lumingon naman ang nag confess sakin kaya naman nginitian ko nalang siya ng pilit

Humarap naman na samin si Klark at kagaya kanina masama nanaman tingin sa akin

Nagtataka na din si Jane pero hinayaan niya nalang ang bakulaw

Natapos na ang klase ng huling sub. Nag-aayos na ako ng gamit ng lumapit si Klark saken at hinarap ako sa kanya

"We need to go somewhere, I already asked your parents about this. So don't you dare going away to me" banta niya at pumunta na sa labas para dun ako antayin

Nagkagulo nanaman ang nararamdaman ko sa aking puso at saka na muling naalala ang sasabihin niya dapat sa akin

Di ko nalang namalayan na nakasunod na ako sa kanya

Nandito kami ngayon sa lrt dahil di siya nagpasundo kay Papa dahil pinaalam niya ako dun at importante daw ang sasabihin niya kaya ayaw niya sana ng may ibang kasama

Siksikan dito ngayon dahil rush hour na at marami ng pauwi galing ng kanilang mga trabaho

Ramdam ko na ang init ng mukha ko dahil unting dipa lang ang pagitan namin ni Klark kaya naman amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na nakakabaliw at parang masisiraan na ako ng bait

Di ko alam kung saan kami patungo pero hinayaan ko nalang siya dahil di ko na alam anong pakiramdam ang dapat kong ipakita dahil sa halong kaba at saya dahil sa di ko inaasahang regalo sa aking kaarawan

Bumaba kami sa baclaran at sumakay ng pa MOA kaya naman nahinuha ko na ang aming pupuntahan

Pagkadating namin agad niya akong hinatak sa isang restaurant at nalaman na nagpareserved na pala siya

May nakahanda ng pagkain at cake na nagsasabi ng Happy birthday to you Cy

"Do you like it?" tanong niya at pinaupo na ako

Ngumiti naman ako bilang tugon at nagsimula ng kumain

Naglakad lakad naman kami sa Bay para matunawan ng pagkain saka naisipang sumakay sa rides

Tawang-tawa ako dahil di siya sanay sumakay ng rides

Huli naming sinakyan ang ferris wheel, ang ganda ng view dahil sunset na at naghahalo na ang liwanag at gabi

Tahimik lang kami ng nasa tuktok na kami bigla niyang binasag ang katahimikan

"Happy birthday Cy" saad niya nagpasalamat naman ako at bumalik ang tingin sa bintana

Nanaig muli ang katahimikan samin kaya binasag niya muli ito

"Cy about what I am saying last time" napalingon naman ako sa kanya at tinuon ang pansin sa kanya

"Ano iyon?" kinakabahan na ako at parang gusto ko ng tumalon dito kung sakaling sasabihin niya na ang pinaka inaantay ko

"If its okay to you to be that my someone who i fell into?" nabigla naman ako dahil sa sinabi niya

"I know its to fast pero you are something that made me fall like this I hope you will accept my confession"

Natuod naman ako sa aking kinauupuan at nakatitig lang sa kanya

"Can I court you?" tanong niya at lumuhod ng bahagya sa sinasakyan naming ferris wheel

I was so flusttered. Please help me!

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon