B-2

1K 28 0
                                        

Pekeng ngiti ko namang dala ang bago niyang lutong curry

Pag pangit pa din ingungudngod ko na talaga yung mukha niya dito

"I don't like the taste, make me another one"

Napairap naman ako sa kawalan at saka huminga ng malalim

"Sir masama po ang magsayang ng pagkain, madaming nagugutom di mo ba alam?"

Irita naman niya akong tiningnan at mukhang umuusok na ang ilong sa galit

"How dare you speak to me like that!? And I don't care to those who doesn't have any food l-"

"Klark why are you shouting? And what's happening here?"

Bungad ni ma'am Athena kasama ang iba pang katulong, agad naman ako nagsalita

"Ma'am nagpaluto po kasi siya ulit tapos pangit daw po kaya magpapaluto nanaman siya"

"Klark are you pissing off again our maids?" bantang saad ni ma'am sa kanya, palihim naman siyang umirap at umiling

Tinikman naman ni ma'am ang niluto ko at napangiti siya

"Wow is this your cook Hija, it's so delicious!"

Tumango naman ako at napangiti

"Now eat this Klark and don't shout again to them, you must respect elders"

"Ok mom fine you all win" napabuntong hininga naman siya at kumain nalang

Di daw masarap pero nakadalawang kanin na subsob ko toh sa kaldero eh

"Water" saad niya kaya naman binigyan ko siya at nanahimik na muli sa gilid niya

Matapos niyang kumain ay agad na din siyang umakyat, niligpit ko naman ang pinagkainan ni Senior saka lumapit na muli kila manang na kinakausap ni Ma'am Athena

"So wag ka na umiyak okay ba di kita tatanggalin kahit anak ko pa ang nag utos, paumanhin sa inyo pagsasabihan ko nalang ulit si Klark"

"Wala po iyon ma'am basta wag nalang po ulitin sana baka matrauma pa itong baguhan"

"Okay okay manang, now let's proceed, Sino sa inyo gusto maging Personal Yaya ni Klark, I know he is so impatient and a brat but I will triple the wage cause I know his attitude"

Sabay sabay namang napaatras ang mga katulong kaya naman napabuntong hininga nalang ako at nagtaas ng kamay

"Are you sure Hija?!" gulat na saad ni ma'am, naglalakihan naman ang mga mata nila dahil sa ginawa ko

Gusto ko tulungan sila mama ket ako na magpa aral ng sarili ko kaya kakayanin ko nalang ugali ng bakulaw na yun

"Opo ma'am ako na po bahala sa anak niyo" napayakap naman si ma'am saken dahil sa tuwa

Tumango nalang si mama at sinabing ayos lang ang ginawa kong desisyon

"After all those yrs na lagi siyang nagtatanggal ng yaya meron na ring voluntary at handang tiisin ang anak ko"

"Nako mas ma attitude pa po ata ako dun kaya wag po kayo mag alala" natawa naman sila lahat kahit na di naman biro sinabi ko

Pasamaan kami ng  ugali tingnan natin sino mas lamang kay satanas

"Sige na balik na po tayo sa mga gawain, Cyril Hija ihatid mo na muna ang mama mo para makapagpahinga na pumunta ka nalang dito sa garden pag uusapan natin dapat mong gawin para kay Klark"

"Pero ma'am gusto ko po tumulong" saad ni mama

"Wag na po muna magpahinga na muna kayo" mahinahong saad nito kaya naman tumuloy na kami ni mama

Kinumutan ko naman si mama bago naglakad na muli papuntang garden

Napairap naman ako ng makita si Klark bakulaw katabi ng mama niya
Tango naman siya ng tango habang sinesermonan ni ma'am Athena

"And don't ever do that again or el-"

"Or else I will throw out all your gadgets, I know mom sorry" patuloy niya at parang wala sa kalooban ang pagsosorry

"Hija maupo ka na para makapagsimula na tayo" ngumiti naman ako at naupo sa tapat nila

"So Klark this is Cyril your new yaya and she is also a voluntary one so be kind to her so she will stay for long"

"Ok fine" saad niya at inabot ang kamay sa akin, plastik ko namang tinaggap ang kamay niya at bumitaw na din 

"Umaasa ako na magkasundo kayo agad para naman may magtagal sayo anak,malay mo siya na pala ang destiny mo" asar samin ni ma'am Athena

Natawa nalang ako ng plastik habang siya naman ay napairap at naurat kay maam

"Ew mom like dzuh" saad niya at inis na pumasok na muli sa bahay 

"Oh siya Hija alam mo na gagawin mo huh umaasa ako na magustuhan ka agad ni Klark dahil feel ko magiging daughter-in-law din kita someday" malokong saad ni maam at tinapik ang aking balikat saka pumasok  na muli sa loob 

Napamura nalang ako sa langit at sinisisi ang aking past life dahil sa sitwasyon ko ngayon 

Daughter-in-law my foot, halikan ko na lahat ng mabahong paa wag lang ako mauwing kasal sa bakulaw na yun 

"Cy patulong naman sa pagbubuhat nung mga gamit sa basement, pinatatapon na kasi ni maam" natauhan naman akong muli sa tawag ni manang kaya sumunod na din ako agad

"Usod mo pa sa kanan Hija, ayan sige pa" saad ni manang habang inuurong ko ang mga cabinet na di na ginagamit

"Anlakas mo Hija para magbuhat, pasensya ka na puro babae lang kasi lagi naiiwan dito kaya ganyan" 

"Nako wala po yun para sakin, ano pa po bubuhatin para po matapos na tayo pawis na pawis na po tayong lahat" 

"Ito anak nalang ang natitira p-" naputol naman si manang ng may bumalibag ng pintuan ng basement 

"Hey my maid clean my room" saad niya at napaubo dahil sa dami ng alikabok 

"What are you just gonna stand there?!" lumapit naman na ako agad sa kanya pero agad naman siyang umiwas

"Take a bath first you smell awful" galit na saad niya agad naman ako tumakbo para makaligo agad 

Irap nalang ata natatandaan kong ginawa ko dahil di ko namalayan nasa tapat na ako ng kwarto ni lucifer kasama ang mga pang- linis 

Kumatok naman ako bago pumasok pero nakasampung katok na ako wala pa rin sumasagot kaya agad na ako nagbukas ng pinto 

Napanganga naman ako sa dami ng basura at mga damit na nakakalat sa buong kwarto niya

Pero mas lalo akong naloka dahil lumabas siya mula sa banyo...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon