Nico's POV
Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Sapphire at pinagsiklop ang dalawa naming kamay saka ako yumuko, naka higa ang aking ulo sa kama niya at umiyak ng palihim.
I'm so sorry, honey, you shouldn't protect me because I would protect you every time but sadly I couldn't because I can't. Pambihira kasi iyong tali at panyo, aba!
Kung wala iyon, sana naprotektahan ko na siya. Sana nandoon kami sa bahay nagtatawanan kasama sila Sky ngayon. Sana wala siya dito sa kama na ito. Sana wala siya dito sa hospital. Sana hindi siya na comatose. Sana— tangina naman, ang daming sana pero ano na? It's too late.
NAGISING ako dahil may tumapik sa aking balikat kaya napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang pagod na mukha ni Ry. Napangiti ako ng malungkot sa kanya na sinuklian naman ng isang tipid na ngiti.
"You should eat. May pagkain diyan sa ref," sambit niya at tinapik ako sa likod mahina. Tumango ako at lumapit sa maliit na ref dito sa loob ng kwarto ni Sapphire.
It's already been days, but still no sign of her recovery. Sa ilang araw nagdaan ay ganun pa rin ang kaniyang kondisyon.
Nakita kong umupo si Ry sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Hinawakan niya ang kamay ni Sapphire at sinuklay ang buhok gamit ang isa niyang kamay, kinakausap rin niya ito.
You can see the pain that is visible in his eyes. Gumising ka na hon, maraming naghihintay sa'yo.
Nang nakakuha ako ng makakain ay agad akong pumwesto sa maliit na table sa tapat lang ng kama ni Sapphire. While eating, I stared at her with sadness and adore, I already know I shouldn't be guilty and blame myself because the right to blame here is Dame, the leader of the group and the one who abduct us.
"Nic aalis muna ako, walang kasama si Wynter doon sa bahay dahil paniguradong umiiyak pa rin iyon. Isa pa ay wala ang mga guards at ang mga kasambahay dahil pinagbakasyon ni Mommy," Ry announced and give me a small smile.
"Alam ba nila Tito na nasa hospital ngayon si Phire?" seryosong tanong sa kaniya habang nginunguya ang pagkain. Hinintay ko siyang sumagot pero sa tagal 'nun ay iling lang ang aking nakuha'ng sagot.
Nang tumango ako sa kanya ay naglakad na ito papuntang pinto ngunit tumigil ito saglit habang naka hawak ang kamay niya sa doorknob.
"Ikaw muna bahala sa kanya," saad niya at tuluyan nang umalis saka inubos ang aking kinakain. Itapon ko muna ang pinagkainan ko at umupo ulit sa tabi ni Sapphire.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok at hinawakan ang kaniyang kamay na walang swero gamit ang dalawa kong kamay saka tinitigan siya.
"Alam mo, Phire? Kahit anong pagkakamali gagawin mo basta para sa kaligtasan namin at sa iyo, tatanggapin pa rin kita gaya nang pagtanggap mo sa'kin. Salamat nga pala sa ginawa mo nung nasa abandonadong gusali tayo, you fought really well and I'm proud of you," nakangiti kong bulong sakanya habang nakatitig sa kaniyang namumutlang mukha.
Bumuntong hininga ako saka napayuko at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.
"Kahit ganyan kamutla ang mukha mo, ang ganda mo pa rin. Baka nga kahit magmukha kang pulubi, ang ganda mo pa rin. Paano mo ba nagagawa iyan? Bakit ikaw lang ang may kakayahan gumawa niyan? Turuan mo na rin yung mga babaeng hindi magugustuhan ng kanilang mga mahal at 'yung mga babaeng insecure sa kanilang istura," natatawang saad ko.
Hindi ko ma-isip na tuturuan niya ang mga babaeng gumanda dahil ika nga kay Sapphire, 'I can't teach them because God made us in different ways, so that's why we can call ourselves unique.'
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask (SLOW UPDATE)
Teen FictionThe prettiest smile hides the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest hearts have felt the most pain. Many enemies what her dead in their hands but instead they will kill her, they've decided her loved ones sho...