Chapter 5: Warmth

226 113 7
                                    

Third Person's POV

Unti-unting napadilat si Sapphire dahil sa katok galing sa labas ng kaniyang pinto. Sa halip na pansinin ay tinakpan niya ng malaking unan ang kaniyang mukha at pumikit ng mariin.

"Sapphire, get up," boses lalaki ito galing sa labas ng kaniyang kwarto.

'Sino naman ito? Wala naman akong kasama dito pero sino naman ang nambubulabog sa aking tulog? Ito ang ayaw ko sa may kasama sa bahay eh, parating may istorbo sayo araw-araw.' Reklamo ni Sappy sa kaniyang isip.

Tinuloy ni Sapphire ang kaniyang tulog at pinabayaan na lang kung sino ang nasa labas. Puyat ito dahil sa misyon niya na pinapabigay ng kaniyang ina. Alas singko na ito natapos at natulog kaya wala pa siyang balak tumayo sa kaniyang higaan.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ni Sappy kaya payapa na ang tulog niya ulit.



ALAS-TRES na nang hapon nagising si Sappy kaya agad siyang bumaba upang uminom ng tubig dahil pakiramdam niya natuyo ang kaniyang lalamunan. Nasa gitna siya ng pagbaba sa hagdan ay may narinig siyang nag-uusap sa kaniyang sala, kunot noo siyang tumungo doon at nagulat sa kaniyang nakita.

Kumaway ang apat na lalaki sa kaniya saka malapad na ngumiti. Tipid ngumiti si Sappy at umupo sa pang-isahang sofa na nasa harap nung apat.




Sapphire's POV

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila na nakahalukipkip sa ino-upuan.

"Uh, a-ahm...ano k-kase," utal na saad ni LJ. Tinasaan ko siya ng kilay at tinaliman ng tingin.

"Dito na kami titira, Ry and Sava's order." Si Sky na ang sumagot sa tanong ko.

Bumuntong hininga ako dahil wala na akong magawa dahil yun ang sabi ni Kuya Ryle at Ate Savannah.

It's their decision, not mine. I won't let that happen again and lose another life just for me to live. I can't also decide just like that because I cant let someone because of my sudden actions.

I deeply sigh of that thought. Wala akong magawa dahil wala naman akong laban sa kanila.

Ryle Lauren Takahashi is my older brother, he's 20 years old and he is the CEO of our company. Savannah Wynter Takahashi is my older sister, she's next to Kuya Ryle they have two years younger than him and she is two years older than me, she studied in UNIA.

Nitong mga nakaraan ay busy sila kaya hindi na sila makatawag o makatext man lang sa'kin. I felt sad and alone about that, I really miss them. Yeah, they're alive but I can't feel their love and presence.

Napa-iling na lang ako sa aking naisip, at malungkot na ngumiti. Sa likod ng malaki at malungkot kong ngiti na iyon ay may nakakubling lungkot, then suddenly I felt a pang in my heart. I feel there's a big hole right in the middle of my heart of what I am missing, and in that moment I placed my hand at my chest because my heart is uvcking hurt to the point I can't breathe properly.

"Hey Sappy, you alright?" Napabalik ang aking ulirat dahil may nagsalita sa harap sabay pitik ng mga daliri sa harap ko. Inangat ko ang aking tingin at tipid na ngumiti saka huminga ng malalim para mawala ang sakit sa aking dibdib. It's LJ who said that.

"Yeah, I'm alright. Don't you worry about me," sabi ko na may malaking ngiti sa labi. Ngumiti na rin sila at tumayo, Tinayo nila ako at hinila ako papuntang kusina.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon