Sapphire's POV
Alas-kwatro pa lang ng umaga ay nakahanda na kami dahil pupunta na kami sa airport, susurpresahin namin si Nico sa kaniyang competition day. Alam naman naming mananalo siya kaya eto kami.
Simula nung araw na nag-usap kami ni Chester tungkol sa picture na 'yun, iniwala ko na sa isip ko ang imahe na 'yun at ibinura na nang tuluyan sa cellphone ko. Ayaw ko na maalala 'yun, kahit na kailan.
Huminga ako ng malalim at inilagay na ang huling damit sa backpack ko. Tumayo agad ako at nagbihis ng komportable para sa pag-alis naming ngayon.
Black crop-top jacket, white ripped jeans, and a pair of black sneakers. Ayus na 'to, galing ko talaga manamit, hehehe.
Nakangiti akong naglalakad pababa habang isinukbit ang backpack sa kanang balikat. Pagbaba ko nakita ko agad sila Sky sa sala, halatang excited pumunta sa Japan, kahit inaantok pa.
Sila excited lang, ako, super duper excited. Ayyiiieee, makikita ko na ulit si Nico. Ano kaya expression niya kapag isusurpresa ko siya sa kaniyang competition? Paniguradong matutuwa 'yun.
"Let's go," bungad ko sa kanila na may galak, nakangiti pa ng malapad. Siguro nahawaan sila sa ngiti ko kaya napangiti rin sila habang tumayo at lumabas sa bahay.
Si Chester na ang nagkandado sa pinto at gate ng bahay at sumakay na sa isang puting SUV. Kay LJ daw, taray neto!
Si Chester nagdrive habang katabi niya si Hunter. Si Sky nasa likod ni Hunter, si LJ nasa likod ni Chester, sila ang nasa second row at ako ang nasa third row, nag-iisa.
Panay tawa at daldal nila pero hindi na ako nakisali kaya ikinabit ko ang earphones ko at nagpatugtog nalang. As if on cue, unti-unti akong napapikit at napasandig sa bintana ng kotse saka tuluyang nilamon ng dilim.
Antok na antok pa ako kasi ang aga ko kayang nagising. Pero hayaan na nga para may energy akong pagsalubong kay Nico.
NAKARATING na kami sa airport at dumiretso na sa eroplano kasi late na kami, buti nalang nakahabol pa sa flight time namin at hindi pa nakaalis ang eroplano.
Habang nasa mga upuan na kami, bigla akong kinakabahan at hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay LJ nang bigla lumingon ito sa amin ng nakangiti. Nasa harapan sina LJ at Sky habang katabi ko si Chester at nasa likod namin si Sky na natutulog ng mahimbing.
Kanya-kanya na kami ng mundo hanggang sa tuluyan na kaming nakatulog at saktong nakagising nu'ng nakalanding na ang eroplano sa Japan. Dumiretso na agad kami sa isang hotel kung saan kami nagpacheck-in, thanks to Hunter.
Kahit pagod kami dahil kulang ang tulog naming, maliban sa may jetlag pa kami dumiresto pa rin kami sa event kung saan ginanap ang kompetisyon ni Nico. Halatang ako lang ang excited dito dahil parang wala lang kila Sky ang pagpunta dito.
Mga halatang nakisama lang! Ang alam ko, gala lang ang gusto ng mga nito eh. Ayaw pumasok sa klase.
Hindi na namin muna nilapitan hanggang sa natapos ang laro. In the end, iba pala ang naglalaro at hindi si Nico. And he won the championship, I silently say my gratitude to Him.
Kahit hindi si Nico ang sumalang ay nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil alam ko kung gaano kahalaga sa kanila ang manalo.
Nu'ng pagkatapos na ang program nagpaiwan ako sa entrance ng boy's locker room, obviously I'm waiting for Nico.
"Phire..."
Hinanap ko yung boses pero malabo ang paligid. Wala akong makita kahit kamay at paa ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask (SLOW UPDATE)
Teen FictionThe prettiest smile hides the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest hearts have felt the most pain. Many enemies what her dead in their hands but instead they will kill her, they've decided her loved ones sho...