Chester's POV
Argh! Ang sakit ng ulo ko, naparami 'ata ako ng inom kagabi.
Napadilat ako nung nakarinig ako ng ingay sa banyo parang may sumusuka, hinayaan ko nalang kung sino man iyon at pinilit ang sarili kong matulog dahil sa sakit ng ulo. Katagalan naman ay nakatulog ako ng nakakunot ang noo. My head hurts so bad!
"DALI NA! Aalis na tayo, anong oras na oh?"
"Ano ba kasi ang dadalhin?"
"Kahit ano o kung ano gusto mo dalhin!"
Nagising ako sa away na naman ng dalawang isip-bata, boses pa lang alam ko na kung sino. Inimulat ko ang aking mata habang kinukusot ko pa ang isang kong mata sa nakakasilaw na sinag ng araw na bumungad sa akin galing sa malaking bintana.
"Saan kayo pupunta?" paos at mahinang tanong ko sa dalawa dahil sila lang naman ang malapit sa akin. 'Yung iba abala sa pag-iimpake sa kanilang medyo di kalakihang bagpack.
"Oh, gising ka na pala. Ready yourself and pack some few things. And hurry," bungad ni Sky nang nakalabas siya sa banyo, dala-dala ang isang face towel na nasa kaniyang balikat nakasampay.
Tumango ako bilang sagot sa kaniya at pumasok na sa banyo pagkatapos kong mag inat-inat. I yawned as I walked straight to the sink. My eyes are half-opened that are still adjusting to the brightness.
As what I am doing, I am supposed to do such as taking a bath and brush my teeth. Medyo natagalan lang dahil may hangover ako, nahihilo pa. Nu'ng una ay pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko pero hindi man lang nabawasan ang sakit.
Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng towel sa beywang at may nakalagay din na hindi kahabaan na towel nakasampay sa leeg ko. Dumiretso ako sa aking maleta at kumuha ng cargo short pants, white muscle tee and syempre medyas.
Pagkatapos ay lumapit ako sa night stand na nasa tabi ng kama ko. Sinuot ko ang stainless steel na may pendant na cross, yung relo kong Rolex, at ang itim kong hikaw bago ko sinuot ang aking rubber shoes.
Kumuha lang ako ng extra masusuot dahil hindi ko alam ano na namang trip ng mga kasama ko, isang bottled water na malamig, face towel at maliit na medic kit lang ang mga nilagay ko sa aking drawstring bag.
Naglalakad na ako sa hallway at pababa na ng hagdan nang biglang tumunog ang aking telepono na nasa bulsa ng aking cargo short pants. Tiningnan ko muna kung sino ang caller at sinwipe ko ang screen pakanan bago inilagay ang telepono sa kanang tenga ko.
"Oh, ano Hunter?" bungad ko agad sa kabilang linya.
["Wala naman, nasa lounge kami kaya dalian mo na. Aalis na tayo."]
"I'm almost there," tugon ko at pinatay na ang tawag.
"Saan ba tayo pupunta? Can anyone tell me?" panimula ko nang nakarating ako sa waiting area ng lounge. Lahat sila doon nakaupo at hindi maipinta ang mga mukha tila nawalan ng gana.
"Ang tagal mo!" reklamo agad ni LJ na sinegundahan naman ni Xander. Ngumuso pa silang dalawa at tumayo sa kinao-upuan. Sinundan ko sila ng tingin at papalabas na sila.
"Kumuha pa kasi ako ng canned coffee sa malapit na vend machine. I got hangover, you know." Tinaas ko ang aking canned coffee na hawak-hawak kanina pa.
Bumuntong hininga si Blash at pinaliwanag kung ano ang gagawin namin ngayon, "Mag-aadventure tayo ngayon, narinig ni Kir na may mga gubat dito o bundok na pwedeng puntahan."
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask (SLOW UPDATE)
Teen FictionThe prettiest smile hides the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest hearts have felt the most pain. Many enemies what her dead in their hands but instead they will kill her, they've decided her loved ones sho...