Chapter 8: Missing

177 82 6
                                    

Xander's POV

Nagising ako dahil tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko sa clock display sa screen alas-syete na kaya bigla akong napabangon.

Sa bigla kong pagbangon ay sumakit bigla ang aking ulo kaya napahawak ako sa aking ulo habang namimilit sa sakit.

I groaned and got up from my bed. I hurriedly walked to the bathroom and took a bath for almost 30 minutes. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako para pumasok sa skwelahan at kumain at umiinom ng kape.

Nakapamulsa akong lumabas ng bahay at sumakay sa aking sasakyan, huminga ako ng malalim at pinaandar na sasakyan. Wala sa sarili akong bumiyahe papuntang SIA pero in fairness ay hindi ako bumangga kahit wala sa daan ang aking atensyon.

Kung ako tatanungin niyo kung bakit wala ako sa sarili, hindi bakit kundi sino. Si Sappy lang naman at 'yung si Nico na boyfriend niya 'kuno' na nakaakbay sa kaniya kagahapon.

Sino ba talaga 'yung jowa niya? Hindi kaya silang dalawa ang boyfriend ni Sappy? Two-timer siya?! No. No, she's not like that, you idiot.

Wala sa sarili akong naglakad sa field papuntang building ng class A-1 at dahil nga wala ako sa sarili ay hindi ko namalayan na may nakabangga ako at napatumba kaming dalawa sa malamig na sahig.

Inis akong napatingin sa nakabangga ko na bading 'ata? Gwapong lalaki eh. Natawa ako sa sarili naisipi pero shit lang, I forgot I'm running late!

Agad akong tumayo at sinamaan ko ang nakabangga sa akin saka patakbong nilagpasan na siya, nabangga ko pa ang kaniyang balikat pero wala na akong pakialam sa pagbangga ko sa kanya, LATE NA AKO NITO!



PAGPASOK ko sa classroom ko ay nagulat ako sa eksena na aking nakita. Wala si Miss Agalante, joke.

Mas nakakagulat pa pala ang nakit ko kesa sa makitang wala si Ma'am pagdating ko. Maraming patay na katawan na nakahandusay sa sahig na naka itim na suot habang si Sappy ay nasa gitna nila humahabol ng hininga.

What's happening here? Bakit maraming patay dito?

Yung mga kaklase ko ay nasa dulo ng classroom at nanginginig sa takot. Hinanap ng mga mata ko sila Blash at andoon sila nakaupo ng kumportable sa fifth row kaya nilapitan ko na sila. Kumportable man sila pero kita ko pa rin ng malinaw sa kanilang mga mata ang takot at kuryosidad.

"What the hell happened here?" tanong ko sa kanila.

"Sumugod ang mga 'yan at tinutukan ng mga armas ang iba nating mga kaklase, mabuti nalang at andirito si Sappy dahil kung hindi baka patay na kami dito bago ka pa dumating dito," sagot ni Kir.

Nilibot ko ang aking paningin sa mga kaklase ko na kung makadikit sa sulok parang kakain sila ng buhay ng mga patay. Nanginginig sila sa takot habang umiiyak, ang iba naman ay nahimatay na.

"Ba't hindi niyo tinulungan si Sappy sa pakikipaglaban? Nakakahiya sa inyo ah, hinayaan niyo ang babae makipaglaban sa kanila," inis kong saad at umupo sa katabing upuan ni Blash.

"Siya na ang nagsabi 'wag kaming makialam kung hindi, kami ang isusunod niya. Sa tingin mo, makialam na kami niyan?" inis na saad ni Blash at inirapan ako.

"Oo nga, nakakatakot si Sappy kanina, mas lumiwanag ang kaniyang pulang mata dahil sa galit kanina," hindi makapaniwalang ani Kir habang may pagmangha sa kaniyang mga mata.

Napatingin kami sa harapan kung saan nakatayo si Sappy dahil sa sigaw niya. Kinuwelyuhan niya ang isang tao na hinang-hina na dahil sa kaniyang natamong sugat galing kay Sappy. Bakas ang sakit, galit at paghihirap sa kaniyang mata habang mahigpit nakahawak sa kwelyo ng kaniyang kausap.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon