Sapphire's POV
Nandito ako sa classroom ko nagbabasa na naman ng Harry Potter Series #3: Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, bagong bili ko kahapon. It's 10 in the morning at wala ang Math teacher namin kaya free time muna.
Habang nagbabasa ay nag-iingay ang aking mga kaklase, kung nagtataka kayo wala akong ka-tsismis dito, let me tell you guys I don't have friends here but many of them admires me. Sinulyapan ko ang aking relo ngunit matagal-tagal pa bago magrecess kaya nung nagbabasa ako ay hinihintay ko ang aming Math teacher.
"Saph, may naghahanap sa'yo!" sigaw ni Amanda nasa may pintuan nakadungaw ang ulo.
"Sino?" mahinang tanong ko pero sapat na maririnig niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa libro na binabasa ko.
"Si Zyrus," she response. Natigilan ako at huminga ng malalim. I hate this day! Why is he here? Why is he looking for me? What did he want? Mangungulit na naman yun sa akin, ARGH!
Napakunot ang aking noo at sinira ang aking libro at tinungo kung saan ang hinayupak na si Zyrus. Pinagkrus ko ang aking braso bago siya hinarap at tinasaan siya ng kilay. Nakita ko si Amanda sa gilid ng aking mga mata kaya hinarap ko siya at tinitigan ng makahulugan, sa isang iglap ay nawala na siya sa aking paningin.
"What do you what know Ley?" nakasimangot kong tanong. Tinabingi ko ang aking ulo sa kaliwang direksyon habang nakaharap pa rin sa kanya.
Ang unfair niya. Matagal siyang nawala, mga isang buwan tapos hindi ko alam na naka-uwi na pala ito. Nagtatampo ako.
"Tara," maligayang saad niya, nakangiti pa ang hinayupak na ito habang hinihila aking pulsahan.
"Saan naman?" nakakunot noo kong tanong. Ayaw ko naman sumama ng ganun-ganon na lang baka magcutting na naman kami gaya nung first week pa lang ng klase. Akala ko maglilibot lang kami sa labas campus pero huli ko na nalaman dahil sa kalutangan na umabot kami sa Luneta Park. Ayun tuloy, absent ako nun.
"Sa canteen lang naman," umaasang ani niya, nakanguso at naka puppy eyes pa, HAHAHA he's cute. Iniyugyog niya pa ang braso ko upang pumayag, that's Ley everyone. HAHAHA!
"Okay," nakangiti kong tugon. Masaya siyang tumatalon at inakbayan ako habang nakangiti pa rin, he's such a child but it's not annoying for me though.
I miss him. I'm happy that he's here but I have this feeling that he's going to leave me sooner or later, I just don't know when.
He's Finsley Zyrus Esguerra, my childhood crush and best friend. Ley ang tawag ko sa kanya simula pa una dahil nabubulol ako kapag buong Finsley ang itatawag ko sa kaniya imbes na Finsley ay magiging Pinshley ang mababanggit ko, ako lamang ang nakakaalam sa kaniyang Finsley na pangalan maliban sa family and close friends namin dahil kinikilala siya dito na Zyrus Esguerra dahil nakakahiya daw ang kaniyang Finsley na pangalan. Kalalaking tao may kinakahiya pala. What a man!
Naririnig ko ang mga bulong-bulongan sa gilid namin tungkol na naman sa amin. I hate fake news, I hate rumors. Mahilig sila magpakalat ng isyu na hindi totoo pero kung sila ang may isyu, pikon at nagagalit naman. What a powerless pathetic bitches we have here! Argh!
Usap-usapan na kami na daw, kasal na daw kami, or even worst they said we're going to have our first child. Holy fvck right? Nang nairita na ako sa kanila ay nilingon ko sila at kunwaring nagtataka sa kanilang pinaguusapan pero umiwas sila ng tingin at umubo ng peke.
Oh, well still bitches. Bitches are still bitches.
Nakangiti kaming pumasok at inilalayan niya akong umupo sa pang-dalawahang mesa. Tinanaw ko siya dito sa aking pwesto habang nakahilig sa lamesa, nakangiti siyang umorder para sa aming dalawa. He's the sweetest and caring best friend I ever had. Nang nakaorder na siya ay nakangiti pa din siyang umupo sa harapan ko. How I miss his smile.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask (SLOW UPDATE)
Teen FictionThe prettiest smile hides the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest hearts have felt the most pain. Many enemies what her dead in their hands but instead they will kill her, they've decided her loved ones sho...