Chapter 15: Smile

116 58 10
                                    

Sapphire's POV

Shit, that was my worst nightmare ever in my whole life.

Hinihingal akong nakatingin sa kanilang lahat pero ni-isa sa kanilang tanong hindi ko man lang masagot dahil sa kaba. Umiling lang ako bago tumingin sa labas ng bintana.

"It's nothing guys, it's just a nightmare only," nasabi ko nalang sa kanila at ramdam kong bumagsak dahan-dahan ang aking balikat nu'ng nakapwesto na uli sila sa kanilang upuan.

Nalulumo kong sinandal ang aking ulo sa bintana at pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan sa kabilang lane ng daan.

Hindi ko maiwasang kabahan sa nakikita ko sa bangungot na iyon dahil parang totoo. Hindi ko kaya kung gagawin niya sa akin 'yun. I don't know what to do if he does that to me.

Masakit, masakit kung siya ang gagawa nun hindi dahil sa naglilihim siya o nagtaksil siya sa akin, kundi dahil hindi ko inaasahan na magagawa niya 'yun sa akin.

Masakit pa lang makita ang ganu'ng imahe kahit sa panaginip pa lang, paano pa kaya kung totoo na ito at harap-harapan na?

"Sappy?" tawag ni Sky sa akin na nasa labas na ng van kasama ang iba, napatingin ako sa paligid at doon ko namalayan na ako na lang pala ang nasa loob pati ang mga gamit ko.

Nakayuko akong lumabas ng van at inayos ang pagkasabit ng bag ko sa balikat ko. Tinapik pa ako sa balikat ni Chester kaya napaangat ang aking ulo para tumama ang aming mata, tinabingi ko pa ang aking ulo para ipapahiwatig kung ano ang gusto niya pero ngumiti lang ito at lumakad kasabay kila Sky.

Sandaling kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang likod ni Chester pero ikinibit balikat ko lang at nanlulumong lumakad pahabol kila Sky dahil ang layo na nila sa pwesto ko.

"So Sapphire, ano ang plano mo pagdating sa Japan?" nakangiting tanong ni Chester, nilingon pa ako habang tinanong iyon.

"Hm, maybe after we check-in to the hotel, we'll go straight to the venue where the competition is," nakangiting saad ko sa kaniya ngunit pilit naman. Tumango ito at binalik ang kaniyang tingin sa kaniyang dinaraanan.

Nanlulumo pa rin ako hanggang ngayon dahil sa kaba, alam kong panaginip lang iyon pero meron nagsasabi sa akin na nagpapakaba sa akin.

Actually, since I woke up earlier this morning I can't help but feel nervous without any reason and then that bad dream came, it make me feel nervous more. My gut feeling is telling me something, and I hate it to know what it is.

Yung pakiramdam na hindi mo kakayanin pang tumayo sa mundo kung alalahanin o mangyayari dahil sa panghihina na magkakatotoo, 'yung sisikip ang dibdib mo at sasakit ang ulo kakatingin sa panaginip lang at sa reyalidad.

Lord, minsan lang ako hihiling ng ganito. Sana ho hindi magkatotoo 'yung panaginip ko at hindi sa masakit na paraan hahantong kung ano man gagawin niya pagdating namin doon. Ayaw ko'ng mangyari 'yung ganong eksena Ayaw ko!

Minu-minuto akong humihiling na sana wag ngang magkatotoo 'yun because I once experienced this kind of situation way back three years ago. I think. I dreamt my twin brother died because of my impulsive move just to save him, but it came true. I always blame myself for that until now. Even my family members also blame me. They didn't tell me directly they'd blame me, but I can sense it. I really can sense it just by their stares and treatments towards me.

"Hey, we're here."

Napalingon ako kay Chester nung bumulong siya sa gilid ko, napangiti naman ako at tumango saka sumabay kay Chester. Nagpahuli naman kaming dalawa sa paglalakad, sila Sky naman nasa unahan namin at daldal naman, halatang excited tong mga ito eh.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon