Chapter 6: Welcome back

198 102 12
                                    

Sapphire's POV

Nagising ako sa katok ng kung sino galing sa labas. Mahina ito at dahan-dahan, kumatok pa siya ng tatlo pang beses bago binuksan ang pinto. Lumapit si Chester sa akin saka umupo sa gilid ng aking kama at ngumiti.

"Good morning Sha-sha. Tumayo kana at maligo, sabay na tayo kumain kasama ang iba at pumasok na sa SIA," nakangiti niyang saad. Ngumiti rin ako sa kanya at tumayo kaya agad din siyang tumayo at lumabas na.

Nalaman ko rin na lilipat sila sa SIA pero ngayon daw ang kanilang first day dahil hindi ako nakapasok nung dumating sila rito hanggang sa nangyari'ng munting aksidente.

Pumasok agad ako sa banyo para maligo at maghanda na. Nagsuot lang ako ng black spaghetti strap tank top na pinatungan ng red and black checkered flannel na nakabukas pa, black ripped jeans at black Nike React Element 55 rubber shoes.

I'm glad we will not wearing our uniform in SIA. Even in NIA, WIA, and EIA they're not wearing those uniforms. They just let us wear civilians on.

Bumaba na agad ako at pumanhik na sa kusina, naabutan ko silang naghahanda na para kumain na rin. Nagkukwentuhan kami habang kumain hanggang sa nagtanong si Hunter kung okay na ba ang pakiramdam ko.

"Sappy sigurado ka bang okay ka na?" tanong ni Hunter saka sumubo ng kanin.

"Yeah, I'm sure. Don't you guys worry," nakangiti kong saad at niligpit ang aking pinagkainan saka nilapag sa lababo sumunod na rin ang apat.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na rin kami sa aming sari-sariling sasakyan, pinili ko ang aking Volvo S60 Dynamic Sedan galing sa underground garage ko.

Binuhay ko ito at mabilis pinatakbo pero bago iyon napagpasyahan naming magkarera at ang unang makaabot sa parking lot ng SIA ay panalo saka ang talo naman ay magbibigay ng tig-tatatlong libo sa panalo.

Binilisan ko ang pagmaneho. I need to win. I'm really like err— moneys, the smell of them makes me addicted to it. Mabuti na lang at wala akong nasagasaan and as if naman meron.

As expected from me, the racer, una akong nakapark sunod sa akin ay si Chester, sunod ni Chester si Hunter at Sky na magkasabay at panghuli si LJ. Lumabas kami ng sabay-sabay sa aming sasakyan at hindi na pinansin ang mga estudyante na nagtitili ng mas malakas pa sa mikropono.

Nagkumpulan silang apat sa akin at binigay ang kanilang tig-tatatlong libo. Easy money! May 12,000 agad-agad! Ngumisi ako at nag-aya ng lumakad.

Habang naglalakad sa hallway papuntang Class A-1 ay may biglang yumakap sa akin. I was caught off guard by that. Matagal pa akong nakabawi dahil sa gulat, nanlaki ang aking mata habang may yumakap sa akin. Hindi ko siya nagantihan ng yakap dahil baka naman hindi ko 'to kilala, mahirap na baka makarating to sa aking boyprend at magselos iyon.

Bago pa ako makasigaw dahil bumalik na ako sa reyalidad ay lumayo na siya sa akin at nakangiting tiningnan ako. Ang gulat kong mata ay mas lalong naglalakihan sa aking nakita.

It's Nico Jefferson Villegas or Nic for short. He's my boyfriend who's away from me half a year ago. I understand that since he's an athlete. Swimmer perhaps, well, he's a perfect guy for me despite his flaws and imperfections.

I can't believe he's really here now, maybe the competition he joined was over. I hope he make it to the top, I really hope because it is his dream to win in that competition.

"Oh My, Nico! You're really here!" masayang sigaw ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit sa leeg dahil sa tuwa, kumalas na din ako agad para matingnan ang kaniyang maganda at makinis na mukha. Ngumiti siya ng malapad mas malapad sa akin, tumawa siya at tumango dahil sa sinabi ko.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon