Sapphire's POV
Asan ako? Ang dilim at ang sangsa ang amoy dito.
Nagising na lang ako na nasa madilim ako na kwarto at mukhang nasa gitnang bahagi ako ng kwarto. Madilim man ay may isang ilaw pa rin, dilaw pa kaya hindi malinaw ang mga nakikita ko.
I scanned every corner of the room to see if I' can find a way to escape, but I couldn't. It looks like a simple room with a bed, cabinet, sala set, television, aircon, a door that leads to a comfort room, but I can't see any ways to escape.
May mga bintana pero nasa taas na hindi ko maabot at ang liit. Tsk, mautak den! One way to escape, shocks!
Noon ko pa lang nalaman na hindi nakatali ang kamay at paa ko, wala ding nakabusal na panyo sa bibig ko o sa mata ko. Taray, hindi ako tinali ng mga lalaking iyon HAHAHAHA!
Lumapit ako sa pintuan na alam kong pasukan at labasan ng kwarto, paglapat ko pa lang ng kamay ko sa doorknob at iikot ay naka-lock ito galing sa labas.
How can I get out from here? How many days I was in here? Oh my, I don't know how to escape just by this only one door.
Dumilim na ang langit nung bumukas ang pinto at pumasok ang isang may edad na lalaki na nakapamulsa at taas noong lumapit sa aking ino-upuan sa pang-isahang sofa.
"Musta ang pagkakulong mo rito, Sapphire?" nakangising saad niya sa akin at umupo sa harap ko na pang-isahan din na upuan.
"Ayos naman," balewala kong ani at napalabi at umiwas ng tingin sa kanya saka tumango-tango kunwari.
"Alam mo bang hinahanap ka na ng mga kaibigan mo pati pamilya mo? Sad to say, they can't find you. Kahit ano'ng gawin nila, hindi ka nila mahahanap dito."
"Asan ba ako? Ilang araw na ba akong andito?"
"Nasa masyon ka namin."
"Ahhh, so ilang araw na nga akong nakakulong dito?" I said directly to him with a hint of annoyance.
"Mga ilang araw na din, five days to be exact," nakanguso niyang tugon at kunwaring nag-alala.
Bigla akong napakunot ang noo at sinamaan siya ng tingin saka tumakbo papunta sa harap niya, inilagay ang isang tuhod sa pasimano ng upuan at kinuwelyuhan siya habang nanginginig ang mga kamay.
Mas lalo akong naiinis nu'ng tumingin sa akin na may ngisi sa labi na parang sinasabing wala akong magagawa dahil nakakulong na ako dito.
Hintayin mo lang ako makatakas dito, babalikan kita dito.
Kilalang-kilala ko itong matandang huklubang ito, ang nag-iisang padre de pamilya ng Rnovia. Nagpapanggap lang akong hindi siya kilala na parang ngayon ko lang siya nakita at nakaharap.
"Who are you?" kunyaring naginginig kong sigaw ko sa kanya at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak sa kaniyang kwelyo yung sa puntong alam kong masasakal siya.
Matunog siyang napangisi ngunit halatang nahihirapan nang huminga dahil mahigpit na mahigpit ang kaniyang pagkawak sa magkabilang pulsahan ko pero sa panghihina niya hindi niya maalis.
Napagpasyahan kong bitawan siya at umupo ulit na parang walang nangyari at nakade-kwatro ang binti saka nakalumbaba sa harap niya. Naghahabol muna siya ng hininga at nung maayos na ay doon pa siya nagsalita.
"Let me introduce myself, I'm Haime Rnovia," nakangisi niyang sabi habang nakadungaw at nilahad ang kamay sa harap ko ngunit hindi ko ito tinanggap saka umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Behind Her Mask (SLOW UPDATE)
JugendliteraturThe prettiest smile hides the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest hearts have felt the most pain. Many enemies what her dead in their hands but instead they will kill her, they've decided her loved ones sho...