Chapter 18: Bar

92 31 7
                                    

Sky's POV

Nagbago na ang ugali at pakikitungo ni Sapphire sa kaniyang paligid simula nung nakaalis kami ng Japan. Ayaw niya ring mabanggit si Nico at ang mga Rnovia na pinagtataka naming dahil araw-araw, gabi-gabi niyang binabanggit sa amin ang mga iyon.

Pero ngayon, hindi na...

Ang Sapphire na mabait ay bilang naging malamig. Ang Sapphire na palangiti ay biglang nagsusungit. Ang tahimik na Sapphire ay mas lalong naging tahimik at umastang walang pakealam sa kaniyang paligid. Ang Sapphire na palaging aktibo ay biglang tumamlay.

Hindi namin alam kung ano ang nagyari bago pa siya nakuha ng mga Rnovia dahil doon nagbago ang kaniyang pakikitungo na patamlay-tamlay at ang pagiging malamig sa lahat ng tao, pati na rin sa amin.

Nag-alala kaming apat pero binigyan muna namin sa kaniya ang katahimikan. Gusto naming magtanong ng magtanong pero ni isa sa amin ay walang naglakas-loob.

Nakakatakot ang kaniyang awra pero ang totoo ay walang emosyon lang ang kaniyang mukha. Hindi ko alam pero ang nakabalot ay biglang umitim at walang kabuhay-buhay. Na nagyon ko lang nakita sa kaniya sa tanang buhay ko.

Isang linggo ring bumuntot-buntot ang tatlong kaklase namin na sina Blash, Kir at Alex. Hinayaan lang naman sila ni Sapphire pero hindi naman pinapansin. Walang pinapansin si Sapphire kahit isa sa amin.

Tahimik kaming kumakain at panay sulyap kay Sapphire na walang pakealam na tamad kumakain. Walang sigla ang mga mata at walang kahit na maliit na ngiti sumisilip sa kaniyang mga labi. Nanatili siyang malamig at nakabalot sa itim na awra.

Muntik din siyang parusahan ng isa sa mga professor naming dahil hindi niya nagawa ang report niya dahil nasa Japan kami 'nun, buti nalang hindi pinayagan ng principal namin maparusahan si Sapphire kaya ang ginawa ng professor namin ay pabagsakin ang grado niya.

"Do you want to go to the bar tonight?" malamig at seryoso niyang tanong sa amin na hindi nag-abalang tapunan kami ng tingin.

Gulat kaming nakatingin sa kanya dahil sa higit isang linggo ay ngayon lang siya nagsalita pero andoon parin ang lamig sa tono niya. Lamig at seryosong tinig na kapani-panibago sa aming lahat.

You're changing Sapphire. What happen to you? What is wrong with you?

"A-ahh oo naman, sige..." Hindi namin maiwasan magkanda-utal sa kaniya dahil nanibago kami sa kanya.

Natatakot kami sa dahilan kung bakit nagkakaganon si Sapphire. Hindi ganito si Sapphire umasta. Oo, tahimik siya simula pa lang pero sumobra naman ata sa pagiging tahimik niya ngayon.

Paniguradong ayaw niya pang sabihin sa amin kung anong dahilan niya bakit siya nagkakaganyan pero naghihintay lang kami kung kailan niya sasabihin.

Tahimik ulit kaming kumain, natatakot gumawa ng ingay sa hindi malamang dahilan. Naunang natapos si Sapphire sunod sina Alexander, Blash at Kir. Panghuli naman kami nila Hunter, LJ at Chester.




Alexander's POV

Nagtataka man kami kung bakit tahimik si Sapphire kesa nu'ng una ay nanatili naman kaming tahimik at hindi na nagtanong. Hindi na rin kami nagtanong kila Sky dahil halata namang wala rin silang alam sa inasta ni Sapphire.

"Alam mo ba kung bakit nagkakaganon si Sapphire?" tahimik kong tanong kila Blash at Kir habang naglalakad sa likod nilang lahat.

Nangunguna sa paglalakad si Sapphire, sina Sky ay nasa likod niya at sabay-sabay naglalakad at kami ang panghuli saka sabay-sabay naglalakad.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon