Chapter 25: Back

73 21 5
                                    

Blash's POV

Today is our field trip day. I expected this would be exciting, but that's what I thought. It's boring!

Well, everyone is excited about the field trip except for Chester and me.

Madaling araw ay andito na kami sa campus para makapaghanda at makapag-attendance. Walang umangal dahil si Blow ang nagsabi, siya yung parang nakataas sa lahat kahit staffs at dean ay hindi makakontra.

We fall in line in front of our designated bus, waiting for our names to be called by our adviser.

Blow was just observing in front of the whole Grade 10 section, clasping both hands at his back while observing us.

Una tinawag ang mga lalaki bago ang mga babae sa attendance.

"Bustamante, Franzel Kir."

"Present," sambit ni Kir habang tinaas ang kamay na hindi nakatingin sa tumawag sa kanya.

"Del Mundo, Larkin John."

"Present po!" sigaw niya na akala mo'y napakalayo ng ilang metro si Miss.

"Jiminez, Hunter Klein."

"Present."

"Lee, Alexander Michael."

"Present, Miss!" Isa pa 'to sumigaw habang kinakaway pa ang kanyang kamay ng nakangiti.

Walang pinagkaiba kay LJ, tsk.

"Lim, Chester Fleur."

Walang sumagot kaya inangat ng adviser namin ang kaniyang ulo ng nakataas ang isang kilay, nawala nalang kalaunan.

Tinaas lang ni Chester ang kaniyang kamay at hindi lang nagsalita. Tinamad ata magsalita kahit hindi naman talaga siya pala-salita.

I just made a poker face as what I thought.

"Montefalcon, Black Ashton."

"Present," I whispered enough to be heard. It's tiring to shout it unless you have the effort to waste your energy.

"Martinez, Stephen Nixxon."

"Present, Miss."

"Salvatore, Skylar Peterson."

"Present," saad niya ng nakangiti ng malapag habang tinaas ang kamay at tumgkayad pa kahit kita naman siya ng adviser namin.

Halatang excited sa field trip eh.

Lumipas ang ilang minuto, natapos na rin natawag ang lahat ng lalaki at ngayon ay mga babae naman hanggang sa tinawag ang apelyido ni Sapphire.

"Takahashi," tawag ng adviser namin sa apelyido ni Sapphire. Inulit pa nu'ng wala siyang nakuhang sagot.

"Ah, Miss." Nix caught the attention of our adviser, raising his hand.

"Yes?"

"Sapphire can't make it, but she'll be there in a while, hahabol nalang daw po siya."

Nagkatingin kami nina Sky, Chester, Hunter, Alexander, LJ, at Kir tila nagtataka kung bakit kailangan pa magsinungaling tungkol sa pagkawala ni Sapphire.

Why would he lie to them? Since alam naman namin at sa tingin ko alam din ni Blow, bakit kailangan pa itago ang katotohanan? Hindi ba sila nag-alala na nawawala si Sapphire?

Tumango nalang ang aming adviser at nagpatuloy sa pag-attendance hanggang sa nag-anunsyo si Blow na pasakayin na lahat ng estudyante at adviser sa kani-kanilang bus na sasakyan.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon