Chapter 27: Fight In A Ring

42 18 2
                                    

Blash's POV

"May hinala kami sa koneksyon ni Sapphire sa organisasyon na sinalihan niyo," saad ni Kir sa seryosong tono. Nakuha naman niya ang atensyon ng iba at lumapit sa amin.

Lahat sila ay nakapalibot na sa amin at nahihintay sa sasabihin namin. Nalilito rin sila kung ano ang aming natuklasan, halatang sabik silang malaman iyon.

"What now?" naiinip na tanong ni Hunter na nasa harapan namin, nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa mahabang sofa kung saan nakaupo sina Chester, LJ at Alexander. Si Sky naman ay nakaupo lang sa pasimano ng mahabang sofa.

"Haven't you notice Sapphire's first name?" tanong ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa isa't isa at tumingin ulit sa aming dalawa tila nagtataka pa rin.

"Does the name Yasha ring a bell to you?" tanong ko. Nanlaki kanilang mga mata tila nakuha nila ang tinutukoy namin.

"So, ang Big Boss namin sa Yasha Organization ay si Sapphire?!" sigaw ni LJ. Napatayo pa siya at gulat napatingin sa aming lahat.

"All this time, it was her?" komento ni Xander, tatayo na sana kaso pinigilan siya ni Chester.

Napatingin si Xander kay Chester na nakatitig din sa kanya, tumango nalang si Chester sa kanya at tahimik na umupo ulit si Xander.

"What should we do now, since we all know about her and the organiza—" Naputol ang sasabihin ni Kir nang pinutol siya ni Chester.

"No, we aren't sure yet if it's true that she's the Big Boss. Maybe it's a coincidence she's named the same as the 'Big Boss' of Yasha Organization," paliwanag ni Chester sa mahinahong boses.

Tumango naman ang iba naming kasama maliban kay Sky at sa akin. Sigurado naman akong si Sapphire talaga ang namumuno ng Yasha Organization.

Come to think of it, Sky is Sapphire's cousin. Siguro may alam siya tungkol sa organisasyon na hindi lang sinabi. Simula nu'ng sinabi namin ang konklusyon namin tungkol dito ay hindi man lang siya nagulat o naguguluhan.

Don't overthink, Blash. Baka hindi lang niya pinakita na gulat siya. Wala rin tayong pruweba na may alam nga siya.

"What do you think, Sky?" biglang tanong ko sa seryosong tono. "Alam nating lahat pinsan ka ni Sapphire? At alam kong may alam ka sa sikreto ng organisasyon niyo at kay Sapphire."

"Uh..." Lumikot ang kaniyang mga mata pero kalaunan din ay huminga ng malalim. Mukhang wala na siyang magawa pa kaya sinabi na niya.

"It's true. Sapphire is the Big Boss of the organization, she replaced the former Boss when her twin brother died. Isa 'yun sa mga kalaban namin, ang Rnovia. They also seek revenge for unknown reasons, but we are still searching in the meantime."

Napatanga naman kami sa aming nalaman at dahan-dahang tumango na nakanganga habang nakatingin sa kanya. Ang iba kong kasama naman ay napakunot ang noo tila hindi naintindihan or naguguluhan.

"For those who didn't understand, let's just wait for Sapphire. Mabibigyan niya tayo ng sagot, siya at siya lang. Ang hihina ng mga utak niyo kasi, napakasimple na nga ng sinabi ko hindi pa maintindihan," tila nang-aasar kong saad at ngumisi sa kanila dahilan para umingay ang mga iba kong kasama.

"Wow, nagsalita!" Unang nagreact si Hunter.

"Woy! Hindi mahina utak ko, tamad lang talaga gumana ng utak ko ngayon," tanggol ni LJ sa kaniyang sarili na nakanguso at umiwas ng tingin.

"Weh? Ngayon lang ba? Araw-araw kaya hindi gumagana utak mo," pang-aasar ni Alex sa kanya nang nakangisi.

Napatingin naman sakanya si LJ sa kanya at sinamaan agad ng tingin kaya napatawa ang huli at umiling-iling pa.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon