Chapter 12: Unexpected Visitors

115 56 6
                                    

Sapphire's POV

"Speak up," bored kong saad sa kanila habang kumakain. Nasa canteen kami kami at ngayon ko sila ipapaamin kung bakit nila ako pinapasok sa school na alam naman nilang busy ako.

Kumakain sila habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila na kumakain halatang ayaw sagutin ang tanong ko at ramdam kong iniiwasan nila. Iniiwasan nila ang aking mga matang nakatingin sa kanila ng masama, dahil ramdam na ramdam nila ang titig ko, syempre naiilang sila.

Cute, HAHAHAHA!

Gusto ko sanang tumawa sa kanilang mga reaksyon pero pinilit ko nalang gawing walang reaksyon ang aking mukha saka nagtanong ulit.

"What now?! Why you guys won't answer me?! Why did you call me?" napataas ang aking boses pagkasabi sa kanila at humalikipkip. I saw how their shoulders jerked, and their eyes widened, looking at me.

"G-ganito kase 'yun, Sapphire. Si LJ kase gusto ka daw niyang makasama at nag-alala din kami na parati kang absent dahil diyan sa mga Rnovia," pahina ng pahinang saad ni Sky sa akin at tumungo.

Naiinis ako bigla sa kanilang dahilan dahil imbes marami na akong makukuha na impormasyon sa mga Rnovia, nandito ako sa school bored na bored sa kanilang sinasabi.

Tiningnan ko sila isa-isa ng masama at padabog na tumayo dahilan para tumumba ang aking upuan bago ko hinampas ng napakalakas ang mesa.

Nagulat sila at napatigil sa pagsubo. Ramdam ko rin ang tingin ng mga tao sa aming paligid pero hindi ko na iyon pinansin dahil naiinis ako.

Unti-unting sumasakit ang aking palad dahil sa paghampas ko kaya inalis ko ang pagkalapat ng aking palad sa mesa saka inilagay nalang sa bulsa ng aking leather jacket na kanina ko pa dala-dala.

Ang init ng panahon nagjajacket. 'Di bale malamig naman sa classroom at canteen dahil sa aircon nila.

"Seriously?! That's it?! You called me for that?!" nangangaliiti kong sigaw sa kanila. Napayuko sila ulit pero napaangat ang kanilang ulo at tumingin kay Chester nang magsalita ito.

"Relax, it's not just it, Sapphire. I have good news for you," mahinahong sambit ni Chester at sumandal sa kaniyang upuan at humalukipkip.

Napakalma naman ako at napatingin sa kaniya ng matagal hinihintay ang kaniyang susunod na sasabihin.

"Anong sinasabi mo Chester?"

"May nalalaman ka ba na hindi namin alam?"

"Tell us Chester."

Sabay-sabay na bulalas nila LJ, Sky at Hunter kay Chester na hindi naman nakatingin sa kanila at diretsong nakatingin lang sa akin, nailing naman ako sa kaniyang pagtitig kaya umiwas ako sandali at binalik ang atensyon sa kanya.

"What good news are you talking about, Chester?" tanong ko sa kanya nakakunot ang noo habang napalabi nalang.

"It's about the Rnovia's," seryosong ani Chester at bumuntong hininga pagkatapos.

Napaawang naman ang aking bibig dahil hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman, alam ko na rin naman iyon. It gives me a shiver as I saw his piercing eyes glaring at me.

"Tsk! Let's not talk that here. We'll discuss that when we get home," seryoso ngunit mahinahon kong sambit sa kanila kaya napahinga sila ng maluwag at tinuloy na nila ang kanilang kinakain.



LUMIPAS ANG araw ng ganun-ganon na lang. Hindi ko namalayan ang oras at uwian na pala, napabuntong hininga nalang ako saka sumabay kila Sky lumakad papuntang parking lot.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon