Gusto ko syang pigilan pero wala akong magawa,Gusto ko syang diktahan pero hindi ko magawa,gusto ko syang sundan pero hindi pwede, gusto kong sabihin sa kanya na paano ako pero walang lumalabas sa bibig ko.
Ilang araw na simula nung umalis si felix. Pero heto ako ngayon hindi pa rin makapaniwala na iniwanan nya. We didn't broke up dahil pareho naman naming alam na hindi naman rason ang distansya para hindi namin mahalin ang isa't isa.
After our fight he explained everything. At unti-unti kong tinatanggap ang mga bagay na 'yon.
Felix always called me. Pag gising nya tumatawag sya kahit na magkaiba ang oras dito at doon. Minsan mag vivideo call kami gabi dito samantalang madaling araw naman doon.
Unti-unti akong nasasanay sa ganong set up. Pero aaminin ko ay nangungulila parin ako sa kanya. I want him beside me. Gusto ko nahahawakan ko sya,nayayakap ko. Pero ngayon malabong mangyari ang mga bagay na 'yon.
Days passed at nagiging abala na ako dahil second semester na at malapit na akong maging 3rd year college. Nag uusap kami ni felix pero madalang nalang. Hindi ko nga alam bakit sya lumipat sa ibang bansa. Samantalang paga abogado naman ang kurso nya dito. Pwede ba 'yon? O baka may mga hindi ako nalalaman.napa buntong hininga nalang ako
"Lalim naman nyan." Lumingon ako sa likuran ko nung nagsalita si flaire
"Andyan ka pala."
"Kanina pa, hindi mo lang napansin dahil sa kanina ka pa tulala at mukhang may malalim na iniisip."
What if I ask flaire?baka alam nya kung bakit lumipat si felix doon.
"Alam kong alam mong in-explain na lahat ni felix sa akin pero may kulang kase e. Hindi ko alam bakit sya lumipat sa ibang bansa. He's a law student here pero bakit ngayon nasa ibang bansa na sya?"tanong ko
Naghihintay ako ng sagot kay flaire pero hindi sya nagsasalita kaya inulit ko. Ngumiti sya pero alam kong pekeng ngiti iyon.
"What?wala kang sasabihin?"
"Kase..kase ano"
"Ano?we're best friend right?bakit hindi ka makapag salita?"
Hinalos nya ang kamay nya sa mukha nya. Ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayari?
"Fine,felix give up his dream"she said
Hindi ko maintindihan anong give up?anong nangyari?
"Lumipat sa america ang pamilya nila. At naiwan siya dito dahil gusto nyang tapusin ang pag aaral nya."
"Pero 3rd year na sya. Ilang taon na lang flaire."
Litong-litong tumingin si flaire sa akin.
"Hindi mo Alam?"tanong nya
"Ang alin."
Ang gulo-gulo na,para akong tanga dahil ni isa wala akong nalalaman.
"Second year si felix nung bumalik siya dito at freshman palang tayo. He study nursing sa america pero bumalik siya dito at pumasok sa law school pero dahil nagkaroon ng problema at kailangan niyang sumunod sa mga magulang niya doon he give up his dream to be a lawyer."
"Hindi ko maintindihan"naluluha kong sinabi sa kanya
"Hindi nag-aaral si felix, via! He manage their business dahil walang ibang gagawa no'n kundi sya lang. May sakit ang papa nya cancer at kapag walang mag aasikaso sa negosyo nila babagsak sila."
Flaire explain everything. Nalaman ko 'yung mga bagay na hindi kayang sabihin ni felix sa akin. Bakit niya nagawa 'to. Girlfriend nya 'ko pero bakit hindi nya kayang sabihin sa akin mga problema nya.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomanceUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
