CHAPTER 13

184 29 1
                                        

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag ngiti. hawak-hawak nya ang aking kamay at tahimik lang na nakaupo.hindi ko lubos akalain na magiging ganito ako kasaya sa araw na ito. hindi man natuloy ang plano ko na surpresahin siya masaya pa rin ako na naging masaya ang araw na ito.

pasado alas nuwebe na ng gabi at magkasama pa rin kaming dalawa. parang ayoko ng mahiwalay sa kanya. hindi padin kase ako makapaniwala na nobyo ko na sya. dati pangarap ko lang ito at ngayon ay nangyari na.

"Happy Birthday ulit."muling bati ko sa kanya.humarap sya sa akin at ngumiti.

kung hindi lang tumawag si mama kung nasaan na ako ay wala pa akong balak umuwi pero dahil sa nag aalala na sila at masyado ng malalim ang gabi napagdisesyunan ko ng umuwi. hinatid ako ni felix sa amin pero hanggang sa kanto lang sya. Ayoko munang makita syanni mama kase kung mangyari 'yun ay gulo lang kahahantungan nito.

"salamat sa paghatid."

"walang anuman.sige na baka hinahanap kana."

kinaway ko ang kamay ko at tuluyan ng tinahak ang daan papunta sa amin. nakangiti akong naglalakad. kung may tao mang nakatingin sa akin baka isipin na nito na nasisiraan na ako ng bait. hindi nyo naman ako masisisi, masaya lang ako sa mga nangyari.

pagpasok ko sa loob ay bumungad kaagad sa akin si papa. binalot ako ng kaba. hindi ko alam kung ano ang paliwanag na sasabihin ko sa kanya. ito ang kauna unahang ginabi na ako ng uwi at si papa pa ang naabutan kong naghihintay sa akin

"ah,ahm,p-pa?"kabado kong sabi

napayuko nalang ako sa mga titig nya.hindi ko pa nakitang ganito si papa,ngayon pa lamang. sino pa naman ang matutuwa sa ginawa ko.ka babae kong tao tapos uuwi ako ng di oras ng gabi.

"sorry pa."mahina kong sambit

"umakyat kana sa kwarto mo."mahina pero puro ng awtoridad ng sinabi.

Marahan akong tumango. Nakayuko at dahan-dahang pumanhik sa aking silid.pagpasok ko ay agad kong nilapag ang gamit ko at mabilis na nagpalit ng damit pantulog.

Humiga ako sa kama at saktong pagpatay ko ng ilaw tumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan kung sino ang tumatawag ay agad na napawi ang lungkot ko dahil sa reaksyon ng mukha ni papa kanina.

"hello?"bati ko sa kanya

"okay ka lang ba?pinagalitan ka?"tanong nya

"hindi naman,pero parang galit si papa."

nag usap lang kami saglit at agad ding nagpaalam sa isa't isa. nakangiti akong natulog. Pag gising ko ay agad kong tinignan ang cellphone ko at bumungad kaagad sa akin ang pangalan ni felix.napangiti ako matapos basahin ang mensaheng pinadala nya.

Pagdating ko sa classroom ay nandoon na si flaire. Masaya akong lumapit sa kanya.

"goodmorning"bati ko na agad nyang ikinalingon.

"good morning din."

Hindi na kami nakapag usap ni flaire dahil dumating na ang prof. namin. mas pinili ko nalang manahimik at makinig sa sinasabi  ng aming prof.

inspired ata ako ngayon dahil sa loob ng tatlong oras ay nagawa kong makinig ng maayos at lahat ng mga sinabi nya ay tumatak talaga sa akin isipan. ganun talaga siguro kapag masaya ka at may inspirasyon. hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti sa tuwing naaalala ko 'yong mga kaganapang nangyari kagabi. hanggang ngayon ay presko pa rin sa utak ko ang mga nangyari at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

I checked my instagram account at madaming post ang nakikita ko galing sa mga kaibigan ko.they're happy celebrating christmas.  Isa kase akong INC kaya hindi kami nagdiriwang ng pasko pero masaya pa rin naman ang araw na ito para sa akin dahil pumupunta kami sa mga relatives naming catholic kaya naienjoy ko padin.

At nung araw ng bagong taon ay masaya kaming nagdiwang. exactly 12:00 AM in the morning I received a text from felix. sayang lang at hindi kami magkasama pero masaya pa rin ako.Masaya akong sinalubong ang bagong taon.

lumipas ang mga araw,linggo at buwan. naging abala ako sa klase. nakakapag usap padin naman kami ni felix pero hindi kami masyadong nagkikita dahil pareho kaming abala sa pag-aaral. magpa-final exam na kase at second year na  ako kong papasa.

malaki naman tiwala ko sa sarili ko na papasa ako.ginawa ko naman kasi lahat ng makakaya ko para maging maayos at mabuti lahat ng grades ko. ayokong madismaya sila mama at papa kaya lahat gagawin ko para mas maging proud sila sa akin. and about naman sa amin ni felix si mama palang ang nakakaalam. hindi ko pa nasasabi kay papa dahil ang sabi ni mama sya na daw ang bahala. kaya sa tuwing nag uusap kami ni papa ay kinakabahan ako. naguiguilty kase ako na hindi ko sinabi sa kanya 'yong tungkol sa amin ni felix.minsan nga ay inaasar nila ako sa bahay na may boyfriend na ako napapangiti nalang ako at agad na tatahimik kapag si papa na ang nagsasalita. Sinasabi ni papa na gusto niya na kapag may manliligaw daw ako ay sabihin ko sa kanya para makilala nya at malaman nyang seryuso ito. at ang sabi pa nya ay ayaw nyang bigla na lang ako may ipapakilalang boyfriend. kaya natakot din akong sabihin sa kanya bigla na may boyfriend na ako at felix 'yon.

binuksan ko ang laptop ko at agad na nagsimulang gumawa ng activity. hindi ko alam pero nasasanay na ako na gumagawa ng activity kahit na matagal pa ang pasahan. siguro gusto ko lang na wala ng problemahin at hindi matakbakan ng gawain. Ang hirap kase kapag kung kailan pasahan doon ka gagawa. nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nung biglang may kumatok sa pinto at may pumasok hindi ko ito pinansin. dahil alam kong si mama lang 'yon o kapatid ko. ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"abala ang future accountant namin?"natigilan ako nung marinig ang boses na 'yon. gulat akong tumingin kay papa at nakita kong nakangiti sya at biglang may inilapag na gatas at cookies sa mesa ko.hindi ko akalain na sya pala. Ang akala ko ay si mama.

"gumagawa lang po ng mga activity pa"sagot ko

ginulo nya ang buhok at mahinang tumawa. "inumin at kainin mo muna 'to para naman ganahan ka.ako naghanda nyan."nakangiti nyang sinabi at agad naman akong tumango

"thank you papa"

kalaunan ay nagpaalam nadin si papa na aalis na at magpapahinga na daw. habang tinatapos ang nasimulan kong gawain ay kinakain ko ang dala ni papa. Ang sweet ng papa ko sa totoo lang pero minsan kasi ay hindi maipagkakailang strikto ito. pero, mahal na mahal ko 'yon kahit na hanggang ngayon ay hindi ko padin maunawaan kung bakit hindi niya gusto si felix. siguro kung okay si felix sa kanya matagal ko na siguro nasabi ang tungkol sa amin.

Maaga akong nagising kahit na wala naman akong pasok ngayon. siguro ay excited lang ako dahil ang araw na ito ay napaka espesyal para sa akin. today is our 5th monthsary!akalain mo 'yun limang buwan na kaming magkasama. at limang buwan na din akong naglilihim kay papa. odiba ang bait mong bata biya napakabait.

pagbangon ko ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo. mamaya pa naman ang alis ko pero gusto ko lang talagang maligo ng maaga. natutuwa na nga sa akin sina mama dahil simula nung naging college na ako natuto na akong gumising ng maaga a hindi na palaging late.

after kong maligo ay mag ayos ay agad akong nagtungo sa baba. nadatnan kong nagtitiktok ang kapatid ko. "Aga pa tiktok agad?"bungad ko sa kanya pero irap lang ang sagot nya kaya tinawanan ko nalang. nagtungo ako sa kusina noong maramdaman ng kumakalam na ang sikmura ko. saktong pagpasok ko ay amoy na amoy ko kaagad ang nilulutong almusal ni mama.

pagkatapos ng almusal ay tumambay lang ako sa may salas at natatawa na nakatingin sa kapatid ko na walang pagod sa kakasayaw ng isa sa mga sikat na sayaw sa tiktok. hindi ko alam kung nakailang ulit na sya para lang ma perfect 'yong sayaw.

saktong alas diyes ng umaga ay nag handa na ako para makaalis ako ng 10:30 at hindi na pag hintayin si felix.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon