Today is my first day as a second year college student. accounting is difficult to be honest. In my 1st year nahirapan ako sa totoo lang but if you love your course makakaya mo.
May mga nagbago sa schedule ko hindi kagaya nung first year na halos lahat ng subject ay kasama ko si flaire. sa ngayon ay may tatlong subject nalan kami na magkasama. ewan ko ba kung bakit.
after my class ay nagtext agad si flaire na naghihintay na sya sa labas. nag madali naman akong pumunta kung nasaan siya. hindi nagtagal ay nakarating din ako. hindi namin napag usapan na pupunta kaming Mendiola. nagulat nalang ako na doon ang punta naman. ayokong itanggi na gusto kong pumunta doon dahil alam ko na kapag pumunta ako doon ay makikita ko si felix.
ilang buwan kaming hindi nagkita kaya nananabik na akong makita sya. kahit na hindi siya nagpaparamdam at madalang lang tumawag ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pananabik na makita at mayakap sya.
pagdating namin ng Mendiola ay nakita ko agad sina drew na nakatayo sa labas ng jollibee. iginala ko ang paningin ko at nagbabakasakali na makita ang taong gusto kong makita pero nabigo ako.hanggang sa natapos na kaming kumain at nung pabalik na ng NTC ay wala pa ding felix ang nagpakita.
"Hindi ba nag text?"lumingon ako sa flaire at malungkot na umiling.
hindi ko alam kung anong problema,hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpaparamdam.
kinabukasan ay maaga akong bumangon para maghanda sa pagpasok. Pagkalabas ko ng bahay ay malayo palang natanaw ko na ang pamilyar na sasakyan. Bigla akong napangiti nung iniluwa nito ang lalaking miss na miss ko na. patakbo akong nagtungo sa kanya at agad na yumakap. hindi ko mapigilang hindi maiyak sa pananabik.
"Shhhh, sorry na!I'm here na babe,I love you"malambing nyang bulong. bumitaw ako sa pagkayakap at agad na humarap sa kanya. I miss him so much. hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na sya ngayon.
habang nasa byahe ay kinukulit ko sya at pilit na tinanong kung bakit hindi man lang sya nag text. ang tanging sinagot nya lang ay busy. kalaunan ay tumigil na din ako. huminto ang sasakyan at agad ko itong ikinagulat pero hindi din nag react. inabot nya sa akin ang pagkain at agad ko naman itong kinain.
"Sunduin kita dito mamaya.sabay tayong mag lunch"nakangiti nyang saad at tango lamang ang naging tugon ko.
habang naglalakad papunta sa building namin ay biglang may humawak sa balikat ko. gulat akong lumingon sa taong 'yon. tinitigan ko sya
"Panyo mo nahulog"seryuso nyang banggit at agad ding tumalikod.
ilang beses ko na bang nakita ang lalaking 'yun? habang naglalakad ay naaalala ko kung saan ko sya nakita.
oo siya 'yong lalaki sa batangas ang kuya nung bata at naging kaklase ko sya sa isang subject last year. kaya pala mukhang pamilyar sya..
"Bakit?lalim ng iniisip mo"biglang tanong ni felix. Sinundo nya ako sa NTC nung nag text ako na tapos na ang klase ko
"Wala 'to may naalala lang"alibi ko. Pero ang totoo ay iniisip ko ang mga nangyari kanina sa classroom
Bakit sa tuwing nahuhulog ang panyo ko sya ang nakapulot?at bakit siya ang kapares ko sa activity na pinapagawa?
Napuno tuloy ang asaran ang buong silid nung biglang tinawag ng professor namin ang pangalan nya at pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit nila kami inaasar lalo na ng mga barkada nya.
"Babe?uyy" tawag nya at biglang ihininto ang sasakyan.
Humarap ako sa kanya na walang ekspresyon sa mukha
"Kanina pa kita tinatawag but you're occupied. Are you sure you're okay?"may halong pagkairita sa boses nya
"Okay lang, sorry!" Nakayuko kong sagot
Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.
"Wala ka ng pasok?"tanong nya na agad kong ikinatango
"Ikaw?"tanong ko
"Wala din, may pupuntahan tayo"nakangiti nyang saad "but first bibili muna tayong pagkain.
Habang nagmamaneho sya ay kumakain ako ng pagkain ko. Sinubuan ko sya burger dahil alam ko gutom na din sya.
"Water or juice?"I ask
"Water"sagot nya
Hindi ko namalayan nakatulog ako. Nagising na lang ako nung maramdaman may tumatapik sa akin.
Kinusot ko ang mata ko at agad na tinignan si felix. Patapos ay iginala ko ang paningin ko sa labas.
Madilim na at nasa harapan kami ng isang restaurant.
P8nagbuksan nya ako ng pinto at agad na inabot ang kamay ko. Hawak kamay kaming papasok sa loob.
Sya na ang nag order ng kakainin namin. I just took some pictures while waiting to our foods. Nag selfie din ako kasama sya.
After we eat we go back to his car. I thought we were go home na pero iba ang daang tinatahak ng sasakyan.
Madilim na nung marating namin 'yung lugar na 'to
Parang nasa taas ng burol. Kita sa baba ang mga naggagandahang ilaw ng mga bahay at iba't ibang gusali. Masarap at presko ang simoy ng hangin.
Perfect place for a couple.
Nakangiti akong bumaba sa sasakyan at kumuha ng litrato sa paligid.
Lumapit ako felix na ngayon ay nakasandal sa harap ng sasakyan may hawak siyang dalawang milk tea at chips.
"Ang ganda no?"
"Sobra"sagot nya.
Tumingin ako sa kanya na tahimik na pinagmamasdan ang kapaligiran
"Are you okay?"I suddenly ask
Bumuntong hininga sya "honestly I don't know, Remember I went abroad?"
Tumango ako at tahimik na nakinig pero ang mata ay nakatingin sa mga naggagandahang ilaw sa paligid
"My grandpa asked me if I have a girlfriend "panimula nya na agad kong ikinaharap sa kanya
"I said yes. Ang saya nila lalo na si papa pero si mama? She said she need to meet my girlfriend first bago siya maging masaya"
Masaya akong malaman na masaya ang papa nya pero napawi bigla 'yong ngiti ko nung marinig ang sabi ng mama nya sa kanya
"She want to meet you"
Mabilis na kumakabog ang dibdib ko nung marinig 'yon masaya akong malaman na gusto akong makita ng mama nya pero natatakot na baka kapag nalaman nyang ako ang girlfriend ng anak nya ay paghihiwalayin nya kami.
"Nandito ako! Kaya kapag handa ka na sabihin mo agad sa akin. I know mama well like you."
Sana nga kung dumating 'yung araw na malaman ng mama nya na ako ang girlfriend ng anak nya ay matatanggap nya ako.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomanceUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
