nagulat ako nang bigla nya akong niyakap ng mahigpit. yakap na biglang nangparamdam sa akin ang kakaibing saya. yakap na parang ngayon ko lang nadama...
Kumalas sya sa pagkakayap at biglang napakamot ng ulo.samantalang napayuko nalang ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bigla akong nahiya sa kanya at para bang namumula ang mukha ko sa hiya kaya bigla akong napahawak dito.
Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad. Ang awkward nga e.. ni isa sa amin ay walang may sumubok na magsalita, ang tanging maririnig lang ay ang ingay ng mga batang tambay sa kalsada gano'n din ang ingay ng mga sasakyan.
"Dito na 'ko"sa wakas ay nakapag salita din ako.
Ngumiti sya "una na din ako."at agad na tumalikod.. nagsimula na syang maglakad muli. Papasok na sana ako sa loob ngunit muli akong napalingon sa kanya
"Charles Ivan!"sigaw ko at agad naman syang lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kanya at "Thank you!see you tomorrow."sigaw ko. Ngumiti naman sya at tumango..
Pumasok ako sa loob at agad na inilapag ang bag ko sa upuan. Dumiretso ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo at tumungo ako sa kwarto at kinuha ang isang maliit na kahon sa ilalim ng kama.
Isang brown na kahon. May nakataling pulang ribbon at sa itaas ay may nakasulat na F&V♡. Aaminin ko nanghihinayang ako pero ngayon tanggap ko na.
Nakangiti ako habang binuksan ang kahon. Hindi ko ipagkakailang may pait sa ngiting 'yon.
"Maybe it's the time to let you go. You're happy right now and I'm happy for you. I think it's also the time to make my self happy."
"I'm lucky to be a part of your life. I guess we're not for each other. Masaya akong nasabi ko sayo na mahal kita, na naging akin ka. One year with you is one of the best memories."
I wiped my tears and smile. No more sadness, No more heartache.
Matapos kong sinugin ang kahon na puno ng mga alaala namin ni felix ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Wala nang dahil para itago ko pa ang mga bagay na 'yon. Dahil Alam ko na wala ng dahilan para magkabalikan kami. Wala na ding dahilan para itago ko pa ang mga bagay na 'yon.
Tumalon ako sa kama ko at agad na kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang ang ig account ko.
Napangiti ako nang makitang nag post si Ivan ng picture ko.
This past few days napapansin ko nagiging active si Ivan sa social media account.
Binisita ko ang Account nya at nakita ko ang mga magagandang kuha niya. Napakatalented nya!ang swerte nang babaeng mamahalin nya. Actually may mahal na sya, ang swerte ng babaeng mahal nya, kaya sana makita ng babaeng 'yon 'yung worth ni Ivan.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo.
Paglabas ko ng apartment at nagulat ako nang makita ko si Ivan sa labas at naghihintay sa akin.
Nagtataka ko syang tinignan na agad niyang ikinangisi. Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Anong?anong ginagawa mo dito?"tanong ko, kibit balikat lang ang sagot nya kaya agad akong umirap.
"Sana dumiretso kana sa school, ang layo kaya ng bahay mo dito sa place ko."
Tumingin sya sa akin "paano mo nasabi?"tanong nya.
"Sabi mo sakin."sagot ko. Sabi nya kase nakatira sya sa Cubao
Tumawa sya at nagsimula ng maglakad
Hinabol ko sya at pilit na kinukulit kung bakit nya ako sinundo.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
DragosteUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
