CHAPTER 15

182 26 1
                                        

"Kamusta school?"Agad nyang tanong at humalik sa pisngi ko.

ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang.pero,okay nga ba? hindi ko rin alam kung ayos ba pero kase..ramdam ko na 'yung hirap at pagod. 'yung akala mo ay madali lang,na kaya mo at malakas loob mo na makakaya mo.pero,pero kapag nandoon ka na sa point na 'yun masasabi mo na na lang bigla na kaya ko ba talaga?ewan ang gulo.

gusto ko 'tong ginagawa ko pero minsan nakakapagod din at kailangan din ng pahinga. siguro sa ngayon isantabi ko muna 'to. college is not easy but i know and i promise kakayanin ko!

"sana all may sundo"singit ni flaire na agad kung ikinangisi.

"hai attorney"bati nya kay felix. dahil sa kaingayan ni flaire kung bakit hindi daw namin sya sinama sa batangas ay isinama namin sa mendiola.

alam ko din at alam din ni felix na isang tao lang ang makakapag tahimik sa kanya.

tatanggi pa sana sya pero wala syang choice dahil nahila ko na sya pasakay ng sasakyan.

"taray may pa kotse.pwede natin 'to lakarin bhie"komento nya pero walang pumapansin sa kanya.

pagdating namin sa mendiola ay dumiretso na kami sa paborito naming kainan at pagpasok namin doon ay nandoon na ang barkada. ang maingay na si flaire ay biglang tumahimik. hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni drew. hindi ko alam kung may improvement na ba o wala pa.

hapon nung sinundo ulit ako ni felix sa ntc para ihatid sa bahay. gusto niya na kapag may oras siya ay sya ang maghahatid sa akin. hindi naman ako umaangal dahil gusto ko din naman sya makasama.

"thank you"

Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. masyado na akong naging abala ganun din si felix. pero kahit na pareho kaming abala ay hindi padin nawawala 'yung oras namin para sa isa't isa. nung sixth monthsary namin ay kumain lang kami sa labas.

makasama ko lang sya ay masaya na ako. at nung seventh monthsary namin ay hindi kami nakapag celebrate together cause we're both busy nalungkot ako pero alam ko may susunod pa naman. kailangan naming unahin ang pag aarala namin. kaya nung last monthsary namin ay bumawi sya. we go to tagaytay.

muntik na akong mahuli ni papa nung mga oras na 'yun dahil nung paghatid sa akin ni felix ay nasa labas si papa buti nalang hindi nya nakitang felix ang kasama ko. hindi ko alam ang sasabihin ko nung gabing 'yon buti nalang at andon si mama para ibahin ang usapan.

"Babe?"

"Hmm?"hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil abala ako sa pagbabalanse. isang oras na ako dito at naka limang 10 column journal na pero hindi ko parin mabalance. hindi ko magets kung ano bang mali at kulang. naiinis na ako dahil kung kailan patapos na ang klase saka pa kami binigyan ng ganito ka komplikadong gawain.

nagulat ako nung biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. ipinikit ko ang mata ko at iwinaksi ang inis na nararamdaman dahil sa accounting na 'to. humarap ako kay felix na ngayon ay nakangiti sa akin. kung wala sya siguro ay nasiraan na ako ng bait. every time na hiap at stress na ako he's always here to make me laugh. lagi siyang nasa tabi ko para pangitiin ako at iparamdam na kaya ko.

"I love you"he said and kiss my forehead

"I love you too" sagot ko at humiwalay na sa kanya at muling ibinaling ang atensyon sa papel ko. and after an hour nakuha ko ang sagot na kanina ko pa hinahanap

"yakap ko lang pala ang kailangan para mabalance mo e."mayabang nyang sambit. umerap ako at hinampas sya sa balikat

"excuse me?pinaghirapan kong makuha 'to no at hindi dahil sa yakap mo."maarte kong sagot at agad na iniligpit ang gamit ko.

"o sige na balik na 'ko. maya nalang ulit ah bye"humalik ako sa pisngi nya at agad na tumakbo pabalik ng NTC. natatawa ako habang papalayo dahil sa nakasimangot niyang mukha.

Mabilis ang takbo ng oras at ang paglipat ng araw sa kalendaryo at monthsary na ulit namin bukas pero naiinis ako kay felix dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. every time text him hindi siya nagrereply at pag tinatawagan ko naman he always said his busy. naiinis na ako hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may iba na sya at ayaw na nya sa akin. I hate this feeling.

nakasimangot kong isinara ang laptop ko at tahimik na bumaba para mag tanghalian. walang pasok ngayon kaya nagkulong lang ako sa kwarto wala naman akong ibang pupuntahan. ang mga kaibigan ko ay busy.pagbaba ko ay naghahain na ng pagkain si mama. tumulong nalang ako sa kanya para naman may ambag ako.

pagkatapos kumain ay ako na ang naghuhugas ng pinggan. wala akong gagawin mag hapon kaya naisipan kong manood na lang ng kdrama. kumuha ako ng snacks at dinala sa kwarto ko. habang nanonood ko ay biglang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin. nag focus ako sa pinapanood ko. hindi ko alam kung bakit naiiyak ako pero naaawa ako sa bida.

dahil sa ayoko ng manood ay inilipat ko nalang sa youtube at nakinig ng kanta. kalaunan ay nagtataka ako sa music na naririnig ko. blackpink ang pinapakinggan ko pero bakit nag iba 'yung kanta? Napangiti ko nang malaman kung anong kanta ang naririnig ko. fifth monthsary namin ni felix nung marinig ko ang kantang 'yan at simula nung araw na 'yon ay palagi ko ng pinapanggin 'to.

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko nung maalala na hindi pala ako pinapansin ng boyfriend ko. padabog akong bumangon sa kinahihiligan ko at agad na pinatay ang music.

nakatulugan ko na ang paghihintay sa tawag ni felix. matamlay akong pumasok. hindi ko alam kung bakit pumasok pa 'ko dapat kase hindi nalang. gusto kong matulog nalang sa araw na 'to!ayokong makita si felix. pero,may balak ba syang magpakita? ni isang text nga wala magpakita pa kaya?

Nung tanghali na ay niyaya ako ni flaire na pumunta ng mendiola pero tumanggi ako. alam ko kaseng makikita ko si felix doon. ayoko siyang makita!

Nagmadali akong umalis at tumungo sa canteen pero biglang may pumiring sa akin at agad tinakpan ang bunganga ko para hindi makagawa ng ingay.kalaunan ay biglang akong dinalaw ng antok at hindi na alam kung anong mangyayari sa akin sa araw na 'to.

nagising ako ng may nakapiring parin. kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung nasaang lugar ako at kung sino ang taong dumukot sa akin. wala silang makukuha sa akin kaya bakit ako?bakit?

"Tulonggg,tulungan nyo 'ko"sigaw ko. gusto kong magwala,gusto ko magsalita ng masasamang salita pero hindi ko nagawa."pakawalan nyo 'ko please"umiiyak kong pagmamakaawa. Ama wag nyo po akong pababayaan.

lumipas ang ilang minuto at nararamdaman kung may papalapit. nag sitayuan ang balahibo ko dahil sa takot. ngayon ko lang naranasan 'to sa tanang buhay ko. ang akala ko ay sasaktan ako,ang akala ko ay katapusan ko na ngunit iba ang nangyari.ang akala kong nangyayari ay kabaliktaran ng iniisip ko. paglapit sa akin ng taong hindi ko alam kung sino ay akala ko malalagutan na ako ng hininga ngunit

"sorry babe"biglang nawala 'yong takot ko at napalitan ito ng inis ngunit may halong tuwa. ramdam ko ang pagpunta nya sa may likuran ko at biglang tinanggal ang piring sa mga mata ko.

I never expect this to happen. ang akala ko kase ay walang celebration na magaganap dahil hindi naman siya nagpaparamdam!akala ko ay marami siyang ginagawa at abala ngunit akala ko lang pala iyon. nilibot ko ang paningin ko sa paligid. nasa isang garden kami.hindi ko alam kung saan 'to pero ang ganda ang paligid. tinignan ko ang paanan ko nung mapansing parang may kakaiba dito at saka ko nakita ang hugis pusong petals ng mga bulaklak. sa loob ng hugis puso ay doon kami nakatayo. lumingon ako kay felix,nakangiti siyang nakatingin sa akin......

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon