CHAPTER 12

193 29 0
                                        

Another day passed and and now it's december. next week is felix's birthday. kaya ngayon ay sasabihin ko na kay flaire ang plano ko. nasabi ko na sa mga kaibigan ko ang tungkol dito at kinausap ko sila kung pwede ba sila ngayon and thanks to god dahil free time nila ngayon at matutulungan nila ako. I want his birthday to be memorable!gusto na masasabi niyang ito ang pinakamasayang birthday niya. I want him to be happy sa araw ng kaarawan niya at gusto ko sa araw na iyon ay masasabi ko na 'yung sagot na matagal na niyang hinihintay. after my class ay tinawagan ko si flaire na magkita kami sa labas. hindi kase kami magkapareho ng schedule ngayon kaya hindi kami magkasama. saktong paglabas ko ng classroom ay nakita kong naghihintay na si flaire sa labas. ngumiti ako sa kanya.

"Ano bang sasabihin mo ghorl?" agad nyang tanong sa akin.

"next week na ang birthday ni feli!I want to surprise him." sagot ko na agad niyang kinatuwa. umiwas ako dahil alam kong hahampasin niya ako pero nahuli na ako ng pag iwas dahil mabilis niyang nahampas ang braso ko.

"Masakit ah, kalma ka muna."Sabi ko at agad naman niyang sinunod.

sinabi ko muna kay flaire na pupunta kaming recto dahil nandoon ang mga kaibigan ko. hindi naman sya umangal at agad namang sumama a akin. gusto ko kase sa araw kung kailan ko sasagutin si felix ay andoon lahat ng kaibigan ko, at kung wala man sila ay gusto ko na alam nila at naging parte sila ng paghahanda.

sumakay kami dahil matatagalan kami kung maglalakad kami.

mabilis kaming nakarating sa ever. pagpasok namin ay nandoon na't naghihintay sina Isla,Chloe at Sandra. hindi nakasama si kathy dahil may pasok sya.

niyakap ko sila isa-isa. ang tagal na din simula nung huling kita namin at hindi kami masyadong nag uusap dahil busy sila.

nilingon ko si Flaire na tahimik lang at nagcecellphone. lumapit ako sa kanya at umakbay. ngitian ko sya dahil alam kong na a-out of place siya. gusto ko syang ipakilala sa mga kaibigan ko. alam ko kaseng magkakasundo sila dahil pareho lang din silang mga takas sa mental.

"Guys!si flaire nga pala, siya 'yong palagi kong kasama sa school."pagpapakilala ko sa kanya sa mga kaibigan ko. ngumiti sya sa kanila at ganun din naman ang mga kaibigan ko. hinayaan ko muna silang mag usap.

kinuha ko ang phone sa bulsa ng bag ko at tinignan kong may message ba galing kay feli. sabi nya kase sa wala sya sa manila ngayon. hindi ko rin naman alam kung saan siya pupunta. bigo kong tinago ang cellphone ko nung malamang walang kahit isang mensahe galing sa kanya. ang last text nya sa akin ay nung sinabi niyang wala sya sa manila at hindi na nagparamdam pa. I think he's busy kaya wala naman sigurong rason para magalit o malungkot ako.

Lahat ng manyayare ay palanado na namin. nung sinabi ko sa kanila ang mga plano ko at tuwang-tuwa sila lalo na si flaire. Kahit din naman ay natutuwa.

bukas na ang birthday ni felix. hindi naman namin alam kung may party bang hinanda ang parents nya. pero sa aming magkakaibigan ay kakain lang siguro kami sa labas dahil may pasok din bukas. Hindi alam ni felix na may hinanda kami para sa kanya ang tanging alam nya lang ay lalabas lang kami. excited na ako sa mangyayare at hindi na makapag hintay.

kinabukasan ay maaga akong nagising. hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako. 12:00 am na kase ako natulog dahil gusto ko na ako ang unang babati sa kanya. nag usap lang kami magdamag. hindi ko nga din namalayan na nakatulog na ako.

nag ayos na ako para pumasok sa school. may quiz pa kase kami. hindi ko alam kung paano ko sya masa sagutan ng maayos dahil hindi naman ako nakapag review.

after class ay agad kaming pumunta sa Mendiola. nilakad lang namin ni flaire papunta doon. habang naglalakad ay panay ang tanong niya sa akin kung ready na daw ba ako. at paulit-ulit ko ding sinasabi sa kanya na oo.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon