CHAPTER 27

184 21 0
                                        

Its been a month simula nu'ng kinulit ako ni Charles. siguro nga nataohan na sya at tinigilan na ako. baka napansin nyang wala akong panahon para makipagbiruan at makipagkulitan sa kanya.

This past few days nagfocus lang ako sa pag aaral ko. pinipilit kong kalimutan 'yung taong nanakit sa akin. pero minsan bigla ko nalang syang naaalala at iiyak na naman ako. ewan ko ba, bakit ako nagkakaganito. sinusubukan ko naman pero minsan hindi ko talaga macontrol ang emosyon ko.

pagpasok ko sa classroom ay nakita ko kaagad si charles na nakaupo sa upuan nya at hawak-hawak ang camera nya. hindi ko sya pinansin at umupo nalang sa upuan ko.

"Nakapag review ka?"tanong ni flaire

"syempre te"sagot ko at biglang tumawa

hindi ko na naman alam kung anong ginawa ng babaeng 'to. siguro ay nagparty na naman kagabi.

after exam ay nagpaalam na ako kay flaire na aalis. simula nu'ng naghiwalay kami ni felix hindi na ako masyadong sumasama sa kanila ng mga kaibigan nya. oo kaibigan ko din sila pero kase hindi pa ako handa na humarap sa kanila. baka bigla nalang ulit kase akong manghina.

umupo ako sa bench at kinuha ang cellphone ko. nag browse ako sa instagram account ko at hindi ko inexpect na may makikita ako.

"nagkatuluyan talaga sila?"

ipinahid ko ang luha ko, siguro sapat na 'tong mga litrato para huwag ng umasang may second chance pa. ako naman ang nakipaghiwalay, ako naman ang nagsabing tama.

hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si charles nagulat nalang ako nung pinunasan nya ang mga luha kong walang tigil sa pag agos.

"Tama na, hindi mo deserve masaktan ng ganya. wag mong hayaang maging ganyan ka nalang."

"andito lang ako para sayo, kahit na ilang beses mo akong ipagtaboy, palagi akong suuslpot sa twing kinakailangan mo." pagpapatuloy nya

Natatakot ako, natatakot ako na baka kapag tinanggap ko sya sa buhay ko ay masasaktan lang din ako kagaya ng nangyayare sa akin ngayon.

"salamat"sagot ko

"sige iiyak mo lang, ilabas mo lahat ng hinanakit mo nandito ako, handa akong makinig sayo"

matapos marinig 'yun sa kanya ay napahagulgol ako sa iyak.

"Ang hirap tanggapin, ang sakit-sakit dito oh."turo ko sa dibdib ko.

"ginawa ko ang best ko to be a good girl friend, pero bakit gano'n?bakit? mahal ko sya, mahal na mahal pero bakit ang dali lang sa kanyang iwanan ako?oo ako ang nagdisesyong maghiwalay kami pero bakit ang dali lang sa kanyang mag move on?hindi ko naman sya hihiwalayan kung hindi nya 'ko niloko."

"sabi nya mag aarla sya sa ibang bansa pero hindi pala, sabi nya ako lang mahal nya tapos makikita ko syang may kahalikang iba?ganu'n lang ba kadaling gawin 'yun?"

"ganu'n ba talaga kayong mga lalaki?"

humarap sya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tumingin sa mga mata ko.

hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga tingin nya. galit ba sya?nagalit ba sya sa sinabi ko?

"Via, hindi lahat ng lalaki ay manloloko, oo isguro karamihan sa amin kagaya nung ex mo pero iba naman ako sa kanya. kaya kung ako may girlfriend at magkalayo kami hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasia naming dalawa." sagot nya at biglang ibinaling ang tingin sa kalangitan.

"sorry, nadala lang ng emosyon"

"you don't need to say sorry, alam kong nasasaktan ka padin kaya natural lang na masabi mo 'yun and i understand."nakangiti nyang sagot

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon