EPILOGUE

553 21 7
                                        

This is the last part of FINDING YOU IN MENDIOLA thank you for your support.. I'm not yet ready to say goodbye to Via,Ivan and Felix pero ito na e, nasa dulo na tayo. Thank you for supporting me! Thank you for loving Via,Ivan And Felix. Thank you sa bff kong si Via Vianca na pumayag na gamitin ko ang pangalan nya hehe labyu biya my future CPA. See you sa series 2 my euphoric! Mwah!

____________________________________________________________

"Ma naka pasa ako sa Scholarship, hindi na kayo mahihirapan para sa tuition fee ko."masaya kong balita kina mama at papa

"Buti naman nak!basta kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa amin ng papa mo lahat gagawin namin para sayo."

Ako si Charles Ivan Mendoza, simple ang buhay namin. Hindi kami mayaman. Akala ko nga ay hindi ako makakapag aral ng college dahil kapus kami sa pera buti nalang at nakakuha ako ng scholarship at maitutuloy ko na ang pangarap ko. Buti nalang din dahil binigay sa akin ng namayapa kong lolo ang dslr camera nya. Malaking tulong 'to sa akin.

Namana ko sa lolo ko ang galing sa photography. Sa twing walang pasok nagiging sideline ko ang pagiging photographer.

Nakasakay ako sa jeep, huminto ito nang sumakay ang isang babae. Parehas kami ng college na papasukan base sa uniform nya.

Sabay kaming bumaba, napansin kong nahulog nya ang panyo nya kaya hinabol ko sya. "Miss nahulog mo."at agad kong inabot ito sa kanya.

Hindi ko inaakalang makakasalubong ko sa footbridge and babaeng nakasabay ko sa jeep. Hindi ko alam kung anong nangyayare pero bigla ko nalang naramdaman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Never pa akong nagka girlfriend dahil wala pa sa plano ko 'yun. At hindi ko pa naranasan ang ma In love.

Lumipas ang araw. Napapansin ko na napapadalas ang paghihintay ko sa babaeng 'yon. Ang lakas ata ng tama ko sa kanya dahil palagi kong pinagdadasal na sana ay makita ko sya.

Isang araw nalaman ko na blockmates pala kami, ang saya kase nalaman kong Via Vianca pala ang palangan nya. Ang ganda! Kasing ganda nya.

Habang naglalakad ako nakita ko si Via at may kasama syang lalaki. May boyfriend na pala sya. Masakit para sa akin pero hinayaan ko nalang.

"Wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero nahahalata kong may gusto ka sa kaibigan ko."rinig kong bulong mula sa likuran ko.

Nagulat ako nang makita ko si Flaire ang kaibigan ni Via.
Napanggap ako na parang walang marinig. "Hindi mo ako maloloko Mendoza alam ko 'yang ganyan. Naranasan ko na din 'yan."muli nyang saad

"I don't know why I like her."

"There's no reason why you like or love someone. Dahil bigla mo nalang itong nararamdaman. Don't worry hindi ko sasabihin, I will just pretend na wala akong alam. Bye"

Hinayaan ko ang sarili kong gustuhin sya. Hinayaan ko ang sarili kong mahalin sya mula sa malayo. Gano'n naman talaga, hindi lahat ng babaeng gusto mo ay mapapasayo.

Isang taon ko silang pinagmamasdan. They look good together. Nakikita kong masaya si Via sa kanya kaya magiging masaya ako para sa kanila.

I thought they were destined for each other but I was wrong. I saw Via crying, I want to be with her. I want her to stop crying, gusto kong punasan ang mga luha nya pero hindi ko ginawa.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon