Napahinto ako nung may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa kanya, hindi ko pinansin yung mga matang nakatingin sa amin. Siguro naguguluhan na kayo kung bakit ako nagkaganito nang makita siya.
Hindi ko aakaling makita siya matapos ang dalawang taon. Dalawang taon akong nasaktan, nagtiis at higit sa lahat dalawang taon akong nagluksa.
Sinisi ko ang sarili ko dahil nakonsensya ako sa mga nangyari. Sinisi ko ang sarili ko sa aksidenteng akala ko'y ikinamatay niya. Nagalit ang mga magulang niya sa akin. Dahil sa ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala pero ang totoo ay hindi naman.
Nasaktan ako sa ginawa niyang pagpapanggap, pero nangingibabaw pa rin ang pananabik na mayakap siya.
Bakit kailangan niyang palabasing namatay siya? Alam ba ito ng magulang niya? Ginawa ba nila to para tuluyang mawala siya sa akin? Akala ko ba magkaibigan ang pamilya namin pero bakit ganito? Bakit sinisisi ako ng magulang niya sa nangyari sapagkat buhay naman talaga siya.
"Bakit?"I asked him
"I'm sorry, akala ko din mamamatay na ako pero nakaligtas ako."pagpapaliwanag niya
"Please ipaintindi mo sa akin, bakit galit sa akin ang mga magulang mo kung buhay ka naman pala."naiiyak kong sambit. "All this time...I blame myself because of what happened to you two years ago, I thought I already lost you. I always cry at night because I can't accept that you're gone, tapos ngayon makikita kita, strong and alive!"
Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko iyon. How could he hold me after what he did years ago? I wanted to shout at him, I wanted to run away and cry but my heart had been longing for him.
"Matagal ng sira ang pagkakaibigan ng pamilya natin, matagal na din akong pinapaiwas ng papa mo sayo pero sinuway ko siya. Ayokong malayo sayo kahit na ilang beses sabihin ng mga magulang ko at magulang mo na layuan ka pero hindi ko kayang gawin."
"Nung ma aksidente ako akala ko katapusan ko na. Hindi ko alam na pinalabas ng mga magulang ko na wala na ako, nasaktan ako nung malaman yun pero anong magagawa ko?magulang ko sila."
"Ang sakit felix ang sakit-sakit. Dalawang taon kong sinisi ang sarili ko pero hindi naman pala dapat."
"Sorry, via, sorry dati palang gusto na kitang puntahan, dinala nila ako sa states. I thought I can't go back here but I'm thankful na binigyan ako ng chance ng mga magulang ko na makita ka. I know labag sa loob niya pero kahit pigilan nila ako ay hindi ko iyon gagawin."
Ang daming explanation na sinabi si felix. Umiyak lang ako ng umiyak habang nagsasalita siya. Ang sakit sa akin nung mga nangyari. Yung lalaking mahal ko akala ko ay tuluyan ng kinuha sa akin pero hindi naman pala talaga.
Ang sakit-sakit pero bakit ganun? Bakit kahit ang sakit mas nangingibabaw ang pangungulila at pananabik ko. He hugged umiiyak lang ako sa mga bisig niya.
I miss his warm hug, I miss his arm around my body, I miss him so much. I can't believe na nagawa nila ang mga bagay na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/240578180-288-k441952.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomansaUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...