"Gusto mo bang bukas ay umuwi na tayong Pilipinas?"nag aalalang tanong sa akin ni flaire
"Gusto ko nang umuwi bes, pero kung gusto mo pa mag stay hanggang next week ay okay lang."Matamlay kong sagot
"Ano kaba hindi ako papayag na umalis kang mag isa. Sasama ako tsaka hindi maganda ang panahong 'to para dito."
Matamlay akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tahimik akong umiyak,iniiwasang magkaroon ng ingay para hindi mahalata ni flaire.
Mahal kita Felix James, mahal kita higit pa sa inaakala mo.
Sabi nila natural lang masaktan. Oo naniniwala ako do'n, dahil sabi ni mama kakambal ng saya ang sakit . Pero bakit parang iba 'yung sa 'kin. Bakit sobrang sakit?dahil ba sobra din 'yung saya?
Felix bakit mo 'to ginawa sa 'kin?
Nakatulugan ko na ang pag iyak. Nagising nalang ako na mabigat ang pakiramdam. Masakit ang ulo ko at ang mata. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pag tingin ko sa salamin ay mugtong-mugto ang mata ko.
peke akong ngumiti sa harap ng salamin at agad ng tumalikod. Mahirap para sa akin tanggapin na hanggang do'n nalang kami pero kailangan. desisyon ko ang maghiwalay na kami kaya dapat panindigan ko.
matapos kong maligo ay agad akong nag ayos ng gamit ko. Uuwi na kaming pilipinas. ayoko nang magtagal dito dahil sa twing naiisip ko na nasa isang lugar lang kami ay nanunumbalik sa akin ang mga nangyare kagabi.
"Ready kana?"tanong sa akin ni flaire. nakangiti akong tumango sa kanya.
nagising ako nung nakaramdam ako ng gutom. 10 hours na kaming naka upo dito. at kanina pa ako natutulog buti nga ay nakaramdam ako ng gutom siguro kung hindi ay baka tulog padin ako.
humingi ako kay flaire ng pagkain dahil alam kong kanina habang nag iikot ang mga flight attendant ay naka bili sya ng pagkain.
"Kanina ginigising kita para sana tanungin kong anong gusto mo pero ayaw mo naman kaya ayan nalang."she said
"okay na sakin 'to. thanks "
natulog ulit ako. nung nagising ako hindi ko alam kung anong oras na basta ay kinalabit ako bigla ni flaire at sinabing nasa pilipinas na kami.
kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. malapit na pala mag 3 AM.
kinabukasan ay nagligpit ako ng gamit sa kwarto ko. hindi ko sinabi kina mama ang dahilan kung bakit napaaga ang pag uwi namin ni flaire. hindi naman din sila nag tanong.
today is secong week of june. at dahil sa pasukan ay third year college na ako. I decided na kumuha ng apartment 'yung mas malapit sa NTC. ayoko namang mahiwalay kina mama pero para din naman sa akin 'to. I want to be independent. gusto ko matutung tumayo sa sarili kong mga paa.
at isa din 'to para baguhin ko ang sarili ko. ikinuha ko ang mga damit ko sa cabinet. nagtira ako ng kaunti para kapag bumisita ako dito ay may gagamitin ako.
habang nag aayos ay hindi ko inaasahang makikita ko ang isang album na nakatabi sa tabi ng laptop ko. kinuha ko 'to at binuklat. isa-isa kong tinignan ang mga masasayang litrato naming magkasama.
Ang saya-saya natin dito feli. ang saya natin, pero hindi na mauulit 'to.wala e, tinapon mo bigla ang pinagsamahan natin. hindi ko kasalanan kung bakit ganito tayo, sa totoo lang ikaw naman talaga ang mali, kung sana pinigilan mo ang sarili mo, kung sana naging loyal at faithful ka lang sa 'kin hindi naman mangyayare 'to.
isinara ako ang talaarawan at pinunasan ang mukha kong basang-basa ng luha. mahinang humihikbing itinapon ko ang album na puno ng mga masasayang litrato namin sa basurahan. wala ng rason para itago pa ang mga bagay na alam naman nating tapos na.
kinuha ko ang gitara kong nakasabit sa ding-ding.
My shattered dreams and broken heart
Are mending on the shelf
Unang lyric palang ng kanta ay tumulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit.!
I saw you holding hands standing close to someone else
I can still remember that night. You're standing close to her, you two look happy together kaya nung umalis kayo hindi ako nagdalawang isip na sundan kayo.
Makita kayong magkasama masakit na para sa akin!pero mas masakit parin 'yung makita ko kayong naghahalikan.
Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone
Kung pwede lang utusan ang puso ko na mawala na 'tong feelings ko nagawa ko na.
I'd give my best to you
Nothing for me to do
But have one last cry
Binigay ko ang lahat,binigay ko ang best ko pero wala e.
One last cry
Before I leave it all behind
I've gotta put you out of my mind, this time
Stop living a lie
I guess I'm down to one last cry
Pinunasan ko ang luha ko,hindi ko maipapangakong ito na ang huling luhang papatak sa mata ko ng dahil sa kanya. Pero sa abot na makakaya ko pipilitin kong huli na 'to.
Weeks passed at balik skwela na naman. Ilang araw na ang lumipas pero hindi paring humihilom ang sugat sa aking puso. Presko parin 'to!. Pinilit ko ding hindi na muling umiyak pero hindi ko nagawa.
Ang daming luha ang pumatak dahil sa mga nangyare. Ang daming luha ang nasayang ng dahil sa isang lalaki.
Hindi ko nga alam kung bakit patuloy parin akong nasasaktan. Baka nga ako lang ang umiiyak sa aming dalawa. Baka nga ako lang ang nasasaktan.
Tinatamad man ay pilit akong bumangon para mag handa.
Habang naglalakad ako ay naalala ko ang mga masasayang alaala namin ni felix sa daang nadadaanan ko. Bakit kase sa Apartment na kinuha ko ay madaming alaala ang bawat eskenitang nadadaanan ko.
Kung pwede ko lang walain ang mga 'to ay ginawa ko na.
Pag dating ko ng campus ay bumungad sa akin ang lugar kung saan palagi akong hinihintay ni felix.
Pinahid ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Ayoko ng umiyak e, pero hito na naman.
Umupo ako sa isang bench at tahimik na inaalala ang mga masasayang alaala namin. Mga alaalang alam kung hanggang do'n nalang at hindi na maibabalik pa.
"Ayos ka lang?"tumingala ako no'ng may biglang nagtanong
Kunot noo akong humarap sa kanya "Mukha ba akong okay?"iritado kong tanong. Ngumiti sya at may dinukot sa bulsa nya.
"Ohh." Tumingin ulit ako sa kanya, hawak nya ang isang puting panyo at inaalok ito sa 'kin.
"Ano 'yan?"tanong ko
"Basahan, syempre panyo."pilosopo nyang sagot
"Alam kong panyo 'yan,pero bakit mo binibigay sa 'kin."tanong ko
Umupo sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit sya ganito sa akin samantalang hindi naman kami close. Blockmate ko sya pero hindi ko sya nakakausap sa twing may klase.
"Ayokong nakikitang may babaeng umiiyak kaya ito panyo, punasan mo yang luha mo."seryuso nyang sabi, tinitigan ko sya pero agad din akong tumingin sa kawalan.
Kinuha ko ang panyong iniaalok nya at pinunasan ang mga luha ko.
"Ako nga pala si Charles Ivan Mendoza."pakilala nya sa akin
"Via Vianca Dela Cruz "pakilala ko din
"Ayan nakangiti ka na, alam kong hindi pa talaga 'yan ang totoo mong ngiti pero sana isang araw makita ko muli 'yung dating ngiti na nakikita ko sayo."
Sana nga, 'yan din naman ang gusto ko. Ang mawala na ang sakit dito sa dibdib ko. Na mapalitan na ulit ito ng saya.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomanceUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
