CHAPTER 38

215 17 5
                                        

"Love sure ka ba na pupunta tayo?"tanong pa ulit ni Ivan

"Oo nga bakit ba paulit-ulit ka?"inis kong tanong

"wala, sige na bilisan mo."agad nyang hinalikan ang noo ko at umalis na.

nainis agad ako sa sarili ko kase hindi ko maintindihan kung bakit napapadalas ang init ng ulo ko kay Ivan.. wala naman syang ginagawang masama sa akin pero hito ako mukhang tigre kung mainis. nakakakonsensya bigla..

Lumabas ako ng unit ko at pupuntahan sana sya pero nakitang pababa na sya kaya nagmadali akong tumakbo para habulin sya. mamaya iwanan nya pa ako at mauna na sa batangas. ayoko bumyahe mag isa no.

hinihingal akong humawak sa braso nya. kunot noo nya akong tinignan. nagsusungit na sya. kase naman via e!

"sorry na"paglalambing ko, tumango naman sya at ngumiti, diba ang ganda ko haha..

Isa 'yan sa mga rason kung bakit ko sya mas minahal pa at tumagal ang relasyon namin. mahaba ang pasensya nya. hindi sya mabilis magalit, kalmado lang. kung magagalit man sya may malaking dahilan 'yun.

Sa relationship namin masasabi kong hiindi kami kagaya nung iba na sobrang sweet. para lang kaming mag tropa kung titignan. protective sya pero hindi sobra, hindi umaabot sa point na masasakal ka..

Basta ang daming rason kung bakit kami tumagal at kung bakit mas lalo ko syang minahal. Inakbayan nya ako at naglakad kami papuntang parking lot dahil nando'n ang sasakyan nya. dala-dala ko ang back pack ko na may lamang gamit. may dala din sya hindi naman pwedeng hindi sya mag dala. 

Hawak kamay kaming naglakad papunta sa kung saan sina flaire. Ang laki ng pinagbago ng lugar na 'to. akala ko ay hindi na muli ako makakatapak dito matapos ang mga nangyare. after 8 years nandito muli ako sa lugar na 'to pero wala ng bahid ng sakit at lungkot. ramdam ko ang pag higpit ng hawak ni Ivan sa kamay ko. tumingin ako sa kanya, seryuso syang naglalakad at nakatingin sa dalampasigan, naka sabit din sa leeg nya ang dslr camera nya. 

"I want a beach wedding, how about you?"he suddenly ask, nagulat ako nang maring ko 'yun. hindi pa kami nag uusap about sa ganito kaya nagulat ako ng mabanggit nya sa salitang kasal. 

"Kahit ano basta ikakasal ako sa lalaking mahal ko"sagot ko sabay tingin sa kanya. hindi man sya nakatingin sa akin alam ko at ramdam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko. 

"Viaaaaaa"rinig kong sigaw mula sa malayo. masaya akong tumakbo papunta kay sandra na ngayon  at tumatakbo na din. 

"dahan-dahan baka madapa ka"rinig kong suway ni Ivan pero hindi ko sya pinansin.

niyakap namin ni sandra ang isa't isa. ang tagal ko syang hindi nakita, ang tagal ko syang hindi nakasama dahil pareho kaming busy sa trabaho. Ang laki ng pinagbago ni sandra sobra!

"namiss kita sobra!"masaya kong sinabi at niyakap pa sya ng mahigpit

"namiss din kita, namiss kita kasama"

Lumapit kami kina Flaire na ngayon ay nag aayos ng gamit sa may cottage. may mga dala din silang sea foods at iba't ibang pagkain. may dala din kami ni Ivan na Tatlong box ng pizza at dalawang balot ng siomai. 

niyakap ko si Elleana at lean na nag aayos din ng mga gamit nila. nagulat sila ng makita ako at niyakap din ako ng mahigpit. we finally reunite..

"OMG"bulalas ni elleana, natatawa akong tumingin sa kanya at medyo curious

"bakit?"tanong ko. nakatingin sya sa lalaking busy sa pag pipicture, 'yun ay walang iba kundi ang boyfriend ko na ngayon ay busy na naman sa pag pipicture.

"I know him."sabi pa ni elleana, oo magkaibigan kami pero hindi nya alam na boyfriend ko si Ivan. Ewan ko ba sa babaeng 'yan.. ang alam nya lang may boyfriend ako. pano ba naman kase matapos nyang ma broken sa ex boyfriend  nya ay nag ibang bansa at hindi man lang gumamit ng social media kaya ayan walang kaalam-alam.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon