CHAPTER 34

189 21 1
                                    

"Tara may pupuntahan tayo," at bigla akong hinila, alam ko ang daan na 'to. ito ang daan pauwi.pero akala ko ba'y may pupuntahan kami?

"Uuwi tayo?"tanong ko sa kanya umiling naman sya kaya hindi nalang ako nagtanong.

nacurious ako pagdating namin sa apartment nya. "Saglit may kukunin lang ako sa loob, maghintay ka nalang dito mabilis lang 'to."sabi niya sa akin at kumaripas ng takbo papasok.

Ano kayang gagawin nun?

Katulad nga ng sinabi na ay hindi sya magtatagal. Pag labas nya ay may dala-dala syang helmet.

Binigay nya naman sa akin 'yon. Taka ko itong kinuha.

Nakayap ako sa kanya, may suot mang helmet ay nililipad padin ng hangin ang mahaba kong buhok. Nasa gitna kami ng daan.

Hindi ko na nagawang itanong sa kanya kung saan kami pupunta. Matapos nung eksena namin sa footbridge bigla nya nalang akong hinila pa uwi at ngayon ay nakasakay na ako sa motor nya at hindi alam kung saan kami pupunta.

Hindi ko alam kong saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para masabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat ng 'yon.

Ang alam ko lang ay lumulundag sa tuwa ang puso ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong saya pero ang sayang ito'y mas higit pa at walang makakapantay.

Nakayakap lang ako sa likuran nya. Nakatago man sa helmet ang mukha ko pero hindi nito maitatago ang malapad na ngiti sa mga labi ko.

Sana hindi na mawala ang sayang ito. Gustong ganito nalang palagi. Puro saya lang walang halong sakit at kalungkutan...

Unti-unti kong napagtanto kung saan kami papunta. Hindi bago sa akin ang daang ito dahil palagi kaming nandito ni...

Basta alam ko ang lugar na ito pero masaya akong sabihing wala ng bahid ng sakit sa dibdib ko.

Habang nadadaanan ang lugar na naging parte ng nakaraan ay napapangiti na lamang ako. Masaya akong hindi na ako nasasaktan. Patunay itong wala na akong pake sa nakaraan dahil masaya na ako ngayon..

Huminto ang motor ni Ivan. Bumaba ako at iginala ang paningin ko sa buong paligid. Medyo kaunti lamang ang tao.

Tatanggalin ko na sana ang helmet pero naunahan nya ako. Biglang tumigil ang oras nang mahawakan nya ang kamay ko.

Para akong malalagutan ng hininga sa pagkakadampi ng palad nya sa kamay ko. Dahan-dahan nyang tinaggal ang helmet na suot ko.

Ayokong salubungin ang mga mata nya dahil natatakot ako.. natatakot ako na sa oras na tumama ang mga mata namin ay alam kong mawawala na naman ako sa katinuan.

Nasa paanan ko lang ang tingin ko. Hindi man lang tumingin sa mata nya. Nagtagumpay ako dahil matapos nyang matanggal ang helmet na suot ko ay nabaling na sa magandang tanawin ang mga mata nya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Pwe via ngayon ka pa nailang sa kanya matapos yung pa musical play confession mo sa gitna ng footbridge.

Natigilan ako nung bigla kong maramdaman ang pagdampi ng mga balat namin. Nagulat ako nang bigla nya akong hawakan at hinila

"Let's go!"

Sumunod lang ako sa kanya, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkakaganito. Via umayos ka, kumalma ka!

Nandito kami sa tagaytay. Malapit nang lumubog ang araw. Dahil alas singko na ng hapon. Wala masyadong tao ngayon siguro dahil hindi linggo..

Hila-hila lang ako ni Ivan at nakasunod lang ako sa kanya.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon