"Tara na?"Hindi ko alam kung saan kami pupunta, daming pakulo ng lalaking 'to.
Paglabas ko ng gate tumambad sa akin ang itim na kotse.Lumingon ako sa kanya "taray naman, Charles Ivan nyo may kotse na!"
Humalakhak sya "graduation gift ko yan sa sarili ko. Pinag ipunan ko din ng apat na taon."
That's the reason why I admire him. I didn't expect na may natitira pa palang ganitong lalaki sa mundo.
"Kaya nga siomai lang lagi kong nililibre sayo e haha"
Sabay kaming tumawa.. oo nga sa twing monthsary namin tamang siomai lang after ng pasok. Tapos minsan tatambay kaming manila bay tas magfifish ball. Paminsan din ay mag road trip lang. Angkas-angkas lang ako sa motor nya. At isa sa mga gusto ko ay aakyat kaming bundok tapos gagawin nya akong model tas sya ang photographer.
Ang saya ng ganun!simple things but I called it the best.
"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko
"Tagaytay"simple nyang sagot. Nakatingin lang sya sa daan.
Bigla nyang binuksan ang radyo sa sasakyan.
Baby, take my hand
I want you to be my husband
'Cause you're my Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movie
I see you standing there
In your hulk outerwear
And all I can think
Is where is the ring
'Cause I know you wanna ask
Scared the moment will pass
I can see it in your eyes
Just take me by surprise
Sinasabay ko ang kanta. Hawak-hawak ang cellphone,nakasanayan ko na kase na kumuha ng video every special day namin.
Hinagip ng camera ang seryusong mukha nya habang nagda-drive. Nakita ko ang marahang pag ngiti nya kaya hindi ko inalis sa kanya ang camera. Hinayaan kong sa kanya nakatutok iyon.
And all my friends they tell me they see
You're planning to get on one knee
But I want it to be out of the blue
So make sure I have no clue
When you ask
Baby, take my hand
I want you to be my husband
'Cause you're my Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movie
Kinuha ng kaliwang kamay nya ang kanang kamay ko. Inilapit nya ito sa mukha ko at marahang hinalikan. Ngumiti ako sa kanya ano
Now we're having dinner
And baby you're my winner
I see the way…
"Labyuuuu"kinikilig kong sabi sabay pisil sa pisngi nya.
Pagdating namin sa tagaytay ay kumain muna kami. Hindi mapili sa pagkain, kahit ano okay sa akin basta wag lang may halong dugo.
After namin kumain ay nag ikot-ikot muna kami. HHWW kami kaya mainggit lahat ng walang jowa.
"Nakakamiss pala dito. Last year p last na punta natin dito."
Sinalubong ko ang marasap na simoy ng hangin. Ipinikit ko din ang mata ko at dinama ang hampas ng malamig na hangin sa mukha ko..
Pagmulat ko ay tumambad sa akin ang isang pirasong puting rosas.
"Happy Anniversary ulit "
"You never failed to make me happy." Sininghot ko ang bulaklak
"Did you already heard the story of roses?"nakangiti kong tanong
"Hmm yes, when I was in grade school. Ang lola ko mahilig mag kwento noon. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon nakaupo na kami sa sahig at nakikinig sa kwento nya."
Ang saya siguro ng gano'n.
"Papalubog na ang araw tara na!" Masaya nya akong hinila at napunta na naman kami dito sa harap ng ferris wheel.
Celebrating our first anniversary sa lugar kung saan naging kami. Hindi man ito kasing romatiko ng mga nababasa ko sa libro masasabi ko namang the best 'to sa lahat.
Masyadong common 'yung magdedate sa isang sikat na restaurant, magdedate sa mamahaling lugar.
Ewan bakit gano'n ang uso at gusto ng mga tao. Pero para sa akin, kahit ano basta kasama ang mahal ko okay na ako.
"Ang ganda dito lab" sabi ko sa kanya
"Wait ganyan ka lang pipic kita."
Nasa pinakataas na kami at mula dito ang tanaw ang napakagandang tanawin.
Nakasandal ako sa balikat ni Ivan. Habang sya naman ay nakaakbay sa akin. Nakapikit lang ako, dinadama ang sabay na pagtibok ng puso naming dalawa.
Bumabalik sa akin ang mga nagyare dito 1 year ago.
Tahimik lang ang buhay ko noon. Tahimik pero durog pero bigla syang dumating sa buhay ko. Akala ko habang buhay akong babalutin ng kalungkutan at depression. Suddenly he came into my life.
We started as a friend. Akala ko nga hanggang kaibigan lang kami.. tumagal ng isang taon ang pagkakaibigan namin hanggang sa nagising nalang ako na pangalan na nya ang sinisigaw ng puso ko.
"Love, I have a question"
"Hmm?"
Matagal na 'tong tanong na 'to pero ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon na maitanong sa kanya at malaman ang totoo
"You said before that you're in Love with someone else"
Tumango naman sya. Gusto ko malaman pano nagsimula, pano nya ako nakilala?pano nya ako nagustuhan..
"Hindi ko akalaing ako pala 'yon.. pero paano?"tanong ko. Excited na akong malaman
"First year. First day of school nakasabay kita sa jeep pero wala pa akong pakealam nung mga araw na 'yon. Second day nabangga mo ako sa footbridge ng mendiola."
Hindi ko maalala. Ang talas naman ng memorya nya para maalala lahat ng 'yon.
"Hanggang sa unti-unti ko ng napapansin na napapadalas ang pagsulayap ko sayo. Ang pag hintay ko sa twing lalabas ka ng classroom."
"Stalker ka"asar ko
"Hanggang sa nakita kitang may kasamang iba. To be honest nasaktan ako at dahil don I realized na hindi simpleng paghanga ang nararamdaman ko dahil mahal na kita kahit hangin ako sayo... I started to love you secretly, wala akong pake kung hindi mo masuklian masaya na akong makita kang masaya."
That's what we called love. Kahit na hindi mo makuha 'yung taong mahal mo maging masaya ka nalang sa kanya kase alam mo sa sarili mong masaya ka.
"Hanggang sa nakita kitang umiiyak. Nung una hinayaan ko muna pero nung napapadalas na hindi ko kinaya."
"E nung nakita kita sa batangas?sinundan mo ako?"tanong ko
Umiling sya "hindi ko kayo sinundan. Birthday ni Claire kaya kami nandon."
Si Claire, yung batang nakita ko na hinahanap ang kuya nya. Sya din 'yung batang nagsabing I want you to be my kuya's girlfriend
Ang ganda pala ng kwento kung paano nya ako nagustuhan. Nakakatuwa.
Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.
Madilim na!at hito kami nakaupo sa damuhan. Pinagmamasdan ang magandang ilaw sa baba.
Nakasandal lang ako sa balikat nya. Nakatingin lang ako sa grupo ng mga kababaihang masayang nagtitiktok.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa ulo ko. Hobby na nya ang paghalik sa ulo ko.. mas gusto nya pa nga halikan noo at ulo ko e. Ang sweet!
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomantizmUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
