"Happy Anniversary mahal ko!"tugon ko
niyakap ko sya ng napakahigpit. ayoko muna matapos ang araw na 'to.
"Haha halika na nga kainin natin 'yung baon kong pagkain"natatawa nya yaya.
humalakhak ako at agad na sumunod sa kanya. umupo ako sa inilatag nyang banig. ang saya naman nito madaling araw na picnic.
Minsan ang weird din nitong boyfriend ko pero kahit na ganito ay mahal ko 'to. masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain.
Exactly 3 AM when we decided to go home. honestly kinakabahan ako dahil baka magalit si mama at papa na umalis ako ng hindi nagpapaalam. pero kahit na ganun ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang saya na nararamdaman.
para akong nabunutan ng tinik nung makapasok sa loob ng bahay na wala man lang nagawang ingay para magising sila. nakangiti akong humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko na tumutunog. nakangiti akong sumagot
"hello?miss mo agad ako?"bungad ko
"palagi naman kitang miss"kahit hindi ako nakatingin sa salamin alam kong namumula ang mukha ko sa kilig.
"ewan ko sayo"
narinig ko sa kabilang linya ang halakhak nya. sa halip na mainis ako sa tawa nya ay napangiti ako. Ito 'yung gusto kong marinig araw-araw. Ang mga tawa nyang kay sarap sa pandinig.
"Happy anniversary, matulog ka muna para naman hindi ka antok mamaya sa klase mo."
hindi ko namalayan na nakatulogan ko pala ang pag uusap namin. nagising nalang ako nang biglang may kumakatok sa kwarto at sumisigaw na late na ako. iretado akong bumangon dahil pakiramdam ko ay pinagtitripan lang ako ng kapatid ko pero nung makita ko sa orasan kung anong oras na ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling pumasok sa banyo para maligo.
bakit kase hindi ako nagising ng maaga?patay na naman ako pag na late ako.
hindi ko alam kung paano ako naligo basta hito ako ngayon nagmamadaling bumaba. para mag paalam na papasok na.
"ma pasok na 'ko. sa school na ako kakain. late na future accountant nyo."sigaw ko at agad na lumabas ng bahay.
laking gulat ko nung makitang nakaparada sa kabilang kanto ang sasakyan ni felix. dali-dali akong tumakbo patungo doon at agad na sumakay. hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako kaya labis na lamang ang pagsimangot nya.
"ano ba kaya ko naman kase. tsaka para hindi kana llumabas no"paliwanag ko
"oo na, talo na 'ko. kumain kana ba?"tanong nya
"hindi pa haha"
umiling sya at agad na lumingon sa likuran. hindi kona ito pinansin pero nagulat nalang ako nung bigla nyang inabot sa akin ang isang plastik ng mcdo na may lamang pagkain.
"naks naman boy scout"natatawa kong asar sa kanya pero inirapan lang ako at nagmaneho na. sungit naman nito. nagsimula na akong kumain habang papunta kaming school.
inalok ko sya pero ayaw nya dahil tapos na daw sya kaya inubos ko nalang lahat. bahala siya dyan.
kunot noo akong humarap sa kanya nung humalakhak sya ng malakas matapos kung dumighay. "anong nakakatawa felix james?"singhal ko. nakangiti lang syang umiling kaya napairap nalang ako sa kanya.
pagdating namin sa Ntc ay nagpaalam na ako sa kanya at gano'n din sya dahil mukhang malelate na din sya sa klase nya.
kina hapunan ay sinundo nya akong ntc para lumabas. Anniversary padin namin kase kaya he decided na mag dinner kami sa taguig. Ang kulit ng taong 'to hindi ko alam kung bakit napili niyang mag taguig kami e marami namang kainan dito sa may mendiola.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomanceUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
