CHAPTER 4

364 45 2
                                        

"Class dismissed" saad ng professor.


Niligpit ko ang gamit ko, I have 3 hours vacant. Siguro sa canteen nalang ako or sa library. Kahit saan siguro. Daily routine ko na 'to ang tumambay sa kahit saan everytime na may vacant.


Kung kasama ko lang mga kaibigan ko, sana ang saya ng vacant. Like what we did when we're in senior high school.pero mas mandalas ata kaming matulog.


"Uy via tara labas tayo ang tagal pa ng 3 hours." Flaire said


"Hmm sige, hindi ko din naman alam kung saan ako pupunta."


Mas okay na siguro na sumama ako kay flaire, alam ko naman na tatambay lang to sa jollibee malapit sa CEU at dahil ayoko namang mag isa sasama nalang ako.


Ang boring kaya maging alone sa campus. Kahit sino naman siguro hindi gugustuhing mag isa.


"Jollibee ulit?"I asked her pero umiling siya. Napakunot noo nalang ako.


"Eh saan?"I asked again she smiled at me at agad akong hinila.


Kaloka tong babae na 'to hindi mo alam kung may kalokohang naiisip o wala.


"May pupuntahan tayo hehe."


"Gagi saan?"


"Mendiola"


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.Hindi ko maintindihan, baka napapraning lang ako.


"Hindi mo naman ako ipapahamak diba?" Tanong ko sa kanya pero binatukan niya ako.


"Baliw kaibigan kita tapos ipapahamak? Praning kana be hahaha." Natatawa niyang saad


Kase naman natatakot lang ako. Ngayon lang kasi ako kinabahan ng ganito.sa madalas na pagyaya sa akin ni flaire, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hindi ko alam kung bakit, parang nae-excite ako na natatakot. Magulo, hindi ko maintindihan.


Naglakad lang kami ni flaire papuntang mendiola. Malapit lang din naman. Nung high school nga nilakad namin galing recto papuntang mendiola din.


Dati nung pumunta kaming mendiola wala pa si calix.


"Ang init be."reklamo ni flaire


"Malamang be tanghaling tapat e."


"Kaya nga sabi ko nga. Bilisan nalang natin."


Habang naglalakad para akong baliw na tawa ng tawa. Hindi ko mapigilang hindi matawa kay flaire.


Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon