CHAPTER 21

149 19 0
                                    

Ngumiti ako nung makita ko sa labas ng school ang lalaking pinakamamahal ko. Akala ko ay hindi ulit ito magpapakita sa akin kagaya ng ginawa nya nitong mga nakaraang araw.

"Hindi ka busy today?"agad kong tanong sa kanya 

"Nope,I miss you".

"I miss you too"

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan nya. Nakangiti akong pumasok sa loob.

"Hatid kita sa inyo ah."

Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero parang iba kase ang nararamdaman ko.

Tahimik lang ako buong byahe hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko, kaya mas mabuting manahimik nalang ako.

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Ayoko pa sanang mahiwalay sa kanya ngunit kailangan ko ng umalis dahil mukhang nagmamadali sya. 

Ayoko namang manatili pa kung wala naman kaming pag uusapan.

"Salamat sa paghatid, mauna na 'ko."paalam ko sa kanya 

Tumango lang sya at agad akong pinag buksan ng pinto ng sasakyan. Tumalikod ako at kumaway sa kanya. Hindi muna ako pumasok hinintay kong makaalis sya. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan nya ay agad akong pumasok sa loob.

Bagsak ang balikat kong inilapag ang bag ko sa kama. Anong nangyari? Masaya naman kami nitong mga nakaraang araw pero 'bat ngayon parang ang lamig 

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Ang daming tanong ang bumabalot sa isipan ko. Ayokong mag isip ng kung ano-ano dahil alam kong ako lang din ang maapektuhan kong magpapadala ako sa lungkot at mga negatibong nasa isipan ko.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag iisip nagising na lang ako nang tinawag ako ni mama para mag hapunan.

"Susunod po ako ma."

Pagbaba ko ay kumpleto na sila sa hapag at ako na lamang ang hinihintay. Tahimik akong umupo sa tabi ng kapatid ko.

Tahimik lang akong kumakain. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nalulungkot ako na ewan.Hindi ko maintindihan.

Nabasag ang katahimikan ko nong nagsalita si papa.

"Kamusta ang pag aaral nyo?"tanong nya.mabilis na sumagot ang mga kapatid ko.

Humarap sa akin si papa at naghihintay ng sagot ko "ayos lang po pa. Maintain po ang grades ko."mahina kong sagot.

Papa wants the best for us. He wanted na lahat kami ng mga anak nya ay may magagandang marka sa paaralan. Seeing him happy that we're all academic achiever makes me happy too.

pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. matapos kung maglinis sa hapag ay agad akong nagtungo sa aking silid. nais ko ng matulog kahit na alas otso palang ng gabi. hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. 'di ko alam kung malungkot ba ako o ano. naiinis ako kay felix dahil sa pag iwas nya sa akin. nitong mga nakaraang araw nararamdaman ko ang pagiging malamig nya sa akin.

 sa pagkakatanda ko ay hindi naman kami nag away. wala namang nangyaring hindi maganda para maiwasan nya ako at hindi mag paramdam. kanina gustong-gusto kong magtanong sa kanya pero natatakot ako sa magiging sagot nya at isa pa pakiramdam ko ay napipilitan lang sya na ihatid ako.

hindi ko alam,hindi ko alam ang gagawin ko!hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.hindi ko na alam.

nakatulog ako sa kaka overthink nagising nalang ako nung biglang tumunog ang phone ko. hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag. agad ko itong sinagot.

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon