Naging mabilis ang takbo ng oras. hindi ko namalayang lumilipas ang araw. Nakatutok lang kami sa pagrereview at ngayon naghihintay nalang kami ng resulta. kabado ako dahil hindi ko alam kung pasado ba ako?
Sa mahigit pitong buwan na paghahanda sa exam ay masasabi kong madami akong natutunan dahil 'yon sa tulong ni Ivan. nakayanan kong mag balance sa loob lang ng isang oras. at madami akong nalaman at nakabisado.
excited ako sa exam, sobrang excited!pero hindi pala gano'n kadali. to be honest sumakit talaga ang ulo pero masaya ako kase sigurado naman akong nasagutan ko ng maayos lahat ng 'yon.
"Kanina ka pa hindi mapakali dyan. you look stress"natatawang sinabi ni Ivan
nandito kami sa bahay. umalis na ako sa apartment na tinutuluyan ko after graduation. gusto ko pa nga sana mag stay don habang hindi pa ako ganap na CPA at nagpaplanong maghanap ng part time job pero hindi ako pinayagan nina mama.
"uminom ka munang tubig."sabay abot nya sa akin ng isang basong tubig. kinakabahan na kase ako. ang sabi nila ngayon daw lalabas ang result ng exam.
sa araw na 'to nakasalalay ang future ko. sa araw na 'to malalaman ko kung maabot ko na ba ang pangarap kong maging CPA. kinakabahan talaga ako, gusto ko kasing isang take lang e, hindi ko naman pinipilit si tadhana na ipasa ako dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung makakapasa ako o hindi.
hayst bahala na siguro tatanggapin ko nalang kung ano man ang mangyare. pumasok ako sa kusina at kumuha ng ice cream sa ref. para kumalma ang pakiramdam ko.
lumapit sa akin si mama at tinapik ako sa balikat "Wag ka mag alala via, kahit ano man ang kakalabasan ng exam proud padin kami sayo okay?" at dahil sa sinabing 'yon ni mama nagkaron ako ng lakas ng loob.
siguro nga ay may mga bagay talagana gustohin mo man ay hindi nangyayare. pero siguro ay dasal lang ang kulang sa akin. basta handa akong tanggapin ang lahat. kung makapasa ako masayang masaya ak at kung hindi naman ay masaya parin.
"Via may result na!"rinig kong sigaw ni Ivan mula sa salas ng bahay. kumaripas ako ng takbo at hawak-hawak ang dibdib ko na ngayon'y kumakabog ng malakas
"tignan mo na bilis"kabado kong sinabi at napapikit nalang. rinig ko ang hiyawan nilang lahat, hindi ko alam kung para ba sa 'kin ang hiyaw na 'yun o kay Ivan.
"Topnotcher! congrats hijo" sa pagkkataong 'yun ay napamulat ako at napatingin kay Ivan na ngayon ay malapad ang ngiti ay halos mangiyak-ngiyak na.
"Excited na akong ibalita ito kina mama at papa"masaya nyang wika. niyakap naman sya ni mama
"tawagan mo na sila hijo malamang naghihintay na 'yon"masayang sinabi ni mama
lumingon nama sila sa akin na ngayon ay halos hindi na makasalita sa kaba. gusto ko na din malaman kung nando'n din ba ang pangalan ko o wala.
"gusto mo ikaw na maghanap ng pangalan mo?"tanong sa akin ni Ivan. Umiling naman ako dahil natatakot ako. natatakot ako na baka madismaya lang ako pag nakita kong wala sa listahan ang pangalan ko.
tinignan ko syan habang nag i-scroll naka hawak lang ako ng mahigpit sa unan. kinakabahan ako nang makita kong tumitig sya sa akin. walang reaction ang mukha niya, blangko lang ito. dahilan kung bakit napatayo ako at napalabas ng pinto.
umupo ako sa may damuhan at napatitig lang sa mga bulaklak na nakahatanim dito sa gilid ng bahay namin. sabi ko'y tatanggapin ko kung ano man ang kakahinatnan ng lahat pero bakit parang ang bigat sa dibdib? hindi man nya nasabi ramdam kong wala ako do'n
Ramdam ko ang pag upo nya sa tabi ko. hawak-hawak padin ang ipod nya. hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. ngayon ay hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko. ang hina-hina ko!
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomantikUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...
