CHAPTER 39

263 16 4
                                        

"Pakilala mo ako sa kanya"

Ngumiti ako at niyaya syang puntahan namin ni Ivan na ngayon ay naghihintay sa akin.

"Felix, si Ivan pala boyfriend ko"nakangiti kong pakilala kay Ivan

"Hi! Ivan pre"

"Felix, same profession?"he asked

"Yes We're both accountant pero magkaibang company. How about you?"

Nakikinig lang ako sa kanila. Chismosa ako e.

"I study nursing in US before pero umuwi ako dito kaya nag aral akong Law pero dahil bumalik ulit akong US. Itinuloy ko 'yung pagnu-nurse then nag med school."

"So doctor ka?"tanong ni Ivan
"Hmm surgeon"
Nagulat ako sa sinabi nya. Pano yung pag aabogado nya?

"But I'm planning na mag law school. Para alam mo na makalimot."



"Happy birthday flaire"sigaw namin at niyakap sya.

"Thank you guys! Inoman naaa"sigaw nya

Napahikab ako "gusto mo na matulog?"tanong ni Ivan, umiling naman ako dahil gusto ko pang mag enjoy.

"Yakapin mo nalang ako"natatawa kong utos sa kanya.

"Huy kayo tigilan nyo yan"sigaw ni sandra

Nakakamiss 'yung ganito. Nakakamiss mag enjoy, walang trabaho,walang stress puro saya lang . Minsan lang mangyare 'to kaya sulitin mo na..

Masaya kaming nakapaikot sa bonfire. Nagkakantahan at umiinom ng beer.

Namumula na si flaire dahil naparami na ang inom nya. Birthday nya naman daw kaya hayaan na namin sya.

Si sandra naman ay tahimik lang dito sa tabi ko. Simula nang makita nya si Liam nag iba bigla ang mood nya. I don't exactly know what happened to them Sandra is not open to talk with it so we respect her privacy.

Hawak-hawak ni Andrew ang isang bote at biglang nilapag sa buhangin at iniikot-ikot.

"Let's play spin the bottle. Truth or Dare"

Naghiyawan sila nang marinig ang salitang truth or dare.

Inikot ni drew ang bote. Umaasa akong hindi sa akin hihinto at hindi nga dahil huminto ito sa tapat ni lean.

"Truth or dare"

poker face syang tumingin kay andrew "Dare" sagot nya, napaisip naman si andrew ng ide-dare kay lean

"Wala ako maisip haha inomin mo nalang 'to"sabay abot nya ng isang basong beer

Mabilis na tinungga ni lean ang alak. Paano nya kayang nakayaanan ubusin 'yun ng isang inoman lang?

Hinawakan ni lean ang bote at pinaikot ito
"Okay elle your turn, truth or dare"

"Truth"matapang na sagot nito

Humiyaw sina flaire, tumawa naman si lean. Halatang lasing na "bakit ka umalis?"tanong nya..

Natigilan si elleana, huminga sya ng malalim at matapang na sinagot si lean " simple, to move on"

Pinagdadasal kong wag sakin huminto ang bote pero sa ngayon ay ayaw na akong pakisamahan nito. Dahil sa 'kin na sya nakatutok

"So via"panimula ni elleana "Truth or dare"

Ayoko mag truth dahil natatakot ako sa mga posible nilang itatanong "dare"natatawa kong sagot, kita ko ang pag ka dismaya sa mukha niya pero agad din itong nawala ng may ibulong si flaire sa kanya at kita sa kanilang dalawa na tuwang tuwa sila

Finding You In Mendiola Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon