"Uy Charles Ivan"sigaw ko, humarap sya sa akin.
Gulo-gulo ang buhok, ngayon lang ata sya pumasok ng ganyan ang ayos.
Akala ko ay sasalubungin nya ako pero hindi gano'n ang nangyare. Tumalikod sya at nagsimula ng maglakad papalayo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, masaya naman kami nitong mga nakaraang araw.
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang kaarawan ng kapatid ko. Nasa kalagitnaan na din kami ng ikalawang semester.
Aminado akong nalungkot ako sa asal ni Ivan. Akala ko'y okay kami, magugulat nalang ako bigla na hindi na nya ako papansinin.
Lumipas ang mga oras at ni ngiti man lang hindi ko iyon natanggap kay Ivan. Last subject na pero hindi nya padin ako kinikibo.
"Ms. Dela Cruz nakikinig ka ba?"nagulat ako nung biglang narinig kong tinawag ako ng professor.
"O-opo." Tumalikod sya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
Kanina pa 'ko wala sa sarili,pilit na iniisip kong may mali ba akong nagawa para maging ganito sa akin si Ivan.
Pag dismiss ay lumabas agad si Ivan. Hahabulin ko sana pero hindi ko na sya naabutan. Bagsak ang balikat akong naglakad pauwi.
Bakit gano'n?bakit parang iniiwasan nya ako?bakit hindi nya man lang ako matignan sa mata. Hindi na ba pwede?
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay matamlay akong lumundag sa kama. Ang labo naman..
Kinabukasan ay maaga akong pumasok nagbabakasakaling makita ko si Ivan pero hindi ko sya mahagilap kaya pumasok nalang ako sa klase ko.
Pasado alas kwatro na ng hapon pero hindi ko parin nakikita si Ivan. Talaga ngang iniiwasan nya ako, nagtanong ako sa mga kaibigan nya kung pumasok sya ang sabi daw ay oo pero bakit hindi ko sya nakikita?nagpapalit ba sya ng schedule?talagang iniiwasan nya ako?wala man lang pasabi?
Habang naglalakad-lakad ay nakita ko si Ivan.Naka upo sya sa bench hawak-hawak ang camera nya. Kahit na ramdam kong dededmahin nya ako ay lumapit padin ako sa kanya.
"Hi"mahina kong bati, tumingala sya at tinignan ako. Walang ekspresyon ang mukha nya.
"May problema ba?bakit mo ako iniiwasan?"
Hindi sya sumagot sa halip ay pinahpatuloy nalang ang ginagawa.
"Litong-lito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako para iwasan mo 'ko."madamdamin kong sinabi
Humarap ako sa kanya "please ipaliwanag mo naman oh, akala ko ba kaibigan kita?"muling sinabi at sa ngayon ay hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko
"Sorry,pero kailangan ko kaseng gawin 'to."sagot nya na mas lalong nagpalito sa akin
Tumayo sya at nagsimulang naglakad. "Ivan ano ba?ganun-ganun nalang 'yun?"sigaw ko pero nagmatigas sya
"Iiwanan mo ako sa ere dahil dyan sa sinasabi mong kailangan?mas mahalaga ba 'yan?paano naman ako?"humihikbi kong sigaw
Napaupo ako sa sahig dahil sa bigat ng nararamdaman.
Naglakad sya papalapit sa akin "Via sorry, sorry pero hindi ko na kaya."
Ano bang nagawa ko?may kasalanan ba 'ko?
"Ayokong umamin ng dis oras pero siguro oras na din 'to para tuluyan ko ng makalimutan ang nararamdaman ko."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Wala akong maintindihan..
"Ikaw 'yun e, hindi ko din naman alam na magiging magkalapit tayo! Sapat na sakin 'yung makita kitang masaya at nakangiti pero nung makita kitang umiiyak palagi hindi ko kinaya kaya lumapit ako. Hindi ko inaakalang aabot sa ganito."
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomansaUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...