Aivee's POV
Tangna. Bat ko ba nakalimutan magtanong ng assignments?! Ayan tuloy, natambakan ako ng gawain. Naknang.
"Huy. Chill ka lang." I shot Shannon an angry look.
"Are you telling me to chill even though, I have tons of work?" Natawa sya.
"Yeap. Para ako na ang first this sem." Inirapan ko sya. Grade concious as ever. Simula na rin kasi ng second sem ngayon. Ang bilis nga ng phasing eh. Nakakapanibago.
"Bitch ka talaga kahit kailan." Sabi nya.
"I know the fuckin' right."
"Oh! Aiden! Aga mo ngayon ah! Bagong sem, bagong buhay?" Inilapag ni Aiden ang gamit nya sa sahig at umupo sa upuang nasa harap ko. Nakaupo kasi si Shannon sa upuan nya.
"Nah. Nagising lang ako bigla. Feeling ko kasi may taong umiyak ng grabe kagabi." I felt his eyes were on me. Pinapatamaan ba nya ako? But I decided to ignore it. Di naman ako umiyak ng grabe. Plus, di ko pa masasabi kay Shannon at wala akong plano. Sigurado kasing magpapaka-war freak na naman yan pag nagkataon eh.
"Ano bang ginagawa mo dyan, Aivee?" Napatingin ako kay Aiden.
"Sangkatutak na gawain na wala akong ka-ideya-ideya. Magkasama tayo kahapon, wala ka man lang nabanggit. Gago ka talaga eh."
"Omo! Nag-date kayo?!"
"Oo. " "No!" Wag kayo, di ako ang sumagot ng oo na yan.
"Eh? Ano ba talaga?" Shannon leaned her head to the side.
"Hindi nga! Ano bang sinasabi mo dyang gago ka?" I focused myself on my work. Ugh. I hate statistics.
"Nah. Just stating what's gonna happen in the future." Natigilan ako sa pagsasagot. Future?
"In you face, Aiden. Di ako kailanman pakikipag-date sayo." Inirapan ko sya.
"Grabe ka naman! Don't close your mind to possibilities!" Napatingin ako kay Shannon.
"You don't have to shout on me, Shannon." Nilipat ko naman ang tingin ko kay Aiden. "And as for you, utang na loob, tigil-tigilan mo ako ngayon, Aiden." He smirked.
"No way. Alam mo, kesa dumadakdak ka dyan, gawin mo na lang kaya yan diba?" Bumuntong-hininga ako. 2 schoolworks more!
"Fine." Bumalik na uli ako sa ginagawa ko.
Matapos ng ilang minuto, natapos ko na lahat! I closed my Philippine Lit notebook.
"Ano? Tapos na?" I nodded to Shannon's question. Pag-angat ko ng ulo, nakita kong tulog si Aiden pero nakaharap sya sakin.
"Balik na ako dun. Five minutes before the time na eh." I nodded.
"Ahmm.. Upuan ko po yan, Kuya." Napatingin ako sa babaeng sumusundot kay Aiden. Natawa ako. Wala naman kasing epekto, di man lang gumalaw kahit onti ang gago.
"Ako na." Napatingin yung babae sakin. Kita ko sa itsura nya na gulat sya. Sino nga bang di magugulat? Ang isang Aivee Isabel Tiu kumakausap ng iba maliban sa kaibig-- scratch that, mga kaibigan nya.
Tumayo ako at hinampas ang likod ni Aiden.
"Aww! Putangina!" Napatayo sya. Inirapan ko sya. Kung maka-mura, wagas eh.
"May uupo na dyan sa kinaupuan mo kanina, mahiya ka naman." He looked at the girl standing beside her and immediately said sorry. Hinihimas nya ang likod nya. Ganun ba talaga kasakit? Mahina pa nga yun eh. Tsk.
"Ang O.A. mo. Kairita ah." Inirapan ko sya at umupo na.
"Wow! Eh kung ikaw kaya hampasin ko? Di ka masasaktan?" Sabi nya habang umuupo sa upuan nya.
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
Teen FictionWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...