Chapter One

220 7 0
                                    

Aivee's POV

It was once again the start of classes. Masaya na malungkot. Bakit? Masaya kase last na to sa buong buhay ko pero malungkot kase madami na akong taong nakakusap na namimiss na daw nila ang pagiging estudyante tulad ng kuya ko. Well, my brother is a graduate of the course Legal Management. At siya ang nagpapa-aral sakin sa ngayon kaya di sya nakapag-tuloy ng Masterals nya. He pays half of my tuition and the other half, it's paid by the scholarship. Our parents died because of a plane crash which happened 3 years ago. Pupunta sila dapat sa Japan that time para sa isang business trip pero ayun nga ang nangyare. So.. Parang independent na kami ngayon.

Anong pakiramdam na mawalan ng magulang? Mahirap pero nakakaya. Wala naman kaseng sitwasyon sa buhay ang di kinakakaya e. Unless.. Susuko ka. At siguro kaya hanggang ngayon okay ako kase kahet kelan, di naman ako sumuko. I looked on things on the other way around. Ang mga masasamang pangyayare, tinitignan ko sa magandang perspektibo. Plus, the perks of playing music inside the house at the highest volume, just... Wow.

Aish. Nauna pa ang drama kesa sa pagpapakilala. I am Aivee Isabel Tiu. Half Chinese and half Filipina. Pero ang Papa ko may lahi ding Korean. So medyo magulo ang pagkatao ko. Kidding. Studying at the well-renowned Fuentabella Academy. Gasgas na ba ang eskwelahang yan? Siguro nga. Sikat eh.

The only problem with this school isn't the teachers nor the fee but the students. Ang daming social climbers at mga feeling mean girls na nakakabanas tignan. Tas yung mga lalaki pa, feeling gwapo. Di naman gwapo.

Nung 1st year ako, those girls befriended me but when things got worse, ayun. Lumayo sila. Mga walang kwentang tao. Good thing, one friend stayed by my side. Sya ang matatawag kong bestfriend. She is Shannon Marie Lagdameo who is taking up Journalism which is also the same with me.

"Psst. Andyan na sundo mo." My brother told me as he entered the door. Di kase uso dyan ang pagkatok. Ayon sa kanya, "Bat pa ako kakatok, eh bahay ko naman to?"

"Fine. By the way, good morning and bye." Sabi ko sabay kuha ng bag at alis. He just nodded and let me get out of the way. Ang sinasabi nyang sundo ko ay di ko boyfriend. I don't have one and as of now, I don't need one. Lagi kaming magkabay pumasok at umuwi ni Shannon for almost 4 years now. Dati, nagco-commute pa kami pero ngayon may kotse na sya kaya less hassle na.

"Ang tagal mo naman." Bungad ni Shannon sakin.

"Good morning din sayo. Ang ganda naman ng pagbati mo." I said sarcastically. She just rolled her eyes heavenwards and drove to our school.

"Nga pala, baka di ako makasabay pag-uwi sayo mamaya." Sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"And why? Wag mong sabihin may kakatagpuin ka ah."

"Gaga. May pupuntahan lang ako. As if naman may kakatagpuin ako ,noh."

"Malay ko ba. I wasn't around for the last few weeks because of Japan. Baka may umaaligid na sayo, di ko pa alam. Pinapaalala ko lang, bestfriend mo ako ha." My face suddenly changed its expression. Japan. She glanced at me as she parked the car.

"Sorry." Umiling ako and tried to change the mood. "Bat kelangan mong i-stress ang word na bestfriend? Alam ko naman yun, Shannon. Ikaw nga lang kaibigan ko eh." I went out of the car but waited for her.

"Anong ako lang? Hey, sobra pa ako sa lang ah. Excuse me, madami kayang nagkakandarapa sa mukhang to!" Natawa na lang ako though, totoo yun. Madaming ngang nagkakagusto sa kanya.

"Whatever you say." We entered the university and as usual, madami na namang estudyanteng nakatambay. Ganyan din naman ako. Di ako magmamalinis at ipapakita na napakabait ko, ginagawa ko din yan. It's just that I so that on the right time at para sakin di naman tamang tumambay ng sobrang aga para maghintay ng mga syota. This is clearly not a holding area for those idiots who are waiting for their kacornyhan. Okay, ang conyo ko. Kadiri.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon