Aivee's POV
For the past few days, kain-tulog lang ako. Tinatamad kasi akong gumala lalo na at papunta kaming Boracay ngayon. Well, yeah. The four of us will go on a trip. Buti nga pinayagan ako ni Kuya, grabe ang tiwala nya kay Aiden ha. Bilib na ako sa gagong to at nakuha nya ang loob ng isa pang gago.
Nagka-yayaan kaming pumunta dahil, wala lang. Actually, this will be my first time traveling via plane and I'm kinda afraid. Alam nyo namang namatay ang mga magulang ko sa plane crash diba? Oh god. Why am I thinking about that? I shook the thought off my head.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko at binasa ang text sakin ni Aiden. He told me, he'll pick me up in 15 minutes. Sinarado ko na ang maleta ko at chineck lahat ng gamit ko.
Lumabas ako nang kwarto at bigla akong namroblema kung paano ko ibababa ang maleta. Ang bigat kaya! Aish.
"Akin na nga." Kinuha ni Kuya ang maleta ko at binuhat nya yun pababa. I followed him downstairs.
"Sa susunod kasi, ibaba mo muna ang maleta mo bago ka mag-impake. Tanga ka din minsan eh." Paalis na sana sya nang bigla ko syang tawagin.
"Oh? Wag mong sabihing kailangan mo ng pocket money. Pinayagan na kita. Wag kang abusado."
"Di yun, engot. Ayaw mo ba talagang kausapin si Sha--" Sumabat sya sa sinabi ko. Nasa lahi ba talaga namin yun? Pansin ko lang ah, lagi kaming sumasabat kapag may sinasabi yung iba.
"Umalis ka na. Andyan na yung sundo mo." Napakamot na lang ako sa batok ko at lumabas na ng bahay. I saw an unfamiliar SUV. Aba, kanino naman to? Bumaba si Aiden at kinuha yung maleta ko. Inilagay nya yun sa likod.
"OMO! Hi Aivee!" Nagulat ako kay Shannon. Ang hyper. Puta.
"Hi." Walang ganang tugon ko at umupo na ako sa tabi nya. Narinig kong tumawa si Brent.
"Hoy, Martino. Di ako clown para pagtawanan mo. At pinaalala ko lang sayo na di tayo close." Inirapan ko sya at tinalikuran ko sya. Umandar na ang sasakyan.
"Di tayo close? Oo na. Pero ipapaalala ko lang din sayo na nasa SUV ka namin, Tiu. Pwedeng-pwede kita ibaba." Nakangiting sabi nya sakin. Di talaga ata kami magkakasundo neto eh.
"Brent! Ang pikon mo ha! Come on, people. Mag-chill nga kayo!" Saway samin ni Shannon. Nakaganti na nga pala ako sa gagang to para sa pagsira nya sa hibernation ko. I just dropped her new S6 in the pool. Kaya ayun, naka-S5 na lang uli sya.
"Ikaw kaya ang mag-chill. High-blood ka na naman." Shannon gave Aiden a death glare.
"Shut up, Domingo. Punyeta. Ang aga-aga ah." Pasikreto akong natawa. Kawawa ang mga magiging anak netong babaeng to, masyadong strikto.
Napatingin ako sa likod ko dahil kinalabit ako ni Aiden. He mimicked Shannon's face awhile ago. Gago talaga eh, diba?
"Gago ka talaga." Bulong ko sa kanya. Mukhang patulog na kasi yung kapatid ko.
"Nga pala, bukas na." Nawala ang ngiti ko sa mukha. Mangungulit na naman sya para dun.
"Leche. Hindi ba pwedeng kalimutan mo muna yun?" Umiling sya. You want to know what are we talking about? Ganto kasi yun..
We are at the library, reviewing stuffs for the test tomorrow. Yung iba kasing covered ng exams, wala sa textbooks. Lintik diba?
"Aivee.."
"Oh?" I asked as I take notes about the Philippine Politics. Di ko akalain nung una pa lang, corrupt na talaga ang pamahalaan ng Pilipinas. It runs through the bloods, huh?
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
Novela JuvenilWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...