Aivee's POV
Sabado ngayon. I admit that the past fourteen days were stressful but it w bearable. It made me realize na kahit yung gago lang naman pala ang kasama ko, mag-susurvive ako. I never thought that a friend like him is someone who would stay. Akala ko kasi pag may problema na, ang mga happy-go-lucky na tulad nya, bigla na lang mawawala. Missing in action kumbaga.
Pero kahit na okay ako, I can't help but think of Shannon. Alam ko kasing sosolohin nya ang lahat ng problema nya. Lalo na ngayon, ako ang problema nya. Although, alam kong may Brent na nasa tabi nya baka layuan nya yun. Ayaw nya kasing may makakitang umiiyak sya. She said that crying is the lowest form of fighting.
I was interrupted with my thoughts when Aiden called.
"Hello?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag nya.
[Anong ginagawa mo?] I glanced at the Chemistry book which lies in front of me.
"Reading."
[Boring naman nyan. Puta. Nood tayo sine.] I rolled my eyes. Kalalaking tao, ang hilig gumala.
"Maka-puta ka ah. Ikaw na lang. Matanda ka na, kaya mo na yan."
[Tinatamad ka na naman. Paano uunlad ang Pilipinas kung may taong tulad mo?] I faked a laugh. Daming alam.
"Ibabalik ko sayo ang tanong. Paano uunlad ang Pilipinas kung merong lalaking napaka-hilig gumala imbes na mag-aral?"
[At least, gwapo.] And here goes, the conceited side of Aiden.
"Ayan. Isa pa yan. Paano uunlad ang bansang to kung may conceited na tulad mo?"
[Eh paano naman ang bansa kung may napakataray at di nauubusan ng pambabara na tulad mo?] When will this conversation stop? Nakakabanas na ah.
"Eh pano ako di mambabara kung lagi kang may comment na di naman kelangan?"
[Sus. Parang di ka na naman sanay. Sorry ka na lang. Kinaibigan mo ako eh.] Yeah, I befriended him so I have no choice.
"Ang nonsense ng usapan natin. All thanks to you, Aiden Matthew."
[You're welcome, Ms. Tiu. Ano? Gala tayo?] Aish. Kulit talaga.
"No. Ayoko. Di pwede. Tinatamad ako. Kaya mo na yan. Bye." I hung up and placed my phone in the pocket of my pajamas.
I closed my Chemistry book and stood up from my seat. Di pa ako kumakain ng breakfast or should I say brunch? One o' clock na eh.
Bumaba ako at may nakita na akong nakahandang pagkain. That's what I like with my brother, nagtitira sya ng pagkain.
Habang kumakain ako ng tinapay, biglang nag-vibrate ang phone ko. I bet it was Aiden again but I was wrong.
From: Kuya Andrew
Hoy, bunso. Samahan mo na si Aiden. Ako ang kinukulit e. Pag di mo sinamahan, wala kang baon for the whole week. :)
That smiley face creeps me out. Ang galing talaga ni Aiden maghanap ng kakampi. Bilib na ako sa kakapalan ng mukha nya. Tinext ko ang gago kung saan ba pupunta.
From: Gago
Ayan, pumayag din. Ang bait mo talaga. ;) Alam ko namang di mo hahayaang mag-isa ang gwapong katulad ko eh, diba? •-• Sunduin na lang kita mga 30 minutes mula ngayon, okay? Syempre okay na yan.
Puta. Mas malala pa yung emoji nya kesa sa smiley face ng kuya ko. Tapos sinagot pa nya ang sarili nyang tanong. Jusmiyo. Sakit sa ulo ng mga lalaki sa panahon ngayon. Literal.
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
Genç KurguWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...